Chapter 16 ✍️

13 6 0
                                    

Emery

Pagkatapos namin kumain lahat ay nagyaya si Anne na maglaro kasama ang mga boys. Tumanggi ako sa kanya dahil hindi naman kasi ako mahilig sa mga ganyan pero pinilit pa rin niya ako. Kahit lang daw ngayong gabi dahil birthday niya kaya pumayag nalang din ako.

Nandito kami ngayon sa rooftop nila dahil mas maganda daw dito maglaro.  Kanina ko pa nahahalata  na nagpapacute si Anne sa La Grandeng iyon. Really? Pero iyong guy dedma lang parang may sariling mundo. Buti napapayag nilang sumali sa laro yan.

Malaki ang espasyo sa rooftop  nila Anne. May bubong ito para siguro hindi mabasa ng ulan. Para siyang ginawang kwarto at may aircon pero walang bed. May mga upuan at lamesa. Meron din malaking Tv, refrigerator, sofa at iba pa. May parang mini bar doon sa may dulo at may videokehan pa. Perfect tambayan ang lugar na ito. Sana all nalang talaga.

Gumawa sila ng circle sa gitna at umupo lang sila sa sahig. Nakatayo pa rin ako kaya tumayo si Anne at lumapit sa akin. Dinala niya ako doon sa may ginawang circle at pinaupo niya ako katabi iyong Jared. Nakita kong parang nagulat si Jared nang tumabi ako sa kanya. Naglalakad patungo sa amin si Craner at may dala itong dalawang bottles ng Jack Daniels.

Umupo siya sa sahig katabi ni Anne at  inilagay ang dalawang bote ng Jack Daniels sa sahig.

"What game are we going to play?" biglang tanong ni Collins kaya napalingon ako sa kanya.

Hindi niya ako pinapansin at tinitignan simula kanina. Aakalain mo talagang hindi kami magkakilala.

"Syempre ang pinakasikat na "Truth or Drink. Para may malaman tayong facts about sa isa't-isa. Yan ay kung sasagutin niyo ang tanong. Pero dadamihan natin ang alak para hesitant kayong mag pass." natatawang sagot ni Craner.

"I won't join." biglang sabi ko kaya napatingin silang lahat sa akin ngayon.

"Oh, come on! ngayon lang ito Emery." Craner said trying to persuade me.

"That's right. Let's have fun." sabi naman ng Gunther.

"Bawal muna ang Kj." nakangiting sabi naman ni Collins.

"Sige na Emery." pakiusap ni Anne sa akin na nakapuot pa.

It's me versus them tingin niyo may choice pa ako? Mukhang hindi rin naman ako titigilan ng Anne na ito kaya pumayag  nalang ako. Para matapos na ang gulo.

" Jared's quiet it's unusual." biglang sabi naman ng Zilkin.

Nagsasalita din pala ang isang ito? Kanina pa kasi siya tahimik noong nasa pool pa kami. Palihim akong tumitingin sa kanila kanina. Kanina pa din tahimik iyong Jared. Anyare?

"Oo nga bro. Okay ka lang ba?" nakangiting tanong sa kanya ni Craner.

"I'm fine. Don't worry about me." ngumiti ito na parang nahihiya.

"Baka nahiya sa mga girls." pang aasar sa kanya ni collins. Napailing lang ito at sinamaan siya ng tingin.
"Chill, bro." natatawang sabi ni collins.

"Okay, I think everyone's settled already so let's start the game." sabi ni Craner.

Ang mechanics ng laro ay papaikutin namin iyong empty bottle. Kung sino ang matuturo ng bote ay siya ang tatanungin and you need to tell the truth. Ang tatanong sa kanya ay ang katabi niya ng paclockwise. Pwede siyang magpass pero kailangan niyang inumin ang 3 shots ng Jack daniels para mas may thrill daw. Wala naman gustong uminom ng uminom diba? Kaya kung kayang sagutin ang tanong ay sagutin mo  nalang daw.

Nagsimula nang paikutin ni Craner ang bote at tumapat ito kay Anne. Ako ang magtatanong sa kanya. Ano naman itatanong ko?

"Emery, not the hard one please?" pagbibirong sabi ni Anne.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now