Chapter 24 ✍️

3 2 0
                                    


Gunther

Nandito ako ngayon sa kwarto ko while watching myself infront of the mirror. shit! Ang laki ng black eye ko. Kasalanan to ng babaeng 'yon. Ke babaeng tao ang lakas sumuntok. Nadungisan pa tuloy kagwapuhan ko tsk. Ano nalang sasabihin ko sa kanila kapag nakita nila ako. Panigurado ako magtatanong ang mga kaibigan ko lalo na si Nix. Hays, ang malas ko naman.

Alangan naman sabihin ko na may hinalikan akong babae kaya ako nasuntok. Kasalanan ko din naman dahil dinamay ko siya sa problema ko. Hinalikan ko siya ng walang pahintulot at nabastusan siya sa ginawa ko.  I wonder kung first kiss niya 'yon mukha kasi siyang gulat na gulat. Sino nga ba naman ang hindi magugulat don sa ginawa ko.

Hindi ko din siya pwedeng sisihin kung bakit ako nagkaganito. It was my fault and I drag her in a situation along with me. Sabihin ko nalang kay Nix at sa mga kaibigan ko na napatrouble ako. Hindi naman mahirap kaibiganin ang mga kaibigan ni Jared. Mukha naman silang matino kesa dun sa isang 'yon.

Nandito ako ngayon sa university at kumakain ng lunch with Nix and friends. Nabigla sila lahat nang makita akong may black eye. Nix is really worried about me pero sabi ko okay lang ako. Inasar pa ako ni Jared na ang weak ko daw at hindi ko naiwasang magkablack eye. Akala niya magaling daw ako sa suntokan pero heto ako't nagkapasa.

Kung alam niya lang kung anong nangyari mas lalo ako nitong aasarin. Lalo pa at isang babae ang may gawa nito. Ang babaeng gusto niya. Paano kaya kung sabihin ko kay Jared na hinalikan ko lang naman ang babaeng gusto niya. Ano kaya magiging reaction niya?

"Bukas na pala ang fieldtrip. Feel ko ang boring ng gagawin natin dun." sabi ni Jared.

"Hindi naman siguro." Craner said.

"We have no choice, it's for our grades. Eenjoy nalang natin." Sabi naman ni Collins kay Jared.

"I think okay naman. Baka may ibang activities din. Dun tayo matutulog ng isang gabi right?" It's my girl who's asking at tumango naman si Jared.



Tahimik lang si Zilkin na nakikinig sa usapan namin habang kumakain. Siya talaga ang pinakatahimik sa aming lahat. Sobrang napakaseryoso ng isang ito.



Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. We still have classes pa. Nix is a third year college student taking up Business Administration. She's into business kasi just like her mom.


Her dad is working in Japan as an engineer while her mom is running their hotel and restaurants. May kaya din sila sa buhay just like me. May mga hotels din kami at beach resorts.

Jared

Parang kinakabahan ako para sa gagawin ko bukas. I am going to confess my feelings to Emery. I am also going to ask her permission kung pwede ba akong manligaw sa kanya. Hindi pa alam ni Gunther ang gagawin ko bukas. Maybe, I should consult him my plans for tomorrow.

I need his help din para bukas. Kailangan kong makausap si Emery alone that's why I need his help. Hindi ko muna sasabihin sa ibang kaibigan ko ang plano kong panliligaw kay Emery. Malalaman din naman nila kapag pinayagan ako ni Emery na manligaw sa kanya. Dahil makikita naman nila iyon.

Iniisip ko kung bibigyan ko ba siya ng bulaklak o chocolates. Iyan kasi nakikita ko sa mga pelikula. Wala talaga akong alam sa panliligaw. Hindi ko pa kasi ito naranasan noon.


Sana lang hindi niya ako ireject pero kung irereject man niya ako, tatanggapin ko pa rin. Kailangan kong irespeto ang desisyon niya kahit pa masaktan ako. Sobrang laki ng tama ko kay Emery.

I'm with Gunther right now dito sa isang coffee shop. I told him my plans for tomorrow. Hindi niya inaasahan ang sinabi ko sa kanya ngunit desidido na ako sa gagawin ko.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now