Chapter 41 ✍️

7 3 0
                                    


Emery

Nandito ako ngayon sa university habang kumakain sa cafeteria kasama si Anne. Sa wakas at nakabalik na rin ako sa aking pag aaral. I can feel that everything's back into normal. Bumabalik na rin naman ang dating lakas ko.

Maririnig ko na naman ang malakas na boses ni Anne na parang nakasigaw palagi. Nakakamiss pala talaga iyong ganito. Pero alam kong hindi kami safe hangga't nandyan pa ang mga tauhan ni Harrison pati na rin siya.

Time will come and everything will be revealed. I need to face it at sigurado naman akong handa na ako kung sakali mang mangyari ito. Sana lang ay hindi na madamay pa ang mga taong nasa paligid ko.

I wanna bring him down myself. Sobrang laki na ng kasalanan niya at marami na rin ang nadadamay sa kanyang kasamaan.

Sobrang saya ni Anne nang imbitahan ko siya sa nalalapit na birthday ko. Mas excited pa sa akin ang bruha. Mamaya daw ay maghahanap na siya ng susuotin sa birthday ko.

Excited din daw sya na makilala ng personal ang mga magulang ko. Bibigyan ko nalang ng invitation iyong ibang kakilala ko.

So far, masaya naman ako kahit medyo awkward pa rin kapag nandyan sina Zilkin at Liz. We still maintain our distance towards each other dahil baka mahalata ng mga kalaban.

Dalawang araw nalang at magdidiwang na ako ng aking kaarawan. May nararamdaman akong konting saya at excitement. It'll be the first birthday where my family is going to be celebrating it with me.

Pupuntahan ko pa pala ang bar mamaya dahil simula nang may mangyari sa akin ay hindi na ako nakapunta doon. Namiss ko rin ang dating workplace ko.

Kinontak ko na rin ang mga tao ko dun sa New York. Okay naman daw ang negosyo at mas lalong lumaki ang kita nito. Salamat naman at steady pa rin ang mga business ko kahit hindi ko ito naalagaan ng isang buwan.

Parang gusto kong magrelax ngayon. Kung pwede lang sana magboracay ngayon gagawin ko talaga kahit pa mag isa lang ako. Gusto ko magchill at uminom mag isa.

Pero imposible pa rin mangyari yun. Hindi ako pwedeng magboracay ngayon dahil kailangan ko pang humabol sa mga classes ko. Hindi din ako pwedeng uminom dahil kagagaling ko lang sa hospital.

I'm sure iyong dalawang kapatid ko ang unang tututol kapag sasabihin ko sa kanilang iinom ako. Pero gagawin ko pa rin iyon kapag natapos ko na iyong klase na dapat kong habulin.

Naghiwalay na kami ni Anne dahil may klase pa daw siya. May natira pa akong dalawang subject ngayong araw. Nakatingin sa akin ang mga kablock ko nang pumasok ako sa room namin. Pero walang naglakas ng loob na kausapin ako.

Nakakatakot ba talaga ang aura ko?Maybe they don't care about me at all.
Hinayaan ko nalang silang tumingin sa akin dahil wala namang mawawala sa akin kahit buong araw nilang gawin ang pagtingin sa akin.

Nakikinig lang ako sa prof namin hanggang sa matapos ang klase. Nang magdismiss na ay pinaiwan niya ako at may ibinigay siyang papel. Pag aralan ko daw dahil may ibibigay siyang quiz sa akin.

Pumunta muna ako sa favorite spot ko sa university. Dalawang oras pa naman bago ang huling subject ko. Narerelax ko kasi ang sarili ko kapag nandun ako.


Dahil tahimik ang lugar na yun at mahangin. Tanging mga puno lang ang nandun kaya prefer ko talagang tumambay dun.

Nang dumating ako dun ay may nakita akong tao na nakaupo sa pwesto ko. Nakatalikod sya kaya hindi ko makilala. Nang makalapit na ako sa wooden chair ay napagtanto ko kung sino ito.

Si Gunther?

Ano kayang ginagawa ng isang ito dito? Bihira lang naman may maligaw ditong estudyante. Nilapitan ko siya pero nakapikit ito. Babalik nalang siguro ako sa cafeteria dahil may nakaupo na dito.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now