Chapter 26 ✍️

6 3 0
                                    


Emery

Pagkarating namin galing sa byahe ay pinauwi muna kami para makapagpahinga. Lahat ng mga estudyante na sumali sa fieldtrip ay excuse sa kanilang mga klase ngayong araw. Bukas na daw kami pumasok  at kung may mga quiz man ngayong araw ay bukas na daw namin ititake.

Nandito ako ngayon sa apartment ko at ready na akong pumasok sa trabaho. Tinawagan ko si Boss kahapon ngunit di ko siya makontak kaya nagtext nalang ako sa kanya. Ngunit wala pa din itong reply hanggang ngayon. Ang weird lang. Bumaba na ako at sumakay sa aking motor.

Agad kong pinaharurot ang motor ko at agad naman akong nakarating sa Secret Place. Nang pumasok ako sa loob ay nagtaka ako kung bakit walang mga customer. Mga kasamahan ko lang sa trabaho ang naroon at sobrang lungkot ng mga mukha nila. May mga nag uusap at iyong isang waitress ay parang maiiyak na.

Nagtataka ako kaya nilapitan ko ang isa sa mga bartender na nakaupo sa may counter.

"Anong meron?" nagtataka kong tanong.

"Di mo ba alam ang nangyari? umiling lang ako habang seryosong nakatingin pa rin sa kanya. "Pumunta dito kanina ang kaibigan ni Boss at ang sabi niya ay.. w-wala na daw si boss."

Hindi ko inaasahan ang sinabi niya kaya nagulat akong talaga. Nahirapan akong itago ang emosyon ko dahil nakakagulat ang balitang nalaman ko. This can't be happening.

"Nalulungkot ako kasi mabait na amo si boss. Hindi ko alam kung saan na naman ako mag aapply dahil hindi naman ako nakatapos ng high school. Sinuli ko ang wallet niyang nahulog noon at inalok niya ako ng trabaho kaya nakapagtrabaho ako dito." malungkot na sabi nito.

"Ano daw nangyari?" tanong ko ulit.

"Inambush daw ang sasakyan ni boss. Iyong katawan niya naman nasa China kinuha daw ng lola niya." bumuntong hininga ito at nagsalita ulit. "Sabi ng kaibigan niyang lalaki kanina ay kakausapin daw niya tayo bukas kaya kailangan natin pumunta dito. Gaya daw ng oras ng duty natin."

Tumango lang ako sa kanya at tinignan ko ulit ang mga kasamahan ko. Sadness is evident in their eyes. Problema din ito para sa akin dahil kailangan ko na naman maghanap ng ibang trabaho. Sobrang okay na sana ang trabaho ko dito pero wala naman akong magagawa. May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan na mangyari.

Nakikita ko ang mga kasamahan ko na seryosong  nag uusap.

"Paano nalang ang mga kapatid ko?" naririnig ko ang usapan nila. "Sa trabaho kong 'to kinukuha ang allowance nila sa pag aaral."

"Ako din. Ako nalang ang inaasahan ng nanay."

"Totoo yun, minsan na din akong binigyan ni sir ng pambili ng gamot para sa nanay ko."

"Iniisip niya palagi ang welfare ng mga empleyado niya at napakaunderstanding niyang amo."

Lahat ng mga sinabi nila ay totoo. Mabuting tao si boss at mabait sa mga empleyado niya. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagkakaganito sila. Naisip ko kung ano kaya ang pag uusapan namin bukas. Nagsialisan  na iyong iba at konti nalang kaming naiwan dito sa loob.

Pwede na daw kaming umuwi at babalik nalang daw kami bukas ng gabi. Parang ayaw ko muna umuwi sa apartment ko. Parang gusto kong uminom. Nalulungkot ako dahil wala na si boss at nalulungkot din ako para sa mga kasamahan ko sa trabaho.

Kung pwede ko lang sana bigyan sila lahat ng trabaho ay gagawin ko. Ngunit hindi naman ako mayaman kaya hindi ko kayang gawin 'yon.
Agad kong pinaharurot ang motor ko papuntang Eastwest 28. Isa sa mga paborito kong bar dahil marami itong mga puno at lights sa paligid.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now