Chapter 48: "Annoying Night"

65 14 2
                                    

Chapter 48: "Annoying Night"

Teiro's point of view

NAPAKARAMI NAMING natanggap na items and coins nang sa sandaling matalo nga namin ang dungeon.

We thought we're all gonna die inside but fortunately, hindi naman pala gano'n ka-delikado ang sitwasyon. Naisip ko tuloy, ma-swerte lang talaga ako dahil nakasama ko silang apat sa dungeon na 'yon dahil kung hindi, siguradong iba ang kahahantungan ng lahat.

Especially about Leonidas. My grumpy captain. So far, bukod sa thief, sya lang ang masasabi kong pinakamalakas na fighter player na nakilala ko sa game world na 'to. There's obviously hundreds of talented fighters on different places and islands but, Leonidas is the best fighter for me. No matter how many stronger players that might appear, my captain is still the best.

"You're dreaming again. Wake up, kid!" but unfortunately, hindi ko lang talaga gusto minsan ang ugali nya.

Hindi ko namalayang nasa harap pala ako ng street vendor at kanina pa siguro naghihintay na magbayad na ako sa pinamili.

Nang maiabot ko na ang aking bayad umalis na rin kaming dalawa pabalik sa inn. Medyo crowded ang daan lalo pa't halos lahat sila'y may kasamang mga companions.

This is just a small town in the middle of a hill at mula rito'y pwede mong matanaw ang ibang bahagi ng kapatagan at kagubatan, and also, this is near the Central Square. Do'n din ang punta namin, nagpahinga lang kami rito saglit para bumili ng supplies.

"About sa faction natin. May naisip ka na bang magandang pangalan?" nalingon ako ni Leonidas nang maitanong ko ito sa kanya.

"I still can't think of something good. Pero nag-iisip naman ako."

I sighed. "You've been thinking for two days, captain."

He pointed at me. "Don't count. It's embarassing."

"Nakakahiya naman pala eh."

"Imbes na madaliin mo 'ko. Mabuti pang tulungan mo na lang akong mag-isip." he said habang kumakain ng herb.

"That's not a snack, you know that right?" sita ko sa kanya but he just stared at me.

"Anong akala mo sa 'kin, di nagbabasa ng Medicinal book? Syempre alam kung di 'to snack." pinagmamalaki nya pa 'yong medicinal book na binabasa nya eh nasa pangalawang pages pa lang naman sya.

"Then why are you eating that white flower, huh? Mawawala ang bisa nyan kung basta-basta mo lang kakainin kung wala ka namang sakit. Unless you have a problem with your head, no herb can heal you if that's really the case." sambit ko.

"Ba't ba napunta sa herb ang usapan? Eh tungkol lang naman sa faction name ang topic natin?" naiinis nitong sumbat.

Kukuha na naman sana ito ulit ng herb sa pouch na dala-dala ko pero inilayo ko na ito bago pa nya maabot. Masama nya akong tiningnan. "Hindi 'to marijuana para paglasahan mo ng kaa-adikan mo. Medicine 'to."

"Medicines are drugs. Idiot."

Nagpakita ang ugat sa noo ko dahil sa inis. "Mag-isip ka na nga lang kasi ng faction name!" hindi ko na mapigilan itong sigawan.

But he remained calm kahit na masyado nang malakas ang sigaw ko. Napapatingin na rin ang ibang tao sa direksyon namin ngayon.

"Hindi ko nga kasi alam!" but his shout was louder than mine kaya't halos tumiwalag na ang kaluluwa ko sa aking katawan.

"You both looked like idiots."

"Shut-up thief!" magkasabay naming sigaw sabay lingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Tsaka lang namin nalaman na nakarating na pala kami sa pintuan ng inn na tinutuluyan namin.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon