Chapter 10 ✍️

11 7 0
                                    


Emery

Iminulat ko ang aking mga mata at ang una kong nakita ay ang puting kisame. Nasaan ba ako? Pilit kong inaalala ang mga nangyari. May pumalo sa akin kanina at nakipaglaban ako sa kanila pagkatapos ay nahilo ako at dumilim na ang aking paningin. Iginala ko ang aking paningin at nakita ko si Anne na nakaupo malapit sa bed ko at mukhang itong nag aalala. Nakita ko rin si Craner na mukha din nag aalala.

"Buti naman at gising ka na. Anong nararamdaman mo?" tanong niya sa akin na may pag aalala.

Ang sarap pala sa pakiramdam na may taong nag aalala para sa iyo. Hindi ko pa ito naranasan na tanang buhay ko.

Medyo humahapdi ang leeg ko dahil sa tama ng baseball bat.

"I'm fine." sagot ko nalang.

"Fine ka dyan, eh namamaga na nga iyang leeg mo." pag aalalang sabi niya.

"Here, kumain ka para magkalaman ang tiyan mo at makainom ka na ng gamot." inabot sa akin ni craner ito.

Tinanggap ko nalang ang inabot niya at binuksan ito. May rice, soup at isang steak.

"Just eat don't mind us." sabi ni craner.

At dahil nagugutom na talaga ako ay inumpisahan ko nang kainin ito.

"Nasa kulungan na ang may gawa niyan sayo at sisiguraduhin ko na mabubulok sila sa seldang iyon." napahinto ako sa aking ginagawa nang sabihin niya iyon.

" It's Lacey, siya ang nag utos sa dalawa." bigla na lang lumabas iyon sa bibig ko.

"What!? That bitch makakatikim talaga siya sa akin!" galit na sabi ni Anne.

"Don't worry ipapakick out natin siya sa school and I'll make sure that she'll pay for this." matigas at may diin na sabi ni craner.

"Kailangan mo din ipatingin sa doktor iyang leeg mo emery ang doktor na namin ang bahala sa iyo." nakangiting sabi ni Anne.

"You don't need to do this." mahinang sabi ko.

"But we want to! I'm your friend at gusto kong malaman mo that you are not alone. Please hayaan mo namang may mag alala at mag alaga para sa iyo." parang naiiyak na sabi ni anne.

Parang natutunaw ang puso ko sa mga sinabi ni Anne sa akin.

"I know everything is new to you, but there's a reason kong bakit nakilala ka namin at kung bakit nakilala mo kami. Kaya sana masanay ka na na nandito kami para sa iyo." sabi pa niya ulit.

Maybe there's a reason kung bakit ko sila nakilala. Siguro para hindi na ako mag isa at sino naman ako para kwestyunin iyon kung ito naman talaga ang itinakdang mangyari. Naniwala kasi akong forever nang ganon ang takbo ng buhay ko na lagi akong nag iisa. I can still be me kahit pa andyan sila. Hindi naman nila babaguhin ang pagkatao ko at tanggap nila ako kahit na ano ako.

"S-sorry at salamat." sabi ko nalang.

"Ano ka ba don't be sorry." natatawang sabi nito.

"Advise sa iyo na huwag ka raw muna pumasok hangga't hindi pa okay ang leeg mo."

"You're already excused at willing silang magbigay ng special quiz para sa iyo once you're okay. Just in case you're worried about your grades. I've learned that you are an outstanding student according to your professors." sabi ni craner.

"Anong oras na?" tanong ko sa kanila

"It's 5:30 in the afternoon." sagot naman ni Craner.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now