Chapter 71: "The Tournament Continues"

55 14 0
                                    

Chapter 71: "The Tournament Continues"

Teiro's point of view

NANG MAKALAMPAS kami sa mga guwardiya nang walang kahirap-hirap, hinanap kaagad ng aming mga mata sina Shadow at ng iba pa.

"Buti at nakarating din kayo ng ligtas." ani Harmony na unang nakatagpo sa amin sa aming dinadaanan.

"Ano, kumusta ang humahabol sa inyo?" ani Indominus. "'Wag nyong sabihing tinapos nyo lahat."

"Kung naubos man sila o hindi. Wala na tayong pakialam. Kung subukan man nila ulit na harangan o sundan tayo sa daan, sisiguraduhin kong hindi rin sila magtatagumpay." saad ni Leonidas at lumingon kay Shadow sa may pinakalikod. "Hindi ba tayo magiging delikado rito? Kung saka-sakaling malaman ng mga naglililibot pang mga knights na nandito tayo, siguradong malaking gulo ang magaganap."

"Hindi ka dapat mag-alala. Nakausap ko na si Edveron kanina."

Nakausap nya?

"Paano mo sya nakausap?" tanong ko agad.

"Edi nagsalita ako." pilosopong sagot nito't kamuntikan ko nang sipain pero hindi ito ang tamang oras para patulan ang biro nya.

"Ang totoo nyan." ani Harmony.

"Sinabi na namin sa Edveron na 'yon ang tunay na may-ari ng metal cage. At 'yon ay walang iba kundi ikaw, Hezuya." paliwanag ni Indominus.

My eyebrows furrowed. "And then, anong sabi nya?"

They all looked hesitant na sumagot kaya't nagkatinginan kami ni Leonidas. "Tell us what's happening kung ayaw nyong manghula na lang kami ng kahit anong bagay." seryosong saad ng katabi ko.

Tumingin sa akin si Shadow nang matapos syang makapaglabas ng buntonghininga. "The truth is, Edveron wasn't planning to hand us the metal cage kahit na manalo o matalo man ako sa paligsahang ito. Dahil ang mas gusto nya, magkaharap kayong dalawa sa isang duel match na gaganapin sa sariling templo nya, which is located sa West continent o mas kilala rin sa tawag na Last continent."

Leonidas couldn't help but to clenched his fists sa sandaling marinig nya ang bagay na 'yon. For us both, except sa kanilang nandito na kanina pa, halatang hindi na gaanong bago ang masamang balitang 'yon and it's not right to neglect such thing, lalo pa't ganito na ang suliranin na kinakaharap namin. All of this for the sake of Nekuma's rescue mission.

"Kung gano'n, kailangan na lang natin syang pwersahing agawin ang metal cage kahit ano pang mangyari." Humakbang si Leonidas para lagpasan ang aming kasama pero humarang sa kanya si Shadow. "Don't you dare stop me with this, Shadow boy."

"Sorry but I just can't let you do something risky, captain. We need time para makapag-isip ng tama at kailangan nating maging kalmado." Shadow wants to persuade our captain from attacking Edveron.

"At isa pa, hindi maganda kung gagawin mo ngayon 'yan dito lalo pa't kasama nya ang tatlo pang Continental Founders." dagdag ni Pheris, sabay tumitig kay Leonidas sa bandang gilid. "So you better cool your head first, kung ayaw mong madamay lahat ng faction members mo."

"Kapag nanalo ako sa duel laban kay Edveron." sabat ko't napunta sa akin ang tingin nilang lahat. "Sigurado na ba talagang ibibigay na nya pabalik sa akin si Nekuma?" may matinding determinasyon ang aking matang direktang tinitigan si Shadow na alam kong sya lang ang talagang makakapagsabi, kung ano nga ba talaga ang totoo.

Tahimik silang lahat panandalian.

"Hezuya." bulong ni Indominus.

May hinalungkat namang bagay si Shadow sa bag nya't ipinakita ang isang golden scroll. "Ito ang patunay, na totoo ang mga sinabi nya."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon