Chapter 42 ✍️

5 3 0
                                    

Emery

Tinawag na ako ni Gunther dahil kakain na daw kami ng dinner. To be honest, kanina pa ako hindi makafocus sa panonood ng movie. Distracted ako kasi amoy na amoy ko ang mabangong luto niya.

Agad akong tumayo sa sofa at sumugod sa dining table niya. Nagugutom na rin kasi ako eh kanina pa. Sa susunod ko nalang tatapusin ang pinanood kong movie.

Nakita ko sa mesa ang hinanda niyang pork sisig, sinigang na hipon at pritong isdang bangus. Mukhang mapapasabak na naman ako sa kainan ngayon.

It seems like we're eating in a restaurant. First time kong kumain ng sisig na sa bahay lang niluluto. Paborito ko din 'to pero hindi ko kasi naaafford noon kaya iyong mga murang pagkain lang inoorder ko.

Agad kong tinikman ang mga niluto niya. Walang halong biro talagang masarap siya. How did he learn cooking?Maybe someone taught him. He cooks really well.

Ang dami kong nilagay na kanin sa plate ko. Bahala ka na dyan Gunther kahit anong isipin mo basta ako kakain ako.

Kain lang ako ng kain na parang walang bukas. I can feel that he's staring at me. Ngayon lang yata nakakita ng babaeng masiba sa pagkain.

"It seems like you're enjoying the food." bigla akong napalingon sa kanya habang sinusubo ang pritong isda.

"Masarap eh.. and I really eat this way..pasensya na." sagot ko nalang sa kanya.

"No, it's okay nakakaenjoy ka ngang tignan." ibinalik ko din kaagad sa plato ang atensyon ko.

Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa ref niya. Naglabas siya ng pitsel at kumuha ng dalawang baso.

"I forgot to prepare this. Here." inilapit niya sa akin ang baso at pitsel na may lamang tubig. "Or do you want juice? sofdrinks?" umiling lang ako dahil trip ko uminom ng tubig ngayon.

Paborito ko talaga yung pineapple juice kahit nga sa school 'yan ang madalas kong iorder sa cafeteria. Pero   sa ngayon magtutubig muna ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagprisinta akong maghugas ng pinggan. Pero sabi niya siya nalang daw maghuhugas. Bumalik nalang ako sa sala niya at umupo sa sofa.

May nakita akong picture frame sa side table. It was a family picture at mukhang masaya si Gunther dito. I often see him smiling. Minsan ko lang siyang nakitang ngumiti that's when she's with Nix.

He looks like his dad but he got her lips from his mom. I remembered the time when he told us about his father. It was Anne's birthday while we're playing "Truth or Drink".

I haven't seen his mom in person. Kahit naman parents nila Jared at Collins ay hindi ko pa nakita. Tanging parents lang nila Anne at Craner.

I think the photo was taken in their house. Parang may occasion. They're all wearing a colored green printed t-shirt na "Happy family" ang nakalagay.

Mukhang masaya silang lahat dito sa photo na 'to. Nakakalungkot lang isipin na hindi na sila kumpleto ngayon.

"That was our last picture together." bigla akong napalingon sa kanya. "Sobrang saya namin dyan sa picture na 'yan."

"Kamukha mo yung dad mo." bigla siyang ngumiti. Ang gwapo pala nito kapag nakangiti.

"Marami ngang nagsabi na magkamukha kaming dalawa ni daddy." nakangiti pa rin siya. "I know he's happy wherever he is right now."

"He's still in your heart kaya parang kasama mo pa rin siya." mas lalo siyang ngumiti dahil sa sinabi ko.

"You're right. He was ambushed and killed and I promise to him the justice of his death." bigla siyang naging seryoso. "Until now, I didn't stop looking for that person who's the mastermind of what happened to my dad. I continued investigating and digging some clues para mas makilala ko kung sino man ang lapastangan na iyon." he became more serious now.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now