Chapter 15 ✍️

8 7 0
                                    


Emery

Nandito ako ngayon sa room ko habang nakikinig sa Prof. namin na nagdidiscuss sa harap. Before nag start ang klase kanina ay sinabi ni Sir  na may gaganapin daw na field trip next week sa Andratu Museum. Isang malaking museum na naglalaman ng iba't-ibang kagamitan ng mga sinaunang Pilipino. Para makapunta doon ay gagamitin namin ang bus ng university. Ten hours daw ang byahe papunta doon.

Mukhang malayo yata ang lugar kung saan gaganapin ang fieldtrip namin. Pinoproblema ko ang ibinigay na waiver na kailangan pirmahan ng magulang namin. Walang pipirma sa waiver ko kasi wala naman akong magulang. Kakausapin ko pa si Sir tungkol dito kung ano ang dapat kong gawin. Gusto ko pumunta sa fieldtrip dahil sayang iyong points na ibibigay ni Sir. I'm a scholar and my grade is very important to me.

I ranked number one in our department since I was in first year up to now. I need to be consistent to secure my rank. Medyo mahirap at nakakapressure dahil may trabaho ako. Grabe ang ginawa kong time management para hindi lang maapektuhan ang oras ng pag aaral ko sa ibang bagay. I valued my education talaga kaya mas ginagalingan ko pa.

Kakatapos lang ng History class ko at kinausap ko si Sir tungkol doon sa waiver. Sabi niya ay pwede naman akong sumama kung may magpapakilalang guardian ko. Pwede rin daw kahit parents ng close kong kaibigan. Hindi sana pwede pero pinakiusapan ko siya para sa grades ko. Naawa naman sa akin si Sir kaya binigyan niya ako ng option. Pero parang problema pa rin ang paghahanap ko ng guardian o pipirma ng waiver ko.

Nandito na ako sa room ng last subject ko ngayong araw. Ako pa lang ang nandito dahil may 30 minutes pa bago magstart ang klase. Pagkatapos nito ay pupunta pa ako ng mall para bumili ng regalo para kay Anne. Biglang nag ring ang cellphone ko at inopen ang message.

From: Marianne

I request your presence in my birthday please do come. Ipapasundo kita sa driver namin don sa apartment mo. Kitakits sa amin mamaya at 7pm.

To: Marianne

Okay. See you later.

message sent!

Pagkatapos kong magreply sa kanya ay ibinulsa ko na ang cellphone ko.

May biglang pumasok kaya napatingin ako kung sino iyon. Ang dalawang La Grande pala. Ganon pa rin ang aura nilang dalawa walang pinagbago. Zilkin glanced at me and I  saw his cold eyes. Agad din naman siyang nag iwas ng tingin at umupo sa upuan niya. Tumingin din ako doon sa  babae and I was surprised nang makita kong nakatingin din ito sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay and diverted her gaze somewhere at naupo na siya.

Nakikinig lang kami sa Prof namin sa Entrep 102 at napag alaman ko na magkapareho pala kami ng course ng dalawang La Grande. Pero third year college na silang dalawa at matatalino sila. Nagtataka siguro kayo kung bakit kablock ko sila sa isang major subject pero mas ahead sila sa akin ng year. Transferees kasi sila at required silang kumuha ng subject na ito. Dahil siguro walang ganitong subject sa previous university na pinasukan nila na siya namang required sa course namin.

Hindi na iba sa amin ang magkaroon ng ka block na mas ahead pa sa amin. Iyong ibang ka same course ko nga eh iba rin ang kablock sa ibang subjects. Nahahati kasi siya eh kasi may iba rin section. Hindi dahil same course kayo eh same na kayo ng schedule lahat.


Noong first year, magkasama pa kaming lahat pero nang magsecond year kami nahiwalay na iyong iba. May mga kablock pa din ako ngayon na kasama ko noong first year pero konti nalang sila.  May magiging kablock ka rin from other courses at expected na iyon.

Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas sa room at pumunta sa mall. Hindi ko pa rin talaga alam ang bibilhin kong regalo para kay Anne. Never ko pang natry na may bigyan ng gift sa buong buhay ko. Kanina pa ako ikot ng ikot sa mall pero wala talaga akong makitang pangregalo sa kanya. Diba architecture ang course niya? Mga gamit sa pandrawing nalang kaya? Bahala na nga.


The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now