Chapter 19 ✍️

8 4 0
                                    


Emery

Mabilis lang lumipas ang araw at lunes na ngayon. Nandito ako  sa eskwelahan and I just finished taking the special quizzes that my professors have given to me. Buti nalang talaga at nag study ako dahil mas napadali ang pagsagot ko sa mga quiz.

Tomorrow is the Grand Motor Racing at hindi ko pa rin nakikita si Collins. Wala din akong phone number niya kaya medyo nag aalala na ako. I'll text Craner nalang for sure may number siya ni Collins dahil friend niya yun. Excited pa naman sana ako pero wala pa akong motor.

Kung papalarin ay magkakaroon na ako ng sariling motor. Hindi ko mapigilang mapangiti nang isipin ko yun. Kaya kailangan ko talagang manalo bukas. Saan na ba kasi ang lalaking iyon? Kapag naman hindi ko siya kailangan ay palagi siyang nagpapakita. Ngayon namang kailangan ko siyang makausap ay wala naman siya.

Naglalakad ako ngayon papunta sa library ng university nang may makita akong familiar na tao. Nagmamadali itong pumunta sa cafeteria kaya sinundan ko siya. Mamaya nalang ako pupunta sa Library dahil kailangan kong makausap ang taong ito.

Halos tumakbo na ako para lang maabutan siya at malapit na ako sa kanya ngayon kaya tinawag ko na siya.

"Collins!" tawag ko sa kanya kaya napatigil ito sa paglalakad at napalingon sa likod. When he saw me ay nangunot ang kanyang noo.

Naglalakad ako palapit sa kanya habang humihingal pa rin. Nang makalapit na ako sa kanya ay agad itong nagsalita.

"Please, if you want to say something doon nalang sa loob." turo niya doon sa cafeteria. "I'm so hungry. I really want to eat." tumango nalang ako dahil mukhang gutom na gutom na talaga ang isang ito.

Naglalakad na kami papunta sa loob ng cafeteria at pinaupo niya ako sa may bakanteng lamesa.

"What do you want to eat?" tanong niya sa akin.

"Pineapple juice at sandwich nalang." sabi ko sa kanya.

Medyo busog pa kasi ako eh at mukhang nagmamadali talaga siya. Agad naman siyang pumunta sa counter para makapag order na.

Nagsimula na siyang kumain at sinimulan ko na rin kainin ang sandwich na libre niya. Mukhang gutom na gutom ang isang ito. Mamaya ko nalang siya kakausapin pagkatapos niyang kumain.

Pagkatapos niyang uminom ng tubig ay tumingin ito sa akin at ngumiti ng tipid. I think this is the right time to say it dahil tapos na rin naman siyang kumain. I can actually sense that there's something off with him today. Iba iyong aura niya even though he's trying to hide it with his smile. Hindi ko lang alam kung ano ang  iniisip niya but he looks bothered.

"What is it that you need to tell me?" biglang tanong niya sa akin.

I cleared my throat before saying anything.

"Pwede ko ba mahiram ang motor mo?" nakita kong nangunot ang noo niya sa tanong ko.

"For?" nakakunot pa rin ang kilay niya.

"I joined motor racing." sagot ko sa kanya. "Bukas ko gagamitin."

"Okay, but in one condition." biglang kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. May kondisyon pa?

"I need your company tonight." medyo nabigla ako sa sinabi niya pero agad din naman akong nakabawi.

"I can't. I have work tonight." sabi ko sa kanya.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa. Someone's calling and it's my boss.
I answer the phone.

"You don't have to work tonight. I might as well give this night a break to all of my employees." biglang sabi niya.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now