Chapter 29 ✍️

3 3 0
                                    


Emery

I'm on my way to the building of my condo and I'm just wearing a white plain tshirt,blue tattered jeans paired with blue sneakers. Nagsusuot lang ako ng shorts minsan kapag nasa loob ng bahay. Pero kadalasan naka pajama ako dahil mas kumportable akong suotin ito.

Sumakay na ako sa elevator dahil nasa 12th floor daw ang unit ko sa room 203. Nang magbukas na ang elevator ay agad akong lumabas at naglakad papunta sa room ko.

Kinuha ko ang susi at binuksan ang pinto. Nang makapasok na ako sa loob ay hindi ko napigilang mamangha. Ang laki ng space sa loob at ang ganda ng design. A combination of white and light brown. Ang ganda sobra at may mga gamit na sa loob. Pumunta ako sa kwarto at ang laki ng kama ko. May walk in closet, may sariling cr, shower room, veranda at iba pa.

Lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina. Kompleto na din ang mga gamit doon at malaki din ang lababo. May malaking ref din at chiller. May malaking dining table at anim na upuan. Pumunta din ako sa sala at ang laki ng kulay brown na sofa. May glass table sa gitna ng tatlong sofa at isang malaking tv.

Akala ko simpleng condo lang itong binili ni boss. Sobra sobra na talaga itong bigay niya sa akin. Mukhang hindi na ako maghihirap nito. Iniisip ko pa ang sinabi ni Joshua na kailangan ko raw pumunta sa New York next week. Kailangan ko daw imeet ang mga tao ko doon.

First time ko pang makapunta sa ibang bansa at medyo naeexcite ako dahil doon. Talagang bibili ako ng souvenir doon. May sarili na akong pera ngayon dahil iniwan ni boss sa akin ang lahat ng kita sa bar last month.

Sobra akong nagpapasalamat kay boss sa lahat ng ibinigay niya sa akin. Kung tutuusin ay pwedeng pwede na akong bumili ng sasakyan at bagong motor.

Pero ayaw kong waldasin ang perang bigay sa akin ni boss. I want to spend it wisely dahil mahirap kumita ng pera ngayon. Alam na alam ko 'yan dahil ilang taon din akong nagtatrabaho habang nag aaral.

Pero tignan mo naman ngayon may instant condo at negosyo na ako. Lahat talaga ng nagsisikap ay binibiyayaan ng nasa taas. Biglang nagring ang cellphone ko and I saw Anne's name on the screen of my phone calling. I answered the call.

"Oh?" sagot ko.

"Tapos na class ko. Saan ka ba?" tanong ni Anne.

"Nasa mall. Bumibili ako ng mga gamit ko at stocks ng pagkain. Can you help me?" kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong natutuwa si Anne.

"Sure. Minsan ka lang humihingi ng pabor sa akin kaya yes na yes!" natutuwang sabi nito.

"Nasa grocery section ako ngayon." sabi ko sa kanya.

"Noted. Buti nalang  tumawag ka sa akin kanina. I can't stand seeing kuya's girlfriend in the house. Palagi na siyang pumupunta sa bahay at naiirita ako sa presence niya. Nanggigigil talaga ako sa babaeng iyon!" talagang hindi niya gusto ang nobya ng kuya niya.

"Yeah, you better go with me." sabi ko nalang at ibinaba na ang tawag.

After 30 minutes ay dumating din si Anne. Nasa frozen products section ako ng kinalabit ako nito.

"Para saan ba 'yan Emery? Ang dami naman niyan. Magtatayo ka ba ng grocery store?" natatawang tanong nito sa akin.

"Baliw. Wala kasi akong stocks ng pagkain at maiinom." sabi ko nalang sa kanya.

"Ah i see." halos pabulong niyang sabi sa akin.

Pagkatapos kong magbayad sa cashier ay umuwi na agad kami sa condo. Hindi ko dinala ang motor ko dahil mahihirapan akong ikarga ang pinamili ko. Kaya nagtaxi ako papuntang mall kanina. Tinulungan ako ni Anne na bitbitin ang mga pinamili ko.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now