Chapter 32 ✍️

6 3 0
                                    

Emery

Kagagaling lang namin ni Anne gumala sa kung saan. Ngayon ko napatunayan na sobrang ganda pala talaga ng New York. Noon sa internet ko lang nakikita ang Statue of Liberty at ang iconic na Empire State building. Dumaan din kami sa Time Square at pumunta sa One World Observatory.

Sobrang ganda talaga doon sa taas mismo sa sky portal. Nakikita mo ang mga nagtataasang building sa ilalim. Kailangan mo lang talaga yumuko at makikita mo kung gaano kaganda doon. Hindi na namin napuntahan iyong iba dahil hindi na kakayanin ng oras namin.

Mamaya na ang flight namin pabalik ng Maynila kaya kailangan pa namin magpahinga. Hindi na namin napuntahan iyong iba pero sabi ni Anne ay babalik daw kami sa bakasyon. Kinunan niya ako ng pictures sa mga pinuntahan namin para daw may remembrance ako.

Bumili na rin ako ng souvenir doon at binilhan ko na rin sila Collins, Liz, Zilkin at Jared. Ewan ko kung bakit bigla ko silang naalala. Binilhan din ni Anne ng pasalubong ang pamilya niya. Naalala ko rin si Craner kaya binilhan ko rin siya ng kanya. I think he's still mad at me pero he's been good to me before that incident happened.

Ibinigay ko ito kay Anne pero naramdaman niya siguro na nagdadalawang isip ako kaya sabi niya siya na daw bahala. She gave me an assurance that Craner will accept it kahit pa hindi na kami nagkakausap. It's a moon bracelet at may ibinigay din ako kay Anne. I gave her a necklace na may word na 'Friend' sa pendant nito.

Hindi niya siguro inexpect yun kaya napayakap siya sa akin. It's my thank you gift to her dahil sa pagsama niya sa akin dito. She's wondering kung bakit 'friend' daw iyong nakalagay sa pendant niya. Then I showed to her my necklace and it has a word 'ship' sa pendant nito.

It's a necklace for two bestfriends na kung icoconnect mo ay mabubuo ang word na 'friendship'. It's like a proof that we're good friends. A symbol of our strong friendship. I have the half piece of it and she had the other half.

Gustong gusto ko iyong kuha ni Anne sa akin nang nasa Time Square kami. Gagawin kong display picture iyon when we get back to the Philippines. New York is such a great place, but Philippines is still different. Siguro dahil doon ako lumaki.

There's a part of me na parang hinahanap hanap iyong feeling na naroon lang talaga sa Pilipinas mo mararamdaman. It's kinda hard to explain, but hopefully nakuha niyo iyong point ko.

We're currently resting now sa hotel at kagigising ko lang while Anne is still sleeping. Magkasama kasi kami sa   iisang kwarto. I heard her mentioning  Zilkin's name while she's sleeping. Hanggang sa panaginip ba naman? What the heck! Is she really serious about having crush on that guy?

I'm wondering if Liz would like this this cute bag. Ang  cute kasi at mukhang bagay sa kanya ang kulay pulang maliit na bag. Uso din naman ito ngayon and it's authentic.

Kumain muna kami ni Anne bago pumunta sa airport. Doon kami kumain sa bar ko para makapag paalam na rin sa mga tauhan ko. Nilibre ko sila ng pagkain at sabay kaming kumain lahat. They're all great at sobrang natuwa ako nang makita ko silang masaya.

Talagang babalik ako sa New York sa bakasyon. I'll stay there for one week. Siguro bibisita ako sa bar every 2 to 3 months. Mahihirapan kasi akong bisitahin ang isang branch every month kasi may klase ako.

Basta babawi naman ako kapag bakasyon na. I'll stay there longer para masanay din ang mga crew. Iyong iba kasi ay naiilang pa sa presensiya ko.

Nang gumising ako sa pagkakatulog ay malapit na kami sa Pilipinas. Kaya natulog ako ulit para pag gising ko mamaya ay nasa Pilipinas na talaga ako. Namiss ko rin ang kama ng apartment ko. Ang bilis lang ng tatlong araw. Actually apat na araw naman talaga walang pasok.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now