Chapter 46: "The Time Dungeon 2"

87 19 1
                                    

Chapter 46: "The Time Dungeon 2"

Third Person's point of view

TAHIMIK. MADILIM.

Walang tigil ang hampas ng malakas na hangin mula sa salaming bintana ng masikip na pasilyo. Naghahari ang kadiliman sa buong paligid ngunit hindi ito alintana ng isang lalaking kalmadong naglalakad dito.

Naka-suksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Maingat man ang bawat hakbang na nagagawa nito, rinig na rinig pa rin ang tunog ng sapatos nito sa semento.

May maririnig na kalabog at tuloy-tuloy na ingay ng mga nababasag na bagay at salamin sa ibaba, ngunit hindi ito pinapansin ng lalaking may maskara sa mukha't  nililibot ang berdeng mata sa kanyang paligid.

Hanggang sa kanyang napansin ang isang malaking dobleng pinto sa gilid ng pasilyong nilalakaran at doon pasimpleng huminto. 'Mukhang nandito na ako.' kanyang sambit sa isipan bago pihitin patulak ang pinto't walang pakundangang pumasok doon.

Lumikha ito ng malakas na ingay, sabay sara ritong muli nang tuluyan na syang makapasok.

Nag-iba ang temperatura ng hangin sa malawak na silid na kanyang kinaroroonan ngayon. Hindi na ito gano'n kalamig kumpara kanina at ramdam din nyang mas mapayapa ang paligid dito kesa sa labas.

Gaya ng ginagawa ng iba, kanina pa rin sya naglilibot sa buong kaharian sa isipang mahahanap ang reyna at protektahan ito sa mga mamamatay-tao.

Ang town thief na ito'y nagbuntong-hininga nang makitang maraming maliliwanag na treasure chests sa bawat gilid nitong bulwagan. Ngunit hindi nya pinansin ang mga 'yon, bagama't naglakad lamang sya ng diretso hanggang sa mapahinto syang nakaharap mismo sa ginintuang tronong nakaangat ng tatlong palapag mula sa normal na level ng sahig na napapalibutan ng red carpet.

Malawak syang napangisi ngunit sa likod lang ng maskarang 'yon. Kapansin-pansin ang galak sa mga mata nya habang pinagmamasdan ang tronong 'yon.

Mukhang nakita na nya ang gusto talaga nyang makita sa pagkakataong ito. 'Nakita rin kita.' kanyang muling sambit sa isipan nya.

Nang sandaling kanya na sanang ilalagay sa inventory ang gintong trono gamit ang shrinking dust na hawak-hawak nya sa isang bote, natigil sya sa paggalaw na tila estatuwa nang mapansin ang kakaibang presensya sa labas ng bulwagan, sabay din ang pagtulak ng pinto ro'n na lumikha ng isa na namang nakaka-istorbong ingay.

Bahagya nya lang inilingon ang ulo sa likuran at napansin ang pigurang nakatayo sa nakabukas na pinto. May dagger weapon itong hawak sa kanang kamay.

'Ang sama naman ng timing.' inis na sambit ng town thief sa isipan bago humarap sa bagong dating. Nilagay ang shrinking dust sa kanyang inventory.

Pero kasabay din no'n, hindi nya inasahan ang biglaang paglitaw ng pigura sa mismong harapan nya. Bahagya pa itong nakalutang sa sahig ng ilang pulgada't buong lakas na ipinabulusok ng saksak diretso sa berdeng mga mata nito ang dagger ng assassin.

Ngunit gamit ang kaliwang palad ng town thief, nahawakan nya ang braso ng kalaban at nailihis nya ito pagilid na may hawak na patalim, sabay isang direktang straight blow ng kanang kamao sa sikmura ng assassin.

Halos mabali ang buto sa katawan nito nang tamaan sa napakalakas na counter punch na bahagya pa ring nakalutang sa ere.

Hindi na sinayang ng town thief ang pagkakataon nang marahas nyang baliin nang mabilisan ang hawak-hawak na braso sa kaliwa. Dahil do'n, nahulog ang patalim na sinalo naman ng kanang kamay nya, in a reversing hold sabay mabilisang side thrust swing na tumama sa kanang sintido ng assassin, na sinabayan pa ng muling saksak naman sa kanang leeg nito sa magkaparehong segundo.

The Tamer Without a Beast: VOLUME 1 and 2 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon