Chapter 11 ✍️

9 7 0
                                    

Emery

Alas nuwebe na ng umaga ako nagising dahil na rin siguro sa mabigat kong pakiramdam. Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo muna ako at inayos ang aking higaan. Medyo masakit pa rin ang leeg ko. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Hindi ako sanay na nasa bahay lang at walang ginagawa.

Luto na ang kanin na niluto ko sa rice cooker nang icheck ko ito. Pumunta muna ako sa banyo dahil sa call of nature at pagkatapos non ay pumunta ako sa kusina at binuksan ang mini ref ko doon. Naghahanap ako ng pwedeng lutuin para sa agahan ko.

Hindi naman sobrang liit talaga ng apartment ko. May maliit itong kusina, may maliit na sala, may banyo iyong tama lang ang laki at may isang kwarto na hindi naman masyadong kalakihan. Tama lang para sa akin ang lugar na ito at hindi rin naman ito masikip at may maliit pa itong veranda. May guardhouse sa tabi ng gate para sa mga bantay at maraming cctv's.

Mabait din ang may ari ng apartment at hindi strict sa mga bisita. Basta lang daw maging responsable sila at huwag istorbohin iyong ibang nasa apartment. Minsan na ngang nadelay ang bayad ko noon sa renta pero binigyan ako ng extension ng may ari. Sobrang maunawain ang mag asawang matanda at nakatira sila sa kabilang building opposite ng apartment na ito.

Isa itong two storey na apartment na may apat na kwarto sa ibaba at apat rin sa itaas. Dito ako sa pangatlong kwarto sa itaas nakatira at apat na taon na akong nandito. Accessible kasi para sa akin dahil medyo malapit lang ito sa university, sa mga convenience store at mga kainan.

Medyo sumakit ang leeg ko kaya pumunta muna ako sa sala at naupo doon na maliit na sofa. Hindi yata pwede sa leeg ko iyong maraming ginagawa dahil sumasakit ito.

Biglang nag ring ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa ibabaw ng maliit na lamesa na nasa sala. Tinignan ko ito at may isang message akong nakita kaya binuksan ko ito. Keypad lang ang cellphone ko kaya hindi mo agad makikita kung sino ang nagtetext.

From: Marianne

I will visit you in your apartment today. We need to go to the hospital, remember? I'll bring foods for you. See ya!

Si anne pala ang nag text at muntik ko nang makalimutan iyong sa hospital. Kailangan nga pala matignan sa doktor itong leeg ko at pumayag na ako doon. Ang kulit din kasi ng babaeng iyon ayaw niya na tanggihan ko sila kaya pumayag na ako nang matapos na.

To: Marianne

Okay.

Reply sent!

Hindi ko man maipakita sa kanila pero masaya ako na nakilala ko sila. Pero alam kong di ako iyong typical na friend ng lahat at tanggap nila iyon.

Biglang may kumatok sa pintuan at tumayo ako para buksan iyon. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang nakangiting si Anne. May dala itong paperbag. Pinatuloy ko siya at pinaupo sa sofa. Iginala nito ang paningin sa loob ng apartment ko. Baka naliliitan siya sa apartment ko hindi kagaya doon sa bahay nila.

"I love your place. It's nice!" nakangiting sabi nito.

"It's small unlike your place." sabi ko.

"That's not important as long as I can have a place to live in okay na sa akin iyon." nakangiting sabi parin nito habang nakatingin parin sa kabuohan ng apartment ko.

Para akong na amused sa sinabi niya. Anne is a simple girl indeed parang kahit saan mo dalhin ay marunong makibagay ang isang ito. This girl is amazing hindi ko lang masabi sa kanya. Bihira lang sa mga mayayaman ang mahilig makihalubilo sa mga taong salat sa buhay. Their parents did a great job for raising them.

Kinuha niya ang paper bag at isa isang inilabas ang mga laman nito. Apat na tupperwares ang kinuha niya sa loob ng paperbag at kumunot ang noo ko. Parang ang dami naman yata ng dala niya.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now