Chapter 33: "Crime for Freedom"

102 22 4
                                    

Chapter 33: "Crime for Freedom"

Teiro's point of view

I'M DEAD. . . Sooo dead.

I think someone will creep behind me any minute now and twist my neck with eagerness. Pansin ko kahit na nakaalis na kami sa auction audience corner. And being escorted by four knights side to side in a white hallway, we passed the backstage minutes ago.

The emcee is leading us to several turns of this maze-like hallway. Natapos ang auction kanina pa at heto na nga't papunta na kami ni Leonidas sa lugar kung saan kami magbabayad ng 100 Million, para ro'n sa napanalunan naming item.

Medyo masikip ang hallway kaya't nasa bandang likuran ko lang sina Nerfius at ito ngang si Leonidas, na pakiramdam ko'y gustong-gusto na talaga akong atakihin at lagutan ng hininga.

Hindi ko alam kung ilang libong paraan na ba ang nabubuo sa isip nya ngayon para lang tapusin ang pag-hinga ko sa mundong 'to.

Someone! Help me!

"Meow~"

'Tong pusang 'to, parang walang pakialam sa delikadong sitwasyon ko. Pakiramdam ko talaga dalawang beast ang nakasunod sa 'kin ngayon. Mas halimaw kay Nerfius 'yong isa kaya't gusto ko na talagang maiyak at magpalamon na lang sa sahig at habambuhay na mawala.

"We're here, gentlemen!"

We stopped walking as the guy infront ceased his steps first, before turning to me with a wide smile.

Mas lalo akong kinabahan. Pwede bang maglakad pa tayo? Gusto kong habambuhay na lang na maglakad. Wala kaming pambayad!

"Meow~"

Oo na! Meow meow. Kasalanan ko 'to kaya 'wag ka nang mag-ingay dyan.

Sa isang red key na nilabas ng lalaki sa harap mula sa bulsa nya, muli itong tumalikod at binuksan ang pinto gamit 'yon.

Nag-ingay ito nang kanyang itulak papasok ang pinto. Nauna sya't dire-diretso sa medyo maluwag na chamber sa loob. I sighed as I followed him inside. Gano'n din ang narinig ko kay Leonidas pero 'yong tipong mas frustrated ang tunog nito. Nakakatakot sa pandinig kumbaga.

Patay na talaga ako! Patay na ako!

Nang makapasok kaming lahat. Sinara no'ng isa sa knight ang pinto at ni-lock gamit 'yong red key na inihagis ng emcee sa kanya.

Tumunog ang lock ng muling pagkasara't inihagis nya ito pabalik sa kamay ng emcee. Nagkatinginan kami nito't ngumiti syang sinilid ang susi sa bulsa ng pantalon. "Don't worry. You'll leave this chamber safe. Once you payed the price full."

May dalawa pa palang knights ang nandito sa loob ng chamber maliban sa apat naming escorts. So, tightly secured talaga ang lugar kaya't wala kaming ibang magagawa kundi ang manatili rito.

Underground chamber ang bahaging ito. So the only way out is the hallway we walked through several minutes ago hanggang sa nakarating kami rito.

May isang black lectern sa likuran ng lalaking ito. Pumunta sya sa gilid banda, gesturing his hand towards it. "This is the money transferring machine. You can input the amount of the money you should pay right on that screen."

He instructed as he looked to Leonidas. "Where's the slave we just bought there? I don't see her anywhere." tanong ng captain ko sa lalaki.

"He's right beside this room. Right through that wall." sabay turo nito sa bandang kanan namin ni Leonidas.

"Hezuya." Tinawag ako nito bigla kaya't mabilis akong humarap sa kanya. Bigla akong nanlamig nang tapikin nya ang balikat ko, tangina! "Is it okay if my comrade checks the girl? I have the money so I'm the only one needed here." titig ang mata nyang sinabi 'yon sa emcee.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon