Chapter 20 ✍️

8 4 0
                                    

Emery

Nandito ako ngayon sa room habang nagsasagot ng surprise quiz na bigay ng prof namin. Buti nalang talaga at nag aadvance study ako palagi. Mamayang hapon na ang racing at sobrang excited ko. Pagkatapos ng class ko ay uuwi muna ako sa apartment para makapagpalit ng damit. Si Jared ang naghatid sa akin pauwi kagabi sa apartment ko. Hindi ko inaasahan na pupunta siya sa bahay ni Collins.


Sabi ni Collins ay si Jared ang tumawag sa kanya kagabi. Hindi niya rin inaasahan na pupunta ang kaibigan niya dahil sabi nito ay busy siya. Nang ihatid niya ako pauwi ay sobrang tahimik niya. Nanatili lang siyang nakatingin sa daan pero nararamdaman ko rin ang mga sulyap nito sa akin.

Pagkatapos ng klase ko ay pumunta muna ako sa cafeteria para kumain ng lunch. I ordered steak, fried chicken, fries and pineapple juice. Abala lang ako sa pagkain nang may biglang magsalita kaya inangat ko ang aking ulo at tinignan kung sino ito.


"Can I sit here? walang bakante."  It was Gunther.



I roam my eyes sa loob ng cafeteria at lahat ng table ay occupied na ng mga estudyante. Tumingin ako sa kanya at tumango. Umupo siya at kinuha sa tray ang kanyang mga pagkain. He ordered menudo, one slice of chocolate cake and one bottled water. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko nang muli itong magsalita.




"What's your name again?" biglang tanong nito.




"Emery." sagot ko sa tanong niya at tumango lang ito. "Gotta go." paalam ko sa kanya at agad na tumayo. Hindi ko na hinintay ang magiging response niya.



Naglalakad na ako palabas ng university nang biglang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakita ang dalawang mensahe kaya inopen ko. A message from Collins and Venz.

From: Collins

He's awake and we're okay now :)


Hindi ko mapigilang mapangiti nang basahin ko ang message ni Collins. Ibinigay ko sa kanya kagabi ang number ko dahil hiningi niya ito. For emergency purposes daw.

To: Collins

That's good then.

Message sent!

Inopen ko ang message ni Venz pagkatapos kong replayan si Collins.

From: Venz

Racing will be held at Kerv's Circuit. There's a sudden change with the venue. Don't be late. See you later.

Bakit kaya nabago ang venue? Buti nalang tinext ako ni Venz . Sa Calsey Circle sana gaganapin ang race pero binago nila ang venue. Well, mas gusto ko din naman sa Kerv's Circuit dahil nakakasawa na doon sa Calsey Circle. Palaging doon ginaganap ang racing sa tuwing sumasali ako noon.

Collins

Nandito ako ngayon sa bahay habang kumakain ng lunch. Wala akong klase ngayong araw dahil absent ang prof namin. Pumunta ako ng university kanina para pumasok pero sabi ng estudyante na nagpunta kanina sa room namin ay wala daw si Maam Eda. I think it's her daughter dahil may hawig ito sa kanya. Kaya umuwi nalang ako ng bahay. Iyon lang naman ang subject ko today.


I'm really thankful that Emery accompanied me last night. Parang gumaan ang pakiramdam ko when I told her the thing that's bothering me. I didn't expect Jared to come in my house last night dahil sabi niya busy siya. Bigla siyang nagtext sa akin kagabi habang kumakain kami ni Emery. He's asking kung saan daw ako.


I told him na nasa  bahay lang ako with Emery. Hindi na ito nagreply kaya ibinulsa ko na ang cellphone ko.
Nang mga oras na nakayakap ako kay Emery ay bigla nalang tumawag si Jared. Panira talaga ng moment itong si Jared. Sabi niya pupunta daw siya sa bahay kaya kumunot ang noo ko. Isang beses lang pumunta ang lalaking iyon sa bahay ko at hindi na naulit pa kaya nagtataka ako.


The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now