Chapter 22 ✍️

4 5 0
                                    


Emery

I was having my breakfast when Venz texted me that he's in the gate of my apartment. I immediately drink my water at agad na lumabas sa apartment ko. I saw Venz leaning into his car while waiting for me. He smiled when he saw me at agad na inabot sa akin ang isang susi at maliit na brown envelope. This must be the prize that i won yesterday. Shit! Sobrang naeexcite ako nang tanggapin iyon.





I diverted my gaze sa motor na ibinaba ng dalawang tao galing sa kanyang pick up. Nakabalot pa rin ito kaya hindi ko makita kung anong motor ang napanalunan ko.




"Ako mismo naghatid personally para sure." nakangiting sabi ni Venz.





"Thanks, Venz." pasasalamat ko sa kanya. "How can I repay you?"





"You don't need to." nakangising sabi nito. "By the way, kailangan ko nang umalis may meeting pa ako."




"Okay, thank you ulit." tumango lang siya at agad na sumakay sa kanyang sasakyan.





Nang umalis si Venz ay nilapitan ko ang motor at ipinasok ito sa loob. Nagtanong si manong guard tungkol sa motor ko at sinabi ko sa kanya na napanalunan ko ito. Agad kong dinala ang motor sa parking area ng apartment. Buti nalang talaga at merong maliit na parking area ang apartment na ito.





Agad kong kinuha ang nakabalot sa motor at nagulat ako nang makita ko na ito. Is this real? Hindi ko inakala na ito pala ang prize nila. Hinding hindi ko makakalimutan ang motor na ito. Isa ito sa mga pinangarap kong motor na palagi kong tinitignan sa tuwing napapadaan ako sa Luxwheels. Ang Ducati Monster 1200 na kulay pula.






Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako kaagad dahil may pasok pa ako sa school. Tinignan ko ang laman ng maliit na brown envelope. It's a  money worth of 200, 000 pesos cold cash. Ngayon palang ako nakahawak ng ganito kalaking halaga sa buong buhay ko. Naeexcite na akong gamitin ang motor ko ngayong araw.




Nandito ako sa parking area ng apartment habang nakasakay sa motor ko. Pinaharurot ko ito papunta sa school. It feels great to ride your own motorcycle. Ang sarap pala sa feeling na magkaroon ng sariling motor, iyong hindi ka na manghihiram.





Ipinark ko ang aking motor sa parking area ng university.

'Dyan ka muna. Magkikita naman tayo mamaya.'

Para akong tanga na kinakausap ang motor ko sa aking isipan.
Sinulyapan ko pa ito ng isang beses bago umalis doon.




Katatapos lang ng unang subject ko at papunta na ako ngayon sa cafeteria. Anne texted me na nandun daw sila sa cafeteria at hinihintay ako. Doon din naman ako kakain kahit hindi siya nagtext. Sabi pa niya bawal daw tumanggi sa blessings dahil manlilibre daw siya. Natatawa talaga ako minsan dito kay Anne. Napailing nalang ako at napangiti ng tipid nang maalala ko ang babaeng 'yon.






Nang makapasok ako sa cafeteria ay nakita ko si Anne na kumakaway sa akin. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang mga kasama niya sa mesa. Akala ko silang dalawa lang ni Craner ang nandito ngayon sa cafeteria. Nagdadalawang isip tuloy akong lumapit sa kanila ngunit hinila na ni Craner ang upuan na para daw sa akin na katabi kay Anne.





I guess wala na akong magagawa dahil nandito na eh. Agad silang nag order ng pagkain at drinks. Hindi talaga ako kumportable sa kinalalagyan ko ngayon. Nandito kasi ang dalawang La Grande. May katabi din si Craner na magandang babae at ganun din si Gunther. Hindi ko pa nakikita ang dalawang babaeng ito. Nakangiti lang silang dalawa sa akin kaya mas lalo akong hindi naging kumportable.





The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now