Chapter 43 ✍️

5 1 0
                                    


Emery

Kagagaling ko lang sa bar at tuwang tuwa ang mga empleyado ko sa hinanda kong dinner para sa kanila. I also allow them to bring their families para mas masaya.

Sinadya kong may ice cream at maraming chocolates para sa mga bata. Wala sana sa plano yun pero sinabihan ko sila na pwede nilang isama ang pamilya nila bago ako umuwi kagabi.

Nakakapagod sobra pero lamang ang saya. Diretso na kasi ako ng bar pagkatapos ng klase ko ngayong araw. I can feel their happiness lalo na sa mga bata. The kind of happiness that is genuine.

Dito ako umuwi sa condo ko as usual nakasunod pa rin ang mga bodyguards ko. Kahit hindi naman sila malapit sa akin ay damang dama ko pa rin ang presence nila.

I actually planned to bring Anne with me kanina sa bar, but may pinuntahan daw silang family friend ng pamilya niya. Hindi niya naman sinabi kung saan dahil plano daw ito ng parents niya. Kaya wala siyang alam kung saan sila pupunta.

Hindi ko naman close ang kapatid kong si Liz kaya wala nalang akong isinama. Hindi rin naman pwede si Craner dahil for sure magkasama sila ni Anne. Si Collins naman hindi ko makontact. Kaya ako nalang mag isang pumunta dun.

Hindi talaga mawala sa isipan ko ang tuwa ng mga tao kanina sa bar. Kailangan ko ng peace sa isip ko dahil ayaw kong isipin muna ang tungkol kay Harrison.

After my birthday, I'll go back to my training. I need to train myself more harder. I need to set a schedule for that kahit pa may klase ako. Kahit ilang oras lang. Makakatulong na ito sa akin.

Kailangan kong magpalakas while the real war hasn't started yet. Biglang nagring ang cellphone ko and it was Anne who's texting me.

From: Marianne

Emery! You wouldn't believe this, my parents just set up a dinner with Gunther and his mom. Parang gusto nila kaming maging close. I think may plano sila para sa amin. Oh my God, okay sana kung si Zilkin ang kasama ko ngayon huhu T.T

Nasapo ko ang aking noo nang banggitin ni Anne ang pangalan ng kapatid ko. Talagang sobra ang tama niya dun. Hindi ko nga alam kung marunong manligaw yun o may naging girlfriend na ba.

Pero Gunther with his mom? Hmm.
Bakit kaya nandun din sina Gunther at ang mama niya? Baka naman magkakilala lang talaga ang mom ni Gunther at parents ni Anne. At gusto din nilang maging friends ang mga anak nila.

To: Marianne

Baka gusto lang ng mga parents niyo na magkakilala kayo ni Gunther para maging friends din kayo. Just like them.

Message sent!

After a few seconds ay nagreply si Anne.

From: Marianne

Sana nga ganun lang Emery. What if papunta sa arrange marriage 'to? Sa kapatid mo lang pangarap kong maikasal no!

To: Marianne

Baliw. Sorry to burst your bubbles pero mukhang malabo kayong magkatuluyan nun.

message sent!

Nag reply agad ang Anne.

From: Marianne

Malay naman natin diba? Wala namang may alam ng future natin. Basta positive ako maiinlove din sa akin si Zilkin. Ano ka ba support ka naman sa friend mo. Kaloka.

Lakas din ng confidence ng babaeng 'to. Natatawa ako sa text ni Anne sa akin.

To: Marianne.

Basta goodluck sa'yo. Mag enjoy ka nalang dyan.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now