Chapter 30 ✍️

6 3 0
                                    


Emery

Ilang araw na rin ang lumipas at malapit na rin ang foundation day. Ibig sabihin malapit na rin kaming pumunta sa New York. Ilang beses ko na rin nakakasalubong sina Craner at Gunther pero dinidedma lang nila ako. Kasama din nila minsan ang mga girlfriend nila.

At sa tuwing nakikita nila ako ay tinataasan lang ako ng kilay ng mga bruha. Parang nasasanay na rin ako na wala ng Craner at Gunther sa paligid ko. Maybe they're still mad at me. Pero hahayaan ko lang sila dahil ako ang talo kung papadala ako sa emosyon ko.

Binabangga din ako minsan ni Nixcel at bigla silang magtatawanan ni Demi. Alam kong sinasadya nilang dalawa iyon pero sa tuwing nandyan sina Gunther at Craner ay para silang mga maamong kuting.

Well, hindi ko nalang sila pinapansin dahil wala naman akong mapapala kung papatulan ko pa silang dalawa. Mas pagtutuonan ko nalang ng pansin ang bar. So far, okay naman ang bar at hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa tuwing tinatawag nila akong boss.

Kahit nga sa pagbibilang ng pera ay naninibago pa rin ako. Hindi ako sanay humawak ng malaking halaga ng pera. Hindi ko rin inakala na malaki pala ang kita ng bar gabi gabi.

I'm not only focusing on the bar, but also the welfare of my employees. I added some benefits for them para mas ganahan silang magtrabaho. Tinaasan ko rin ang bonus nila at may reward sa akin ang pinakamasipag magtrabaho. So far, masaya naman ang mga employees ko on how I handled them.

Kapag naman may mga absent ay tinutulungan ko sila para hindi sila masyadong mapagod. Marami kasi talagang tao ang pumupunta sa bar. Kahit sa kusina ay nagpaturo ako kung paano lutuin ang mga nasa menu. Madali naman akong turuan kaya hindi na nahirapan ang cook namin sa pagturo. Given the fact na mahilig din ako sa pagluluto.

Pansin ko lang hindi na masyado nagpapakita sa akin si Jared. Nagbago na siguro ang isip non at tumigil na sa panliligaw sa akin. Madalang ko nalang makita ang lalaking 'yon.

Kakatapos lang ng class ko at oras na para kumain ng lunch. Papalabas na sana ako sa pinto ng room nang makita ko si Shelizzy at Zilkin. Tinignan nila ako pareho at ngumiti sa akin si Shelizzy.

Anong ginagawa nila dito?

"Salamat naman at natapos na rin ang class mo." malumanay na sabi nito. Milagro at walang bakas ng kaartehan ang boses nito.

"Why are you here?" tanong ko.

"Well, we're inviting you to have lunch with us." seriously? anong meron sa dalawang ito. "Huwag ka na tumanggi dahil minsan lang manlibre si Zilkin." Tinignan naman siya ng masama nito.

"Uhm. ano kasi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Zilkin.

"Are you going with us or not?" tanong ni Zilkin. Feel ko talaga ay may authority ang boses niya na kailangan mong sundin. Ewan ko baka nag ooverthink lang ako.

"Okay." sabi ko nalang.

Agad kaming nagtungo sa cafeteria at si Zilkin ang nag order for us. Sabi kasi ni Shelizzy dapat gentleman daw si Zilkin at siya dapat ang mag order para sa amin. Kahit napipilitan ay tumayo pa rin siya at pumila.

"I saw what those girls did to you. Wala ba talaga silang plano tigilan ka?" napalingon ako kay Shelizzy nang bigla itong magsalita.

"Hayaan mo na." sabi ko nalang sa kanya.

"Huwag mo kasi pairalin iyang kabaitan mo. Learn how to fight. Kung ako ang ginawan nila ng ganyan, lagot talaga sila sa akin." matapang na sabi nito.

"Nagtitimpi lang din ako. Pero ang sarap na talaga upakan ng dalawang 'yon." nakita kong papalapit na sa table namin si Zilkin dala ang mga inorder naming pagkain.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now