Chapter 6 ✍️

14 8 0
                                    


Emery

Kasalukuyan akong nasa mall ngayon para mag grocery dahil wala na akong stocks ng pagkain sa apartment. Buti nalang at isang subject lang ang meron ako ngayong araw kaya may sapat akong oras para bumili ng mga kailangan ko dito.



Hindi ko inaasahang makikita ko si Craner sa university kanina pero hindi na dapat ako magtaka dahil doon nag aaral ang kapatid niya. I remember that girl named Lacey kanina that bitch pasalamat talaga siya at marunong akong magtimpi. Pero huwag niya rin akong sagarin dahil hindi ako nagiging mabait kapag nagagalit ako.



Tinapunan niya ako ng pagkain at ng pineapple juice sobrang lagkit ko tuloy kanina. Buti nalang talaga may extra clothes ako sa locker ko for emergency purposes. Pinanood kami ng maraming estudyante kanina at wala naman akong pakialam doon ang paki ko lang ay ang ginawa ng babaeng iyon sa akin. May araw din sa akin ang babaeng iyon.


I also did not expect to see Craner sa isa sa mga subjects ko kanina marahil isa siya sa mga tranferees na tinutukoy ng mga estudyanteng nag mamarites. Hindi ko na din nakita iyong madaldal na kapatid niya sa school siguro okay narin iyon dahil hindi pa din ako sanay na may kaibigan.

Nag ring ang phone ko kaya tinignan ko ito at may isang mensaheng dumating.

From: unknown number.

Practice. Haven's Cafe at 4:00 pm.

-La Grande

Muntik ko nang makalimutan iyong sa PE class namin tungkol sa song presentation namin next week na by pair. Ayaw ko man sa lalaking iyon ay wala akong choice dahil iyon na ang final decision ni miss. Hays.
Nireplayan ko siya at pagkatapos ay sinave ko ang phone number niya.

To: La Grande

Okay.

message sent!


Tinignan ko ang ang relo ko and It's 2:00 in the afternoon, so I still have two hours para makapagprepare bago pumunta sa lugar na sinabi ng La Grande na iyon.


Di naman siguro kami aabutin ng 3 oras diba? dahil hindi pwede iyon may pasok pa ako sa trabaho. Siguro pagkatapos ng practice namin ay didiretso na ako sa trabaho para hindi na ako babalik sa apartment ko.



Pagkatapos kong bayaran lahat sa cashier ay lumabas na ako ng mall. Medyo mabigat itong mga pinamili ko kaya medyo nahihirapan akong magdala. Andito ako sa labas ng mall katabi ang isang tindahan ng mga sasakyan at motorsiklo. Napatingin ako doon sa motorsiklong matagal ko nang gustong makuha. Alam kong mamahalin ang isang ito kaya walang pag asa na magkakaroon ako ng ganyan.



Gusto ko iyong kulay niya may halong itim at pula siguro sobrang astig tignan ng taong magdadrive niyan. Hanggang parangap nalang talaga ako dahil alam kong di ko afford yan pero sana magkaroon din ako ng ganyan malay mo naman diba? Subukan ko kayang tumaya sa lotto baka swertehin ako hihi.




Pumara na ako ng taxi para makauwi dahil may lakad pa ako.



Nandito na ako sa apartment ko ngayon at tapos na akong maligo. Bukas ko nalang siguro aayusin itong mga pinamili ko baka malate pa ako sa praktis ng kanta namin. Masungit pa naman ang lalaking iyon kaya iniiwasan kong ma late talaga.




Nandito na ako sa lugar na sinabi niya at pagkapasok ko ay lumilingon lingon pa ako sa mga lamesa baka sakaling nandoon siya at naghihintay.
But there's no trace of him at tinignan ko ang aking relo. Sabagay, wala pa namang alas kwatro ng hapon baka coming na rin iyon.




The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now