Chapter 23 ✍️

7 3 0
                                    

Gunther

Nandito ako ngayon sa mall at sinadya kong hindi isama si Nix dahil bibili ako ng regalo para sa kanya. Sana magustuhan niya ang ibibigay kong regalo. I adore her so much at gusto ko maging masaya siya sa piling ko. Gagawin ko ang lahat huwag lang siyang mawala sa akin. Dahil bumalik na siya sa akin ay bumalik na din ang dating ako. I am not that cold and expressionless person anymore.



Pumasok ako sa tindahan ng mga alahas dahil ang plano kong ibigay kay Nix ay kwentas. Wala akong pakialam kong ilang libo pa ang presyo nito basta alam kong magiging masaya siya. Mahilig siya sa alahas lalo na sa diamond. Wala akong ibang babaeng naiisip na makasama sa buong buhay ko kundi siya lang. Napangiti ako nang maisip kong siya na ang magiging kabiyak ko at magiging ina ng aking mga anak.


Kumain muna ako sa isang Japanese Restaurant dito sa mall dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako doon. Naglalakad na ako papunta sa parking lot ng mall nang may biglang tumawag ng pangalan ko.  Shit! Boses pa lang alam ko na kung sino ito. Bakit nandito ang babaeng ito sa mall? Nilingon ko siya at nakita ko ang pagngiti nito.




Agad akong tumakbo para takasan siya at narinig ko ang pagtawag nito sa aking pangalan. Wala akong pakialam kong ano man ang isipin ng mga tao sa akin. Mukha na akong magnanakaw dahil sa ginawa kong pagtakbo just to escape that girl. I don't like her at kahit alam niyang ayaw ko sa kanya ay lumalapit pa rin ito sa akin. Her name is Faye. She likes me at para siyang higad kong makakapit sa akin. Naiirita ako sobra when she's around kaya umiiwas ako sa kanya.



Handa niya daw ibigay ang kanyang sarili para sa akin pero hindi ko siya bet. Sexy siya, maganda, makinis, mayaman at malakas ang dating pero hindi ko talaga sya type. I told her that she's not my type that she deserves someone else pero ayaw niya pa rin ako tigilan. Kailangan talaga hindi na magtagpo ang mga landas namin lalo na ngayon at nandito na ulit si Nix.


Ayaw kong mag isip siya ng kung anu ano tungkol kay Faye. Wala pa naman hiya ang babaeng iyon kapag nakikita ako ay agad ako nitong nilalandi. Kailangan kong gawan ng paraan 'yan para matigil na siya.



Habang papatakbo ay nakita ko ang isang babaeng nakatalikod at isang ideya ang nag pop up sa utak ko.  Bahala na nga basta matakasan ko lang ang Faye na iyon. Patawarin mo ako Nix but I really need to do this. Ikaw pa rin naman ang mahal ko at walang magbabago doon. Agad kong hinila iyong babaeng nakatalikod at hinalikan ito. Ipinikit ko ang aking mga mata para hindi ko makita ang babaeng hinahalikan ko.




Naramdaman kong nanigas ang katawan ng babaeng hinahalikan ko ngayon. Siguro dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ko. Wala din naman siyang ginawa at hinayaan niya lang akong humalik sa kanya. Isang minuto na siguro ang lumipas at hindi ko pa rin siya binitawan dahil baka nasa paligid lang si Faye. Bigla akong tinulak ng babae kaya napalayo ako sa kanya at bigla ako nitong sinuntok ng sobrang lakas.

Ouch. Ang sakit ng pagkakasuntok niya sa mukha ko. Mukhang magkaka blackeye pa ako nito. Grabe ang lakas niyang sumuntok para sa isang babae. Parang umikot ang buong mundo ko at medyo nahihilo ako dahil sa suntok niya.



Napatingin ako doon sa babaeng sumuntok sa akin habang hawak hawak ang mukha kong nasuntok niya. Agad na lumaki ang mata ko nang makilala ko kung sino ito. Of all people bakit siya pa talaga ang nahalikan ko? Seryoso lang siyang nakatingin sa akin pero kitang kita sa kanyang mata ang galit.

"Hindi ko sinasadya. I just need to escape from someone kaya kita nahalikan." paliwanag ko sa kanya.



"Kissing a girl without her consent  is not good. Alam mo bang nakakabastos ang ginawa mo?" mahihimigan mo ang galit at lamig sa kanyang boses.


The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now