Chapter 8: "Entering the Danger Zone"

636 55 5
                                    

Chapter 8: "Entering the Danger Zone"

Teiro's point of view

EGGS! I need to find an egg from that place. At ang misyon na tatanggapin ko'y maaaring makapagpabilis sa paghahanap ko ng companion.

Hindi ko dapat sayangin ang level 13 na avatar ko ngayon. Kapag wala akong nakitang companion pagdating ng deadline, babalik ako sa umpisa at mas lalo pa akong hihina. The chance of survival will be impossible if that happens.

"Dito muna tayo sa Inn magpapalipas ng gabi." Phoenix greeted the four of us nang nasa pintuan pa lamang kami.

Maganda ang interior design ng lugar. May second floor at may kunting chandelier din. May sofa sa gilid at kitchen naman sa kabilang pinto.

"Mahal siguro ang renta rito." Kane commented habang gina-guide kami ni Phoenix sa pangalawang palapag.

"Yeah. Medyo mahal nga dahil buong Inn house ang binili namin."

"Binili nyo?!" Kane almost shouted na tinawanan na lamang ni Phoenix.

"Oo naman. Pinaghatian namin tatlo nina Leonidas at Pheris ang total price kaya't sa atin na ang lugar na 'to simula ngayon." paliwanag nito habang tinuturo ang dalawang kasama nyang nasa ibaba.

Leonidas is comfortably sitting on a single sofa while Pheris is probably at the kitchen. Ang bango. Ano kaya niluluto nya ro'n? Nakakatakam.

"Grabe. Ang yaman-yaman nyo naman pala." Kane admired Phoenix with just that thing. Nagkikislapan pa ang mga mata nito habang excited na parang gustong suyurin ang buong lugar.

"Aba syempre. Mayaman ako 'no."

"Don't lie, idiot." Biglang pambabara naman ni Leonidas na hindi tumitingin dito. "20% lang na-ambag mo habang kami ni Pheris eh parehong 40% ng golds ang nagastos."

"Leonidas! Tumahimik ka na nga lang."

"Handa na ang hapunan!" rinig naman naming sigaw ni Pheris kaya't nagpasya na lang muna kaming bumaba lahat at magtipon-tipon sa hapag-kainan.

"Wow! Ang sasarap nito!" sigaw ni Kane habang tila naglalaway na tinitingnan ang lahat ng handa sa mesa.

"Tumigil ka nga ryan. Malalawayan mo na 'yong pagkain." Leonidas remarked, annoyingly.

"'Wag kayong mahiya. Kain lang kayo, okay?" ngiting bilin ni Pheris sa amin kaya't masaya kaming nagsalo-salo roon.

Matapos ang ilang minuto, nagpasya rin kaming mag-usap para sa magiging plano bukas.

And as expected from Phoenix, mukhang magiging maganda ang paglalakbay namin dahil kabisado na nya ang mga daanang ligtas sa lugar na pupuntahan namin.

Even hints about rare eggs, ay kuhang-kuha rin nila ang detalye nito. Ang kulang na lang ay ang paggawa sa mismong mga planong ito.

"Ibig sabihin, pwede tayong makakuha ng dragon eggs kung sa banda rito tayo dadaan." ngiting pagpapaliwanag ni Phoenix, habang nakaturo sa mapang nakalatag sa mesa kung saan kami nakapalibot.

"Sa paliwanag na narinig ko, mukhang magiging madali lang pala ang misyong ito." ani Kane.

"Tingin mo?" engganyong tanong ni Phoenix.

"Opo!"

At nagtawanan silang dalawa habang nakikipag-apir sa isa't-isa.

"Sigurado ba talaga kayong aayon ang lahat sa plano?" tila naniniguradong tanong nitong katabi ko sa upuan. Mababasa sa IGN nya ang pangalang 'Maximo'. Isang Demon tamer kagaya ni Alistair.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon