Chapter 91: "The Double-Bladers Met"

41 12 1
                                    

Chapter 91: "The Double-Bladers Met"

Teiro's point of view

I WOKE up by a soft slap from my cheek repeatedly. Naibuka ko ang aking mata't nakita ang makulimlim na kalangitan. Bumalik ang aking kamalayan at ang talas ng aking pandinig at kung saan'y narinig kong muli ang maingay na tunog ng labanan.

Sigawan, kalansingan ng mga sandata't mga walang tigil na pagsabog. Pagaspas ng mga higanteng pakpak sa kalangitan at nagsisibagsakang nilalang sa kung saan. Pagyanig ng lupa at ang nakakabinging sigaw ng mga higanteng halimaw habang nakikipaglaban.

"Kailangan ng medic dito!"

Isang sigaw ng player ang aking narinig at napatingin sa gawi ng pinagmulan ng ingay. Napansin ko si Pheris sa aking tabi, sya ang gumising sa 'kin at mukhang ginamot na rin ako. "Pasensya na kung ngayon lamang kami nakarating." kanyang sinserong saad.

To sum everything up. The whole temple ground is in total chaos right now. Dumating ang reinforcements na nanggaling pa sa Continental Island prison na dinala nina Pheris at Indominus. Mukhang may dumating pang libo-libong beasts mula sa iba't-ibang dako nitong kontinente para lang talunin kami.

Pheris told me na pagkatapos na pagkatapos akong mawalan ng malay dahil sa poison ni Alistair, dumating din sila't tinalo ang mga knights pero dahil sa kakaibang lakas meron si Liyuen, tinawag nya ang napakaraming beasts saan mang bahagi nitong kontinente't tila aliping sumunod sa bawat utos nya nang walang kahirap-hirap.

Nandito lamang kami ngayon sa isang tagong bahagi ng gubat habang patuloy ang digmaan sa paligid para makapagpahinga nga ako. Based on what she told me, halos kalahating oras na ang nakalilipas na wala ako sa aking kamalayan kaya't nagulat talaga ako.

"Teka lang. Nasaan na sina Leonidas at Harmony? Tsaka si Nerfius, ayos lang ba sya?"

She smiled to calm me down. "They're okay. Harmony is still sleeping behind that tree hindi ko lang alam kung nasaan na si Leonidas, maybe. He already invaded the temple or got into fight with Liyuen. He absorbed Nerfius minutes ago after a short break."

"Hindi mo sya pinigilan?"

Natawa sya't tumayo. "No one can. You knew that better than me."

Tumayo na ako't pinagmasdan ang paligid ko. Maraming players ang nakikipaglaban sa mga beasts. Some may be struggling to kill a flying owl but some were already veterans on hunting them. But there are too many monsters around. Lahat ng reinforcements na dinala nina Pheris dito'y siguradong mauubos din kapag hindi sila mag-ingat.

Para kasing hindi nauubos ang kalaban kahit gaano karami na ang natalo nila sa pagkakataong ito. Kahit sa bandang lake, mayroon ding dalawang giant king crabs na naglalaban sa isa't-isa. One of the crab is being controlled by a certain tamer while the other is just wild.

"Salamat sa paggamot mo sa 'kin." saad ko kay Pheris at napatingin sya sa 'kin. "Kailangan ko nang umalis at iligtas si Nekuma."

"You can't do that alone." pigil na tugon nya sa 'kin. "Hanapin mo si Leonidas sa battlefield para matulungan ka nya."

Tumango ako. "'Yon nga ang plano ko." bago ako lumisan doon, napasulyap ako sa direksyon kung saan nakahiga ang wala pa ring malay na si Harmony. She did quite a great job that kept the three of us alive until now. Nais ko man syang pasalamatan ngayon ngunit walang oras. "Kapag nagising sya, pwede po bang 'wag nyo syang papasukin sa templo? Pigilan nyo sya kahit anong mangyari."

"Nag-aalala ka sa kanya?"

"I'm her friend. It's normal."

Pheris went silent for awhile and looked at Harmony bago nagdesisyong ibalik sa 'kin ang kanyang tingin tsaka marahang tumango. "I'll do what I can."

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon