Chapter 27 ✍️

4 4 0
                                    


Emery

Nandito ako ngayon sa paborito kong tambayan habang nakapikit ang mata. Ang dami kong nainom kagabi at konti lang ang tulog ko kaya inaantok ako. Ang sakit ng ulo ko, hindi dahil kulang ako sa tulog o naparami ang inom ko kagabi. Iba ang iniisip ko at parang mababaliw na yata ako.

I was there, I've heard everything. Bakit sinabi ni Zilkin na kapatid niya ako? Hindi nila ako nakita pero sila nakita ko pagkapasok ko pa lang sa bar. Hindi ko na sila pinansin dahil mukha naman silang nag eenjoy uminom. Omorder ako ng alak nang makaupo na ako sa bar counter. malapit lang ako sa kanila kaya dinig na dinig ko ang pinag uusapan nila.

I was surprised nang marinig ko ang pangalan ko. They were talking tungkol sa panliligaw ni Jared sa akin. Against si Zilkin sa panliligaw sa akin ni Jared kaya nagtaka ako. Nagsimulang tumaas ang boses ni Jared at ganon na rin si Zilkin. Si Craner ay tahimik lang ngunit kita sa mukha nito na nais niyang awatin ang dalawa pero hindi niya alam kung paano.

Makikita mo ang iritasyon sa mga mata ni Jared at mukha namang frustrated si Zilkin dahil sinasabunutan nito ang sariling buhok. Mukha siyang may pinipigilang sabihin. Sobrang taas na ng boses ni Jared at hindi ko inaasahan ang pagsigaw ni Zilkin.

Pero mas hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko dahil sa sinabi ni Zilkin. Walang nagsalita sa kanila nang sabihin ni Zilkin 'yon. Kahit ako ay nabato sa kinauupuan ko. Sinabi niya na kapatid niya daw ako. Ayaw kong maniwala but he looks sincere when he utter those words.


I need to talk to Zilkin dahil kailangan ko siyang makausap sa bagay na ito. I need to clear things out. Kaya ako naglasing kagabi dahil sa nalaman ko. Para na akong mababaliw kaiisip sa sinabi ni Zilkin kung paano kami naging magkapatid. Ang alam ko nag iisa lang ako at pinabayaan ako ng mga magulang ko.


Kahit sino ay magugulat sa nalaman ko. When someone is claiming you that you're his sister pero kakikilala niyo lang dalawa. Basta hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang gulo ng isip ko at hindi ko makontrol ito. There's a part of me saying that he's telling the truth pero napakaimposible talaga.


Even his friends ay naniniwala sa sinabi niyang magkapatid daw kami. Humupa na ang tensyon na namamagitan sa dalawa and I heard Jared saying sorry for his behaviour.

Mukhang okay na silang dalawa dahil ipinagpatuloy na nila ang kanilang pag inom. Ako naman ay patuloy sa pag inom habang ang isip ko ay lumilipad. This is too much to handle.

Pak!

Bigla akong napadilat nang  maramdaman ko ang pagsampal sa aking pisngi. I saw Nix with Demi looking so furious habang nakatingin sa akin.

"How can you explain this, huh?" may pinakita siya sa aking litrato sa cellphone niya at nagulat ako nang makita ang photo noong hinalikan ako ni Gunther.

"It's not what you think. Ask your boyfriend kung ano ang tunay na nangyari." seryosong sabi ko nalang.


"Ang sabihin mo malandi ka. You bitch ang kapal ng mukha mo!" at bigla ako nitong sinabunutan.



"Nilalandi mo rin ang Craner ko! Ang taas ng pangarap mo ha. Mga boyfriend pa talaga namin ang inahas mo! galit na sabi naman ni Demi at sumali din siya sa pagsabunot sa akin.

Ramdam na ramdam ko ang sakit at parang mauubos na iyong buhok ko pero hindi ako lumaban. Ayaw ko silang masaktan kaya pinipigilan ko ang aking sarili. Pinagsusuntok din nila ako sa tiyan at masakit iyon pero tiniis ko pa rin. Pinilit kong huwag silang labanan ngunit sobra na ang ginawa nila sa akin.


The Girl Who Loves The RainМесто, где живут истории. Откройте их для себя