Chapter 3 ✍️

20 9 0
                                    

Maaga akong gumising dahil alas otso ng umaga ang klase ko ngayon at kailangan ko pang magluto para sa sarili ko. Dahil nagjollibee ako kagabi kelangan kong magtipid ngayong araw at magbabaon ako ng kanin at ulam.

Malapit na maubos ang stocks ko ng pagkain dito sa apartment buti nalang talaga may mini refrigerator ako na napanalunan ko sa paraffle ng manager ko sa dating trabaho noong Christmas party namin.

Parang kailangan ko na yatang mag grocery ulit buti nalang sahod ko mamaya siguro bukas nalang pagkatapos ng klase ko. Isang klase lang meron ako bukas kaya may free time ako para mag grocery at after non saka na ako pupunta sa trabaho.

Siguro nagtataka kayo kung anong klaseng trabaho ang meron ako. Well, huwag na kayo mag isip ng masama dahil legal naman ang trabahong pinapasukan ko no. Parang security guard lang sa isang tagong bar na pag aari ng isang half filipino/chinese na si Mr. Cha ang boss ko. Kung titignan mo sa labas di mo aakalaing may bar sa loob kasi soundproof ito kaya wala kang ingay na maririnig.

Ilan lang ang nakakaalam sa lugar na ito at kadalasan sa mga customer dito ay mga mayayamang tao. Ang trabaho ko lang dito ay panatilihin ang katahimikan at kapayapaan sa lugar na ito. Kapag may mga taong nanggugulo ay ako ang gagawa ng paraan para matahimik ito at 'yon ang trabaho ko.

Kapag nakapasok ka na sa loob maririnig mo ang ingay, di mo aakalain ang lawak pala nito at ang ganda ng pagkakadesign niya mula ceiling hanggang sa sahig. Big time tong si Mr. Cha nasa mga 30+ pa siguro ang edad nitong insik nato pero binata pa. Hindi rin naman sya pangit sa katunayan nga may itsura siya pero di ko lang talaga type hihi.

Parang di ko pa nakitang may dinalang babae tong si Mr. Cha puro business lang ang inaatupag niya at balita ko may mga iba't-ibang negosyo pa ito bukod sa bar na pinagtatrabahoan ko.

Tanda ko pa noon kung pano ko nakilala si Mr. Cha, naglalakad ako noon pauwi sa apartment ko at kagagaling ko lang sa trabaho ko noon nang mapansin ko ang isang lalaki na pinagtutulungan ng dalawang tao. Pinipilit kunin yong gamit niya hinala ko mga holdaper tong dalawang to at dahil dakilang pakialamera ay lumapit ako.

" Hoy bitiwan niyo siya." sabi ko dun sa dalawa.

"Hoy pakialamera mas mabuti pang umalis kana para di kana madamay." sabi nong isang holdaper.

"Eh, sa ayaw ko eh." sagot ko at nakita ko ang pagkairita niya.

"Baka hindi kita matansiya babae ka!" galit na sigaw niya.

"Hindi naman ako takot sa'yo." sabi ko.

"Sumosobra kanang linktik ka!" sabi niya at lumapit sakin para sugudin ako kaya naging alerto ako.

Susuntukin niya sana ako sa mukha at bago paman dumapo ang kamay niya ay nahawakan ko na ito at inikot yon.

"A-Aray!" daing niya dahil sa sakit. Ha, buti nga sayo kelalaking tao pumapatol ng babae.

Sinuntok ko sya sa mukha kaya ayon black eye na sya. Nagiging halimaw talaga ako sa pakikipaglaban na para bang walang makakapigil sa akin. lumapit ako sa kinaroroonan niya at kwinelyuhan ko siya. sinipa ko ang bandang tiyan niya at narinig ko ang paghiyaw niya dahil sa sakit.

"H-Hindi na ako lalaban." sabi niya.

Tumingin ako sa kasamahan niya at nakita ko sa mga mata nito ang takot
"Ikaw naman isusunod ko." sabay tingin ko sa kasama niya.

"H-Hindi po aalis na kami at p-pasensya." sabi niya at tinignan ang kasama niyang nabalian ko yata ng buto.

"Magbibilang ako ng tatlo kapag di pa kayo umalis tatapusin ko na kayo." seryosong sabi ko.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now