Chapter 31 ✍️

4 3 0
                                    

Emery

Ang bilis lang ng panahon at heto kami ngayon sa loob ng sasakyan nila Anne. Ngayon na ang araw ng flight namin dalawa going to New York. We're heading to the airport right now at sobrang excited nitong kasama ko.

Inaamin ko, excited ako though natry ko nang sumakay sa eroplano noon. Mas naeexcite ako sa travel namin sa labas ng bansa.

Iniwan ko muna kay Collins ang bar dahil nakiusap ako sa kanya. Buti nalang hindi din sya interesado sa foundation day. Nagtataka siya kung bakit ako na ang may ari ng bar pero sabi ko sa kanya na ikukwento ko nalang pagbalik ko.

Nagmamadali kasi talaga ako kahapon buti nalang nagkita kami sa university. Pinakiusapan ko rin siya na kung maaari ay sa amin nalang muna dalawa ang sinabi ko.

Pumayag naman siya at sabi niya raw ay iimbitahan niya ang mga kaibigan niya na uminon doon para may mga kasama siya.

Lumabas na kaming dalawa ni Anne nang makarating na kami sa airport. Tinulungan naman kami ng driver niya na ilabas ang mga gamit namin. Agad kaming pumasok sa loob at umupo doon para maghintay sa flight namin.

We were inside the airplane right now and Anne is busy taking selfies. Nang lumipad na ang eroplano ay nagpaalam sa akin si Anne na matutulog muna dahil wala pa daw siyang sapat na tulog. Sobrang excited daw kasi niya sa travel namin. Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Alas dyes ng gabi ang flight namin kaya maging ako ay nakaramdam na rin ng antok. Bukas pa kami makakarating doon kaya mas mainam na matulog muna. Nagdasal muna ako para sa safety namin bago natulog.

Craner

I'm with Demi right now and we're inside her condo watching movies on netflix. It's 10 pm in the evening and tonight is their flight. Anne wanted me to accompany them in going to the airport, but I refuse.

I told her that I'll be going to Demi's condo that's why hindi ko sila maihahatid dalawa. Mas lalo tuloy sumama ang loob ni Anne sa akin dahil puro nalang daw ako Demi.

That I forgot my duties to my sister. Sa totoo lang gusto ko sumama sa kanila kaso andito kasi si Demi and she's my priority. May napapansin akong kakaiba kay Demi ngayon. Siguro nag ooverthink lang ako kaya itinigil ko nalang ang pag iisip tungkol doon.

I glanced at Demi and she's peacefully sleeping right now at kahit nakapikit ang kanyang mga mata ay lumilitaw pa rin ang ganda nito. Sana lang ganito kami palagi at hindi maging totoo ang iniisip ko lately.

Baka kasi iwan niya ulit ako para sa ibang lalaki. I noticed kasi that she's always holding her phone at parang may kachat siya palagi. Minsan din kapag tinatawagan ko ang cellphone niya ay busy ito.

Sabi niya lang ay madalas tumawag at magchat si Nix sa kanya. Kaya naniwala nalang ako sa kanya dahil ayaw kong isipin niya na wala akong tiwala sa kanya.

Hinatid ko si Demi sa kwarto niya at inihiga sa kanyang kama. Lumabas muna ako at pumunta sa kusina niya. Kumuha ako ng beer sa kanyang ref at ininom ito. Collins called me earlier and invited us sa secret place. Hindi ako nakasama kasi kasama ko si Demi.

I'm not sure kung sumama si Gunther baka nabanned na iyon dahil sa ginawa niya. Nang magkita kami noong nakaraang araw ay sinabi ko sa kanya ang ginawa niya doon sa bar. Sabi niya ay wala siyang maalala. Mukha ngang nahihiya siya sa ginawa niya kay Emery.

I told him that Emery owned that place kaya mas lalo siyang nahiya sa ginawa niya. Sinabi kasi ni Anne sa akin ang lahat pero sabi niya huwag ko daw ipagkalat. Pero ngayon sinabi ko ito kay Gunther. Just wow.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now