Chapter 66: "The Challenger"

49 14 0
                                    

Chapter 66: "The Challenger"

Shadow's point of view

"THAT BATTLE was truly unexpectedly fast! Hindi ko aakalaing madali lang matatalo ng baguhan nating kalahok ang isang captain ng malakas na Faction! At dahil dito, ang pawn ni Master Edveron ang mag-a-advance sa pangalawang match mga kasama! Magkikita-kita tayong muli sa Arena-2 sa North Continent bukas na bukas din sa kaparehong oras! At dito na lang muna natin tutuldukan ang ating paligsahan mga mahal kong manonood! Paalam na sa inyo at magandang gabi!"

Everyone was totally amazed by the sudden end of this tournament. Thinking of it as a long fight with a tight clash from me and my opponent but even me was shocked when I won that easily. Siguro masyado ko lang inaalala ang lahat kaya ako nagiging nyerbyoso minsan.

Is it because of the presence of the four Founders kaya labis labis ang kaba ko? Kunsabagay, unang beses  itong nangyari sa 'kin at ni minsan hindi ko pa naranasan ang ganitong klase ng labanan. I didn't even know this type of tournament exists in the first place.

Napansin kong inakay si Mero papaalis ng arena ng ilang mga knights at sigurado akong matatanggap na nya ang parusa nyang pagkakakulong ng isang buwan. I felt sorry for him, but it's none of our faults to be battling each other, aren't we? Sadyang itinadhana lang talaga na mangyari 'yon kaya't wala kaming ibang gagawin kundi ang tanggapin ito.

Nagsi-alisan na rin ang mga tao dahil wala na namang susunod na event sa stadium na ito. Wait. So it means, aalis na rin ang mga founders? Nabaling kaagad kay Chrolov ang tingin ko't nagulat nang tumayo na itong hawak-hawak ang metal cage na tumayo mula sa kanyang upuan.

No. This is not happening. I need to stop him from leaving this place! Not now, Chrolov! Kailangan kang maabutan ng mga kasama ko rito kahit ano pa man ang mangyari.

"Wait!" inagaw ko ang mikroponong hawak-hawak ng emcee na nagulat din na akmang aalis na rin. The whole crowd even the four founders stopped their tracks and shot me a glance in curiosity.

"Hmmm?!" Edveron sounded pissed by my shout.

"Ano bang ginagawa mo? Ibalik mo na sa 'kin ang mikroponong 'yan." pilit inaagaw ng emcee ang hawak ko ngunit hindi ko sya hinayaan.

Nanatili lamang sa apat na founders ang tingin ko, I need to let him stay, even for a while. At the same time, hindi ko pwedeng ipahalata kay Chrolov na sya lang talaga ang gusto kong manatili pa kahit kunti sa lugar na 'to but I don't want him to know. The moment he'll be aware of my true intentions, retrieving Nekuma back will be a lot more hard than the current state we are in now.

I'm sure by now, alam na ng lahat ang balitang inihatid ko sa kanila sa tulong ng companion ko. The problem is if they can be here a lot more faster as soon as possible.

At hangga't wala pa sila rito. As one of the member of the White Alpha faction, retrieving our vice-captain's companion is also part of my job.

Naging seryoso at kakaiba ang tingin ng lahat ng nandito sa stadium dahil sa aking pag-sigaw. Even the founders got curious of my sudden scene kaya't pati sila'y tila naghihintay din sa aking susunod na mga sasabihin.

There's only one thing left to do now para mapanatili ko sa loob ng lugar na ito si Chrolov. I took a deep breath bago naglakas-loob itinuro ng kanang daliri si Chrolov. "Ako si Shadow, ang kasalukuyang pawn fighter ni Master Edveron at ang nanalo sa unang laban ng tournament na ito. Gusto kitang makaharap sa isang duel match, Chrolov, ang isa sa pinakamalakas na Founder sa buong mundo!"

"Anong sinabi mo?! Nababaliw ka na! Bawiin mo kaagad ang mga salitang binitawan mo, ngayon na!" nagnais pa rin akong agawan ng emcee ng mikropono pero hindi ko ito pwedeng ibigay anuman ang mangyari. "Hindi mo alam ang ginagawa mo! Itigil mo na ang kabaliwang ito, kung ayaw mo pang mamatay!"

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon