Chapter 12 ✍️

14 7 2
                                    


Craner

Nandito ako ngayon sa cafeteria ng university habang kumakain ng lunch with my sister Anne. Gusto niya raw makasabay ang gwapong kuya niya ewan ko dun sa kapatid ko. Rinig na rinig ko ang bulungan ng mga estudyante nang dumating kami kanina hanggang ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit parang lamang kami sa kanila kung tratuhin nila kami. Parang sobrang taas ng tingin nila sa amin. When in fact, pare pareho lang naman  kaming mga estudyante dito.

I hate special treatments and attention. Anne hated that too and she hates it when people talk about her.

I told her what happened last night. Wala sana akong balak sabihin kaso hindi nakatakas sa paningin niya ang kamao kong namumula. Kaya wala akong choice kundi sabihin nalang sa kanya ang nangyari. Sobrang matanong itong kapatid ko kaya minsan ayaw kong magkwento.

I wonder kung paano natatagalan ni Emery ang kapatid ko. Knowing her hindi palasalita, hindi showy at parang may sariling mundo. Why am I thinking about her anyway? Kasi nga nagkita kami kagabi diba?

Ang kulit ni Anne ang daming tanong  at parang tinutukso niya pa ako kay Emery. Hindi kami magkiclick non para nga iyong lalaki makipaglaban. Mas magaling pa siya kesa sa akin takot ko lang masuntok ng babaeng iyon.

May isang subject pa ako mamayang alas dos ng hapon at ito na ang huli kong subject ngayong araw. Papunta na ako ngayon sa aking room nang may makita akong pamilyar na mukha. Is that him? Kailan pa siya nakabalik? Anong ginagawa niya dito?

Hindi niya ako nakita dahil mukhang nagmamadali ito. Ganon pa rin ang itsura niya pero medyo humaba ang kanyang buhok at bumagay naman ito sa kanya. Sobrang misteryoso at tahimik ng isang iyon.

Di ko alam kung paano ko siya naging kaibigan. Naaalala ko pa ang kambal niyang babae na sobrang sungit noon. Nawala nalang sila na parang bula at wala na akong balita sa pamilya nila simula noon. It was really a surprise seeing him in here.

Nakikinig lang ako sa prof kong nagdidiscuss sa harapan nang may pumasok na isang lalaki. Nangunot ang noo ko nang makilala ko kung sino iyon. Mukhang dito na rin yata mag aaral ang isang ito. Ayos! magiging kompleto na yata kaming magkakaibigan.

Pagkatapos niyang magpakilala ay naglakad na siya papunta sa direksyon ko. Mukha siyang nasurprise  nang makita niya ako doon. I smiled at him na parang masaya akong nakita ko siya at tumango naman ito at ngumiti ng tipid. The one and only Collins Jansen Valencia.

Umupo siya sa tabi ko at nagsimula na namang magbulungan ang ang kablock naming mga babae. Gwapo din kasi ng kumag na ito paniguradong matutuwa iyon si Jared kapag nalaman niyang nandito si Collins at Zilkin. Jared Zyler Ledesma is also a friend of mine and they owned this school. Isa pa iyon walang hilig sa babae. Talo ang pikon doon kay Jared dahil mahilig manukso pero nasanay na kami sa kanya.

Minsan lang kami nagkakasama noon kapag may birthday lang at kapag feel nilang uminom. Pero talo talaga ako sa powers nila pagdating sa inuman. Hindi naman weak talaga ako sa inuman talagang mas mataas lang ang alcohol tolerance nila kesa sa akin. Noong hinatid ako ni Emery ay hindi ako kumain ng hapunan non kaya madali akong nalasing.

"Ang dami niyong utang sa akin ni Zilkin ha." natatawang sabi ko sa kanya.

"Gago. Usap tayo mamaya after class. Makinig ka muna sa prof." nakangising sabi nito.

Nakinig nalang din ako sa prof namin at hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Namiss ko ang mga kaibigan ko dahil nawala nalang sila ng walang pasabi. Akala ko hindi ko na sila makikita pang muli.

Nandito kami ngayon ni Collins sa isang coffee shop malapit sa university. Sabi niya mag uusap daw kami pagkatapos ng klase kaya heto ako kasama niya. Ang dami kong tanong sa kanya at pati na rin kay Zilkin. Fuck these mysterious friends.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now