Chapter 53: "The Fire Leon Beast"

62 14 1
                                    

Chapter 53: "The Fire Leon Beast"

Teiro's point of view

[Second quest!; HARD difficulty. "Avoid the six Pine Devils from combat as you hunt the four golden-horned beasts lurking around the Red city. You must finish the task within 20 minutes countdown without being spotted or killed by the Pine Devils. You're timer, starts now!"]

MALALIM AKONG huminga't kumunot ang noong nakipagtitigan kay Leonidas. "What's the meaning of this?" I tried to stay calm kahit hindi ko gusto ang nabasa ko. This is truly unfair kahit bali-baliktarin pa ito. I'm starting to get irritated right now.

He sighed. "You're unbelievable. Hindi mo ba naintindihan 'yon? Simple english lang 'yon--"

"That's not what I meant!"

"Relax ka nga lang, kitty." nilagpasan nya ako't nakapamulsang pinagmasdan ang paligid mula rito sa mataas na bahagi ng syudad. "Walang magagawa 'yang pagmamaktol mo. It's not going to help us from winning this, Kitty."

I stared at him from beside. "Would you be so kind to stop calling me with that name?"

"Unfortunately, I'm not kind enough to listen. Kitty." sagot din nya't mas lalong nagpa-inis lang sa 'kin.

"Meow~" Yeah. He's definitely a total jerk.

"Duck."

My eyes widened sabay sinunod ang agad na utos ni Leonidas sabay lagpas ng kutsilyo sa uluhan ko na sobrang bilis.

"Woah! What the--"

"They're already on the move."

Gulat akong napalingon sa kanya. "Gano'n kabilis?"

At hindi nga rin nagtagal, isang naka-kapang lalaki ang lumitaw sa aming likuran na may anim na metrong distansya. Nagpalabas ito ng tigda-dalawang knives sa magkabilaang kamay't sunod-sunod na ibinato sa amin.

Pero agad ko rin namang naipihit ang katawan at na-deflect sa magkakaibang direksyon ang tatlong knives gamit ang aking mga espadang naglikha naman ng matinis na ingay. The fourth knife was about to hit me on my chest pero nasipa ito ng bahagya ni Leonidas pataas, suspending it in midair bago nito acrobatically sinipa ang kutsilyo pabalik sa kalaban.

Pero bago naman ito natamaan ang Pine Devil na 'yon, umangat naman sa sementong kaharap nya ang isang bagong pigura't 'yon ang nagpatalsik sa kutsilyong lumipad gamit ang kanyang natatanging espada.

"Are you dumb? Sabi nga sa quest di ba! Kailangan natin silang iwasan." saad ko na nagpatigil sa kanya.

"There is a saying. That before you quit, try." sabay nag-sprint itong kidlat sa bilis papalapit sa pangalawang Pine Devil na kakalitaw lang.

"You're just trying to die." I muttered.

Sinubukan ni Leonidas suntukin 'yon sa mukha gamit ang kanang kamao subalit na-deflect pababa ng espada't malakas na taginting agad ang kumawala. Sinubukan pa nyang iwasiwas ng suntok ang kaliwang kamao sa sentido ng kalaban ngunit yumuko lamang ito. Sabay subok ulit ng front punch gamit ng kanan pero pataas na naman itong na-deflect ng espada.

Sabay paikot namang heel kick ng kanan ni Leonidas sa sikmura ng kalaban pero gumilid lang pakaliwa ang huli, bago nito sinundan ng wasiwas ng espada sa leeg ni Leonidas. Pero yumuko rin sya't tumalon sabay spin-kick sa kaliwang leeg ng kalaban, subalit naiharang din ang isang braso kaya't walang masyadong impact.

While still in midair, ginamit itong pagkakataon ng kalaban para muling iwasiwas ang espada sa leeg ni Leonidas, pero nasalo ito't napigilan naman ng kanang kamay ng captain bago nya tuloy-tuloy na ibinagsak ang isang siko sa bunbunan ng kalaban.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon