Chapter 2 ✍️

23 9 0
                                    


Kagigising ko lang galing sa aking masarap na pagtulog kaya di pa ako bumabangon sa aking kama. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid madilim na pala ang tanging liwanag na nakikita ko lang ay ang mga poste ng ilaw sa labas. Nakaopen pala ang bintana ko kaya somehow may maliit na liwanag ang nakapasok dito sa kwarto ko. Bumangon na ako at binuksan ang mga ilaw dito sa loob ng apartment ko.

Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa kwarto ko at tinignan ang oras nito alas otso na pala ng gabi. Napahaba yata talaga ang tulog ko at kumakalam na ang sikmura ko parang nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan. Buti nalang ay malapit lang sa convenience store ang apartment ko kaya pwede lang lakarin.

Hindi naman ako natatakot lumabas tuwing gabi kasi may ilan ilan pa rin namang tao ang naglalakad sa labas. As if naman takot ako sa mga taong gustong manakit sa'kin baka sila pa masaktan hihi. Malapit lang din dito ang mga kainan na 24 hours at pwede lang din lakarin mula dito ang Jollibee at Mcdo.

Eh di ko naman afford don kaya minsan lang ako nakakakain don kasi kailangan ko rin makatipid. Hirap maging mahirap lalo na kung mag isa ka lang itinataguyod ang sarili mo. Napapaisip tuloy ako kung buhay pa ba ang mga magulang ko o di kaya'y kung may mga kapatid ba ako.

Ano kaya iyong feeling ng may kompleto kang pamilya? Yong may mag aalaga sa'yo at masasabihan sa lahat ng gusto mong sabihin. Pero nasanay na rin naman ako siguro patibayan nalang talaga kung sino ang susuko siya ang talo.

Ano ba yan nag eemote na naman ako, ang importante ay buhay tayo at patuloy pa rin lumalaban kahit ano man ang mangyari . Iniisip ko kung anong kakainin ko para hapunan parang feel ko yata ang fried chicken ngayong gabi ah.

Naglalakad ako ngayon patungong Jollibee pinagbigyan ko nalang ang sarili ko kasi minsan lang din naman ako nakakakain ng masarap minsan nga tuyo at syaka gulay lang kinakain ko pero syempre dapat may prutas din.

Nakita ko pa ang ibang tao na naglalakad din tulad ko patungong seven eleven at may mga nakasalubong din akong kakain daw sila ng mami. Eh narinig ko 'yong babae kanina di ko naman sinasadya, di ako marites ha medyo lang hihi.

Pumasok na ako sa Bida ang saya san pa edi sa Jollibee. Mabuti nalang di mahaba iyong pila ngayon minsan kasi pag kumakain ako dito ang haba ng pila ang sarap tuloy lumabas kaso gusto ko talaga iyong fried chicken kahit mataas ang pila basta cravings solved kaya tiis tiis nalang talaga.

Sa wakas it's my turn na. Hmm ano pa kaya oorderin ko maliban sa fried chicken?

"1 pc. chicken, 1 medium fries, and two rice please.Uhm.. also pineapple juice for the drinks." sabi ko sa cashier.

Hinintay ko lang sandali ang order ko and after a couple of minutes dumating na din. Nagpasalamat ako dun sa dining crew kasi di madali ang ginagawa nila. Dati akong nagtatrabaho sa Jollibee noon kaya alam ko ang pagod at hirap nila. Nag uumpisa na akong kumain ng may lumapit sa aking lalaki.

"Uhm.. can i share a table with you miss? wala na kasing vacant seat." tanong nong lalaki sa akin
wearing his beautiful smile.

"Okay." sabi ko nalang.

Di naman kasi ako nahilig makipag usap sa mga tao at talagang tipid lang ako kung sumagot. Di ko alam kung pano magsimula ng topic hihi.

" Thanks." sabi niya.

Ibinalik ko na ang atensyon ko sa pagkain at malapit na akong matapos kumain nang magsalita siya ulit.

"You know what, i guess you're a silent type of person it seems like you're emotionless and i think that's quite unique. I've never seen someone like you." sabi niya while wearing that smile again.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now