Chapter 7 ✍️

15 8 0
                                    

Emery

Nandito ako ngayon sa university at ilang araw na ang lumipas simula nang may mangyaring gulo sa bar at hindi na nagpakita pang muli si Lacey. Kahit sa school ay hindi ko siya nakikita baka natakot talaga ito kay Anne. Pero nararamdaman ko pa rin ang galit niya sa akin nang titigan niya ako sa bar kaya hindi ako magtataka kong may gagawin na naman siyang masama.



Ganon pa rin ang daily routine ko at walang nagbago.




Aral . Apartment . Trabaho .



Ilang araw ko na rin hinihintay na magtext sa akin ang La Grandeng iyon pero walang akong natanggap mula sa kanya. Wala pa kaming practice at dalawang araw nalang ang natitira para sa amin. Medyo naiinis na ako sa lalaking iyon at kahit gusto kong gawin ito ng mag isa ay hindi naman pwede hays.




Nakita ko lang sya ng isang beses at hindi na iyon naulit pa. Imposible namang nakalimutan niya ang presentation namin sa PE. Basta kailangan na naming magpractice kahit dalawang araw lang kakayanin naman siguro. Importante sa akin ang grade ko sa lahat ng subjects dahil scholar ako. I need to maintain my grades hanggang sa makagraduate ako.




Kasalukuyan akong nasa cafeteria at kumakain ng snack ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa aking bulsa at tinignan ko kung sino ang nagtext. May dalawang mensahe akong nakita at binuksan ko ito.

From : Unknown number.

Hello Emery! Si Anne to save mo number ko ah. hehehe

Si Anne pala.

From : La Grande

Let's meet at 4pm sa parking area ng university.



Buti naman at nabuhay na rin ang isang ito sana naman ay hindi na makancel ang praktis na ito dahil dalawang araw nalang ang meron kami hays.

Nireplayan ko muna si Anne.

To : Marianne

I will.

Reply ko sa kanya.

To: La Grande

Okay.

Reply ko sa La grandeng iyon.



Pagkatapos kong magreply sa kanila ay umalis na ako sa cafeteria dahil may klase pa ako. Nakita ko si Anne na naglalakad patungo sa kabilang building at mukhang nagmamadali ito. Maganda talaga ang babaeng ito sinayang lang ng gago niyang ex ang isang tulad ni Anne.





Natapos na lahat ng klase ko ngayong araw at agad naman akong pumunta sa parking area ng university. Nang makarating ako sa parking area ay nakita ko ang mga magagarang sasakyan na pag aari ng ilang estudyante na nag aaral sa university. Sana all.


Mayamaya pa ay dumating na rin sa wakas ang hinihintay ko. Nakatingin lang ako sa kanya ng walang emosyon at ganon din ang ginawa niya sa akin. Naglalakad siya papunta sa isang sasakyan na kulay pula at pumasok sa driver's seat nito. I guess that's his car. Naglakad na din ako papunta roon sa sasakyan niya. Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa sasakyan niya for sure it cost millions.



Narinig kong bumukas ang bintana ng sasakyan niya at iniluwa siya nito. Tinignan niya ako ng walang emosyon at ganon din ang ginawa ko sa kanya. This time sobrang sersoyo na ng mukha niya.



"Get in the car." biglang utos niya sa akin na nagpakunot ng noo ko.



"Ha?" nalilitong sagot ko.




The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now