Chapter 13 ✍️

13 7 2
                                    


Emery

Sobrang naiinip na akong tumambay sa bahay at gusto ko ng magtrabaho at pumasok sa eskwelahan. Aside from studying, writing a story, eating, resting and surfing  the internet ay wala na akong ibang ginagawa. Ayaw ko ng ganito hindi ako sanay na nasa bahay lang at walang ginagawa.

Medyo okay na rin naman ang leeg ko wala na iyong pamamaga niya pero may konting kirot pa din. Pwede na siguro akong pumasok bukas namiss ko na talaga pumasok. Biglang nagring iyong cellphone ko at nakita kong may nagtext kaya inopen ko.

From: unknown number

Good morning. How are you now?
This is craner, i got your number from anne.

Nangunot ang noo ko nang makita ko ang text message sa akin ni Craner. Hindi naman ako galit na ibinigay ni Anne ang number ko sa kapatid niya. Mabuti sila sa akin kaya wala akong nakikitang dahilan para magalit. I saved his number at nireplyan ko nalang siya.

To: Craner

Good. Papasok na ako bukas.

Message sent!

From: Craner

Are you sure? Okay na ba ang neck mo? Huwag mo muna pilitin kung masakit pa.

To: Craner

I'm fine. May konting sakit pero wala na iyong maga.

Message sent!

From: Craner

Okay. See you tomorrow then.

To: Craner

Okay.

Message sent!

Tumayo ako at iniwan ang cellphone ko sa aking kama. Parang gusto kong kumain sa labas ngayon. Buti nalang wala ng nagpapadala sa akin ng mga pagkain. Aaminin ko masarap iyong mga pagkain na ipinadala ng mga unknown person na iyon. Pero mas mabuti na iyong wala akong matanggap para hindi na naman ako mag iisip.

I need to find out kung sino ang mga taong iyon at malalaman ko rin iyon one of these days. Imposible naman mga admirer ko iyon. Pwede ko sigurong ishare ito kay anne. She's right it feels good to have a friend. You can tell anything you want to tell to your friend to ease the burden inside you. That feeling when there's someone who's ready to listen to all your rants in life. Make you feel that you are not alone.

Napangiti ako ng tipid dahil sa isipin na iyon. Never thought this day would come that I'll be engaging myself with other people. All my life, I only have myself to rely on. The struggles, sadness and pain I faced them all by myself. I've never been so happy all my life. All I think is to survive this hell called life. I have no time to be happy. I never had the chance to know how it feels like to be a normal teenager.

But these hardships made me stronger and braver. It taught me how to be independent and consistent. There are still a bright side  in every dark corners of my life.

I went outside and heading into Aling Minda's Eatery. Medyo distansya ito sa apartment ko pero gusto kong kumain doon. Gusto ko ang mga luto ng pagkain doon kasi masarap siya. It's just a small eatery pero dinadagsa ng mga tao. Parang pang mamahalin na restaurant din ang timpla ngunit sa murang halaga.

Nag order ako ng pancit guisado, sinigang na baboy at dalawang kanin. Binigyan din naman ako ng pera ng boss ko kagabi kaya okay lang kumain ng masarap ngayon hihi. Minsan kasi gulay lang inoorder ko dito at nanghihingi pa ako ng sabaw. Ayaw ko sana tanggapin iyong pera pero sadyang mapilit talaga ang intsik na iyon. Kaya pumunta ako sa bar kagabi dahil gusto niya rin akong makausap ng personal. Kaya Nakita ko si Craner  kagabi sa bar and he seems so very happy.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now