Chapter 59: "The Disappearance"

56 14 0
                                    

Chapter 59: "The Disappearance"

Teiro's point of view

SHADOW AND Indominus told us their encounters with the Greneed Knights in this city, hindi nila alam kung paano sila na-identify as the wanteds subordinates pero maswerte sila dahil mahihinang uri ng knights lang ang nakapansin sa kanila.

Kung nagkataong iba 'yon, siguradong malaki ang magiging problema namin. Not that wala akong tiwala pero, hindi maikakailang malalakas ang high-ranked knights ng Greneed.

"Gising ka na pala." - sambit ni Harmony nang mapadaan sya sa nakabukas na kwarto. Nandito ako sa loob at nakatayo malapit sa porch.

I smiled. "Yeah. Hindi ko na alam kung nasaan na 'yong iba pagka-gising ko."

Pumasok sya't inayos ang mga kumot doon para mailigpit sa gilid. "Lumabas silang tatlo ni captain. Magdu-dungeon daw sila at iniwan ako rito para raw matulungan kita."

"Tulungan ako?" - may pagtataka kong tanong.

Tumingin sya sa 'kin at ngumiti. "Gusto mong umabot ng 500 ang Intelligence level mo, di ba? Kaya nandito ako para mas mapadali mo 'yong magawa."

Nagliwanag agad ang mga mata ko. "Talaga?! May mas madaling paraan pa pala para tumaas ang Intelligence ko?"

Tumango sya. "Oo naman. Actually, kagabi ko lang din 'yon nalaman."

"So tungkol do'n pala ang librong pinagpuyatan mo kagabi." kahit sa buong usapan namin kagabi, nasa libro ang tingin nya't hindi nya na 'yon maibaling sa ibang direksyon. Nakaka-intriga ang pagiging focus nya sa isang bagay.

"Meow~" - nagising si Nekuma mula sa nililigpit na kumot ni Harmony. Tumingin muna ito sa kanya kaya't hindi matiklop nito ang kumot dahil nando'n nakahiga ang pusa.

"Good morning din, Nekuma." - ngiting bati ni Harmony dito.

"Meow~" it licked Harmony's finger na ikinatawa naman ng huli before she rubbed her hand on Nekuma's chin.

"Good morning, Nekuma." napalingon sa 'kin ang pusa pero tila simangot itong nakatitig sa 'kin ngayon.

"Meow." - bakit parang walang gana ang tugon nya? At nagulat ako nang humiga ulit ito sa kamang 'yon nang tila naba-badtrip sa mukha ko. Ano bang problema ng hayup na 'yan? Naipit ko kaya 'yan sa pagtulog ko kagabi, kaya galit?

Harmony covered her mouth while smiling uncontrollably. Nagtaka ko syang nilingon nang nakakunot ang noo. "My sinabi ba sya?"

"Sa susunod, di ka na raw nya tatabihan sa pagtulog." natatawang sagot naman nito.

So naipit ko nga talaga sya!

Matapos ang pagliligpit, where Nekuma is still in between the folded blanket, magkaharap kami ngayon ni Harmony na nakaupo sa sahig. I can't helped but to feel an awkwardness between us lalo pa't pansin kong kaming dalawa lang ang natira rito.

Hindi mapakali ang kamay at paa ko. My eyes are wondering everywhere, kapag napapatingin naman ako sa kaharap ko, didiretso sa mata nyang nakatingin sa isang libro kaya't napapaiwas ulit. Sunod ko syang titingnan ay napupunta naman sa pula nitong labing bahagyang nakangiti kaya't mas lalo akong kinabahan.

"Okay. Simula na tayo?" nanigas ako't hindi pinahalata ang kaba na tumango.

Nag-aral kaming dalawa tungkol sa mga beasts at medicinal herbs sa buong paligid. And after half an hour, umabot na hanggang 504 ang Intelligence ko.

Nagulat ako. "Ha?! Ang bilis nga! Hindi ko namalayang gano'n lang 'yon umabot na ng 500 ang Intelligence level ko!" sobrang saya ko ngayong napapataas ng kamay sa ere kaya't napapangiti rin si Harmony.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon