Chapter 5 ✍️

15 9 0
                                    


Craner

Kagigising ko lang mula sa aking pagtulog at shit sobrang sakit ng ulo ko naparami yata ang nainom ko kagabi. Teka, paano ako napunta sa kwarto ko at bakit wala akong matandaan kung paano ako nakauwi dito sa bahay?


Bumangon ako kahit nararamdaman ko pa ang sobrang pagkahilo dahil may klase pa ako ngayong araw. Lumabas ako sa aking kwarto at pumunta sa baba nang makita ko si Anne sa may sala ay tinanong ko ito.


"Paano ako nakauwi Anne?" tanong ko dahil wala talaga akong maalala.



"Seriously kuya? you don't remember anything?" tanong niya pabalik. Tinanong ko tas tanong rin ang sagot. Just great.



"I won't ask you if i do remember something Anne." sabi ko.



"Well, hinatid ka ni Emery dito at siya lang naman ang nagdrive ng car mo pauwi." sagot niya.



"What?" di makapaniwalang tanong ko.



"Yes kuya at nakakahiya ka baka naabala mo pa iyong tao." sabi ng kapatid ko.



Emery...shit! I saw her last night at the bar at nagkausap pa kami, but I am really shocked knowing that she drove me home last night. Nakakahiya baka kung anong ginawa at pinagsasabi ko while I'm under the influence of alcohol. Sa susunod talaga di na ako iinom ng mag isa or much better di na ako iinom ng marami. Naku!


"Kahit tahimik at napakamisteryosa ni Emery ay may itinatago parin itong kabaitan. I'm so happy talaga na friend ko na siya." sabi ni Anne.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya dahil mailap si Emery sa mga tao at hindi ito palasalita masyado, kaya nagtataka ako kung paano niya naging kaibigan iyong babaeng poker face.

"You're friends with her?" tanong ko ulit sa kapatid ko.


"Yes kuya kahapon lang. She's astig kaya and ang galing lumaban. She's very simple pero may dating. She's also pretty lalo na siguro kung nakangiti." masayang sabi ni Anne.


Kahit ako man ay napukaw ang atensyon ng dahil sa babaeng iyon pero di naman ako nakakaramdam ng kahit ano sadyang simpleng paghanga lang. Ang dami niyang alam gawin at nagagawa niya ang mga bagay na di ko akalain na kayang gawin ng isang babaeng tulad niya.



Pagkatapos namin mag usap ni Anne ay pumunta ako sa kusina at kumain ng breakfast. It's 8:30 am in the morning already and I have class at 11:30 am medyo masakit padin ang ulo ko dahil kulang pa ang tulog ko.



Kung hindi lang ako hiniwalayan ni Demi kahapon ay di naman ako iinom. Sobrang nasaktan lang ako sa pakikipaghiwalay niya sa akin dahil hindi ko iyon inaasahan.


Matagal ko ng napupuna na parang nag iba na iyong pakikitungo niya sa akin at palagi na siyang busy. Pero hindi ko iyon binigyan ng pansin dahil imbes na mag isip ng kung ano ay mas pinili ko siyang unawain.



Hindi na ako naghabol pa ng sabihin niyang may mahal na siyang iba dahil ayaw ko na ipilit ang sarili ko sa taong wala ng gusto sa akin. We've been together for three years at akala ko siya na ang babae para sa akin though ayaw ng kapatid ko sa kanya.


Nasasaktan padin ako hanggang ngayon pero hindi ko hahayaan ang sarili kong mastuck sa isang lugar at doon nalang manatili. Kailangan kong mag move on dahil hindi naman matatapos ang buhay ko dahil lang sa paghihiwalay namin.


Kahit na masakit tatanggapin ko pa rin dahil iyon ang nararapat at kailangan kong gawin. Kung may mawawala meron din naman darating. I really love her pero ayaw ko maging tanga ayaw kong gawing kawawa ang aking sarili. Kung ayaw na niya sa akin, so be it.



The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now