Chapter 44 ✍️

5 1 0
                                    

Emery

Maaga akong nagising at maging si Anne. Nagkwentuhan kami kagabi at alas dose na ng hating gabi kami nakatulog. Pagkatapos niyang makabawi sa lahat ng sinabi ko sa kanya kagabi, ay nagkwento din sya ng kung anu ano.

Nawala tuloy ang antok ko at natuwa sa mga pinagsasabi ni Anne. Nakauwi na siya sa kanila at ako naman ay papunta ngayon sa condo ni Liz.

Biglang lumiko ang sinakyan ko at pumasok sa isang subdivision. Mukhang mayayaman lang ang nakakapasok dito.

Bigla itong tumigil sa harap ng isang malaking building. Ang ganda lang ng lugar na 'to dahil malayo sa highway.

Agad akong bumaba at nagpasalamat sa driver. Liz already texted the number of her room kaya alam ko na kung saan ako pupunta.

Agad akong kumatok sa room na sinabi niya. Agad naman itong bumukas at nakita ko ang nakangiting si Liz. Ngumiti nalang din ako ng tipid as a sign of respect to my older sister.

Agad akong namangha ng makita ko ang nasa loob ng condo ni Liz. Good choice of paint and furnitures. The paint feels refreshing with a touch of baby blue and white paint color.

I saw Zilkin watching a movie seriously. Agad siyang lumingon sa akin at ngumiti ng tipid. Ganon nalang din ang ginawa ko dahil siya ang older brother namin.

So far, okay naman na ang relasyon namin magkakapatid. Although I look like I don't give a damn on something, the truth is I am happy that our relation as siblings is improving.

"Did you eat na?" Biglang tanong ni Zilkin.

"Not yet." Sagot ko nalang sa kanya.

"Good. We haven't took our breakfast yet, so let's eat together." Sabi ni Zilkin.

Hindi agad ako nakareact dahil naninibago pa rin ako kay Zilkin. Tumango nalang ako as a sign of approval.

"Yeah, and it's gonna be the first breakfast for the three of us as siblings." Masayang sabi naman ni Liz.

Liz took care of everything and Zilkin and I were waiting for her to call us if everything's settled already.

Gusto ko sana siyang tulungan sa paghahanda, but I realize na hindi pa kami masyadong close. Maybe next time.

I stared at Zilkin who's seriously scrolling on his phone. Ang chill niya lang tignan at parang nakakatakot yung awra niya pag nagagalit.

Well, I won't be surprised kung hindi niya tinulungan si Liz sa paghahanda ng breakfast namin. Mukhang bossy din naman kasi itong kapatid kong lalaki.

Men don't usually see cooking as their comfort zone. I know there were still few men who made cooking as their passion, but some are not really into it.

After Liz prepared the food on the table, she called us and now we're heading to the dining area. I forgot to mention that Liz's kitchen and dining area is incredibly huge.

Liz really has a huge condominium and I guess there were four rooms in it.
I assume that her place is bigger than Zilkin's place.

We already started eating and it really felt awkward because they were just silently eating. Maybe they really eat this way. Who would have thought? I've never tried to eat with them.

Ganon pa rin ang kain ko at alam kong kahit hindi sila nakatingin sa akin ay nararamdaman nila ako.

Biglang nagsalita si Liz at ipinagpapasalamat ko yun.

"Kumain ka lang Emery. I know it feels awkward right now, but eventually masasanay ka rin."

Infairness, ang sarap ng ulam namin ang galing magluto ni Liz. I assume siya ang nagluto nito.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now