Chapter 14 ✍️

9 7 0
                                    


Emery

Nandito ako ngayon sa university at kasalukuyang naglalakad sa hallway papunta sa room ng next subject ko. Kablock ko ngayon si Craner kaya for sure makikita ko siya ngayon. Ka block ko siya sa dalawang  minor subjects ko. Iniisip ko kanina pa kung ano ang ibibigay kong regalo kay Anne. Hindi ko alam ang hilig niya at mga gusto niya. Ililibre ko nalang kaya siya ng alak tapos mag inuman kaming dalawa?

Natatawa ako sa pinag iisip ko ngunit magandang ideya iyon. Sigurado ako matutuwa pa iyon dahil mahilig siyang uminom. Simple lang siyang babae at tingin ko maaappreciate niya kahit na simpleng bagay. Bukas na iyong birthday niya at parang kinakabahan ako dahil makikilala ko na ang parents niya.

Bigla kong naalala ang dalawang La Grande dahil hindi na nagtagpo ang mga landas namin. I think it's a good thing dahil hindi pa ako kumportable kasama sila. Unlike sa dalawang magkapatid na sina Craner at Anne. Medyo kumportable na ako sa kanila pero not a hundred percent.

I went to my professors for the special quizzes at sa mga namissed kong lectures. Sa monday nalang daw nila ibibigay.

Hindi ko nga pala alam kung anong oras ako pupunta kina Anne. Itetext ko nalang siguro siya mamaya pagkatapos ng class ko. Bukas dalawang subjects lang meron ako hanggang 2pm. Tomorrow pa sana ako bibili ng regalo ni Anne sa mall kaya kailangan kong malaman kung anong oras ako pupunta sa kanila.

Nandito na ako ngayon sa room ko at ako pa lang ang nandito. Ayaw kong nalelate ako sa class ko kaya mas mabuti na iyong advance. Nang makaupo na ako sa upuan ko ay nakita ko si Craner na pumasok sa room. Naglalakad siya papunta sa pwesto ko ngayon. Ewan ko sa isang ito dito pa naisipang umupo sa likod at sa tabi ko pa.

"Okay ka na ba?" tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Tumango lang ako bilang sagot.
"Tomorrow is Anne's birthday, you should come." nakangiti niyang sabi.

Nakakabakla ang itsura ni Craner.  Gwapo talaga siya lalo na kapag ngumingiti. Mahahabang pilik mata, Kulay brown na medyo singkit na mga mata, maputi, matangos na ilong, manipis na mga labi. Parang lahat ng suot niya bumabagay sa kanya. Magkapareho sila ni Collins mas matangkad nga lang ito ng konti sa kanya at maitim ang mga mata nito.

I didn't realize how long I was staring at him. Buti nalang ay hindi na ito nakatingin sa akin at abala ito sa kanyang cellphone. Nakita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi. Ang gwapo talaga ng taong ito pero wala akong maramdamang kakaiba. Parang normal lang kahit kay collins. Pero naaappreciate ko ang mga magagandang itsura nila.

Nakikinig lang kami sa aming prof na nagsasalita sa aming harapan hanggang sa nagdismiss na ito. Agad naman akong lumabas dahil nakaramdam ako ng gutom. Naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya nilingon ko kung sino iyon. It was Craner wearing his beautiful smile.

"Let's eat, my treat. Bawal tumanggi." nakangiti niyang sabi sa akin.

Ayaw ko sana sumabay sa kanya pero parang ang hirap tanggihan ng isang ito. Kaya tumango nalang ako sa kanya. Una siyang naglakad patungong cafeteria at nakasunod lang ako sa kanya. Kitang kita ko ang mga reaksyon ng mga babaeng kumakain doon nang pumasok siya sa loob. May ibang parang kinikilig, ang iba naman ay nagreretouch at meron din tahimik lang na nakatingin sa kanya.

Lakas ng epekto niya sa mga babae lalo na siguro kung magkasama sila ni Collins. Baka mabaliw na talaga ang mga babaeng nandito ngayon. Lumapit siya sa bakanteng lamesa at hinila ang isang upuan para makaupo ako.

Gentleman.

"What do you want to eat?" tanong niya sa akin. Total libre naman ito kaya susulitin ko na.

" 1 steak, 2 pcs. of fried chicken, 1 slice of chocolate cake, 2 cups of rice and pineapple juice in can."

Wala akong pakialam kung ano ang isipin niya basta ako kakain ako dahil nagugutom ako. Nakita kong parang na amuse siya nang sabihin ko sa kanya ang order ko at ngumiti ito.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now