Chapter 45 ✍️

3 1 0
                                    


Emery

Kanina pa kami nakasakay sa sasakyan ni Zilkin mukhang malayo siguro ang bahay ng mga magulang namin.

Pagkatapos kong isukat ang damit kanina ay mas lalo akong pinuri ni Liz. Zilkin also said that I look beautiful when he saw me kanina.

Naramdaman kong lumiko si Zilkin at pumasok sa isang malaki at mataas na gate. Mukhang ito na yata ang daan papunta sa bahay nila mama at papa.

Mahigit sampung minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa kami nakarating. Ang tanging nakikita ko lang ay mga puno sa gilid ng kalsada.

After 15 minutes ay tumigil din ang sasakyan ni Zilkin. I guess we're on our final destination.

Agad na lumabas sina Liz at Zilkin kaya ganon nalang din ang ginawa ko.

Nang makita ko na ang kabuohan ng bahay ay hindi ko mapigilang mamangha.

Sobrang laki kasi nito. Grabe sobrang laking mansyon pala ang bahay ng mga magulang ko.

Agad kaming naglakad patungo sa main door ng mansyon. Sobrang lawak ng lugar. Isang bahay lang ang nakikita ko mukhang exclusive itong lugar na ito para sa kanila lang.

Nang bumukas ang pintuan na sobrang laki ay nakita ko agad sina mama at papa.

Kitang kita sa mga mata nila ang tuwa nang makita kaming tatlo. Pumasok na kami at ang mga mata ko ay nakatingin lang sa mga magulang ko.

Agad akong niyakap ni mama at binati ako ng happy birthday. Sobrang ganda ko raw sa ayus at suot kong damit. Ganon din ang ginawa ni papa pagkatapos niyang mag greet ay pinuri niya ako.

Kung nakakamangha na ang itsura ng bahay sa labas, mas mamamangha ka sa makikita mo sa loob.

Grabe! Sobrang laki talaga! At ang mga furnitures ang gaganda. Okay sila na ang mayaman.

White at light brown ang kulay ng paint sa loob ng mansyon. Akala ko nga maraming maids din ang makikita ko na nakahelera sa gilid.

Pero wala akong nakita ni isa. Siguro ay abala sa paghahanda. Biglang lumapit si mama at hinawakan ang kamay ko. Nakangiti siya at dinala niya ako sa sala.

Tinignan ko ang mga kapatid ko at si papa mukhang may seryoso silang pinag uusapan. Ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa aking ina.

"Emery anak, I'm so happy to see you. How are you?" Tanong niya habang nakangiti.

"I'm fine mama. Naninibago pa rin ako pero, I'm trying naman po." Sagot ko sa kanya.

"You'll be used to it eventually." Nakangiti pa ring sabi niya. "Sobrang saya namin ni papa mo na nandito ka na. Happy birthday my Emery."

"Thank you ma. I'm also happy to see you both." Sagot ko.

"Sana magustuhan mo ang regalo ko sa'yo!" Mukhang excited na sabi niya.

"Okay lang naman ma kahit wala. Seeing my family happy is enough for me." Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Just let me dear... I just want to be a mother to you." Kitang kita sa mga mata nito ang sincerity.

"Okay mama." Tanging sagot ko nalang.

"We decided to held your birthday at the garden. When you were still a kid, you always love to play there." Hindi ko na naaalala ang panahon na yun. "Liz said that you're a simple girl kaya pinigilan ko ang sarili ko to throw a grand party.

"Yes ma, gusto ko po ng simple lang." Hinawakan ni mama ng mahigpit ang kamay ko at pinisil ito.

"We love you so much Emery kaya kung ano ang gusto mo, yun ang gagawin namin." Nabigla ako nang halikan niya ang pisngi ko.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now