Chapter 17 ✍️

9 5 0
                                    


Emery

Nandito kami ngayon sa videokehan still in the rooftop and Craner is busy finding a song in the songbook. Mukhang kakanta ang isang ito. I told Anne that I am not going to sing with them, but she told me that it's her birthday so, I better give her the favor. I can't say no when it comes to her, but I realized that I am here to have fun kaya binagbigyan ko na.

Some are talking while drinking and Craner got the mic now while typing his song. I can feel that the alcohol is through my body right now  parang matatamaan na ako nito in any minute. Kanina pa kasi ako inom ng inom maging sila rin. I also noticed that Anne's always laughing now mukhang natamaan na din ito. Para naman kasing camel uminom ang mga taong ito.

Craner's song played and I look at him as I finished my shot na bigay ni Anne. I love the song that he's going to sing. A David Cook song entitled "Always be my baby" though hindi naman ako makarelate sa song ay gusto ko pa rin siya. He started to sing and everyone's looking at him now including me.

"We were as one babe for a moment in time.
And it seemed everlasting that you would always be mine.
Now you wanna be free, so I'm letting you fly.
'Cause I know in my heart babe our love will never die, no."

Ang ganda pala ng boses ni Craner iyong medyo husky pero may lamig din. We're enjoying listening to him para kaming nasa isang live band.
Pagkatapos niyang kantahin ang kanta ay nagpalakpakan kami lahat.

"Feel na feel." sabi naman ng La Grande na parang nagbibiro.

"Ang sakit!" sabi naman ni Jared while holding his chest like he's hurt. Parang TL ang isang ito.

"That was awesome bro!" nakangiting sabi sa kanya ni Collins.

Ibang iba talaga si Collins ngayon sa kilala kong siya noon. People change nga siguro or this is the real him, but he was just hiding it. Hindi naman siya iyong sobrang daldal talaga pero hindi din siya sobrang tahimik. Sakto lang, mas palasalita pa rin si Craner kesa sa kanya.

I saw Jared standing while typing his song pero bigla itong natigilan at parang may inaalala. It seems like he forgot the number of his song. I was right dahil bumalik ito sa upuan niya and scanning the songbook again. Talagang kakanta sila ha, paano naman ako nito? Hindi na ba talaga pwedeng umatras?

Jared got the mic now while typing his song. His song played and I know that song too. Bumalik siya malapit sa upuan niya at doon kumanta ng nakatayo.

Wild heart by The Vamps

"I was walking away, but she's so beautiful it made me stay.
I don't know her name, but I'm hoping she might feel the same.
So here I go again, she got my heart again."

"Tonight, we'll dance I'll be yours and you'll be mine.
We won't look back take my hand and we will shine.
Oh woh..
She needs a wild heart, she needs a wild heart.
I've got a wild heart."

He continued to sing and I never expected na maganda din pala ang boses niya. Baka lahat pala kami dito marunong kumanta. Si Anne kaya?
Pagkatapos niyang kumanta ay nagpalakpakan din kami. Si Anne na ang susunod na kakanta at hawak na niya ngayon ang mic.

"Please do cover your ears guys. That's a warning." natatawang  sabi nito.

"You can be the peanut butter to my jelly.
You can be the butterflies I feel in my belly.
You can be a captain and I can be your first mate.
You can be the chill that I feel on our first date."

What the hell?

Parang masisira ang eardrums ko sa boses ni Anne. Sobrang sintunado kasi at pasigaw pa kung kumanta. Hindi ko inexpect yun kala ko kasi magaling din siya kumanta kasi ang confident niya. Hindi ko maiwasang mapangiti tuloy habang nakatingin sa mga itsura ng mga lalaki na nandito. Pero sinikreto ko lang at agad ko din binawi nang maramdaman kong may nakatingin sa akin.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now