Chapter 8 ✍️

12 8 0
                                    


Emery

Nandito kami ngayon sa loob ng gym at ngayon na ang presentation namin sa PE. Medyo kinakabahan ako dahil first time kong kakanta sa maraming tao at hindi ko pa nakikita ang kapartner kong La Grande. Twenty minutes na siyang late at kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko.


Napansin kong may papalakad na tao sa gawi namin kaya napalingon ako and then I saw him at medyo naibsan na ang aking kaba. Akala ko ay hindi na papasok ang isang ito at ako lang ang mag isang kakanta sa harap ng klase. Nakita ko siyang lumapit sa instructor namin at parang may sinabi siya na ikinatango nito at ngumiti. Ano kaya iyon hmm.

Nakatingin lang ako sa kanya habang siya ay papalapit sa kinauupuan ko. Tumabi siya sa akin at tinignan ako ng seryoso.

"Just relax hindi ka naman nila kakainin." biglang sabi niya.

Nararamdaman ba niya ang kaba ko o kitang kita sa ekspresyon ko na hindi ako mapalagay?

"I'm fine." sabi ko nalang.

"I don't think so." napatingin ako sa kanya.

Ano ba ang gusto niyang palabasin na talagang kinakabahan ako at halata iyon?

"You're good, so be confident." sabi niya habang nakatingin sa mga kaklase naming nagpipresent ngayon sa harapan.

Tinignan ko siya dahil sa sinabi niya at parang may something akong naramdaman deep inside dahil sa mga katagang iyon. Bakit parang bumabait na sa akin ang lalaking ito? Akala ko hindi ako makakatagal sa kanya ng ilang oras at hindi ko inexpect na kakausapin niya ako.


Hindi man niya direktang sabihin ay parang comfort ang dating noon sa akin. Kahit masungit ang dating niya ay meron din pala itong good side na hindi ko inakala. Sabi ng instructor namin ay kami na ang susunod kaya kailangan na namin maghanda sa aming mga sarili. I release my heavy breathing and compose myself. He is right I am good and there's nothing to worry about. I just need to be confident and feel the moment.

Our instructor called our names and instructed us to go infront to present our presentation. I am now holding his guitar at inumpisahan ang pagkaskas nito. Nagsimula na siyang kumanta at naghiyawan ang mga kaklase kong mga babae. Halata sa kanila ang sobrang pagkakilig na parang hihimatayin na. Sinita sila ng instructor namin dahil sa sobrang ingay at naging tahimik naman ito.


I am now singing my part at tahimik lang ang mga kablock kong nakatingin sa akin na para bang namamangha. Pinagpatuloy ko lang ang pag gigitara at aking pagkanta hanggang sa sabay na kaming kumanta dalawa. Nagpalakpakan ang mga kablock namin at parang nakaramdam ako ng saya. We did our best and that's something I am most proud of.



Pagkatapos namin kumanta ay mas lalong dumami ang palakpakan maging ang instructor namin ay nakisabay na. Nang makaupo na ako sa aking upuan ay bigla siyang nagsalita.

"You did great." sabi niya ngunit walang emosyon iyon.

"You too." I replied.

Pagkatapos ng PE namin ay pumunta muna ako sa cafeteria at bumili ng snacks. Pagkatapos kong magbayad ay tumalikod na ako sa cashier at sa pagharap ko, may biglang natamaan ang food tray ko at hindi ko inexpect iyon. Kaya nagkalat ang pagkain ko sa sahig at natapon lang naman sa kanya ang pineapple juice ko at basang basa na ang kanyang damit. Shit! of all people bakit siya pa? Mukhang nangangamoy gulo na naman ito naku!

"Sorry." hingi ko ng tawad sa kanya.


"You ruined my dress." seryoso niyang sabi ngunit bakas sa mukha nito ang pagkairita.


The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now