Chapter 18 ✍️

13 5 0
                                    


Craner

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa nangyari sa amin ni Emery. Her angelic face at ang malambot niyang balat shit! parang nararamdanan ko pa rin ang maliit niyang katawan. Kahit anong pikit ng mata ko talagang ayaw ako hilain ng antok. Mukha tuloy akong zombie ngayon dahil sa kakulangan ng tulog.
I'm still here sa kwarto ko and it's 6:30 a.m.

Mamaya pa ang class ko and I wonder kung anong oras ang class ni Anne at ng dalawang kaibigan ko. Tulog pa siguro ang mga iyon dahil sa dami ng nainom kagabi.

Last night was awesome dahil ang saya namin lahat even Emery. I saw her secretly smiled nang kumanta si Anne kagabi. It was the first time na nakita ko siyang ngumiti. Kahit sandali lang iyon ay parang nacapture ng utak ko ang pagngiti niya sa mga oras na yun.

Ang dami kong nalaman kagabi nang maglaro kami ng "Truth or Drink". Kilala ni Collins si Emery at may nalaman pa akong tungkol sa kanya. Kaya siguro siya poker face ay dahil wala siyang pamilya and she's lonely for a long time. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang  mga pasimpleng pagsulyap sa kanya ni Jared hmm.

Kailan pa nagkainteres si Jared sa isang babae? Sa pagkakaalam ko wala pang naging girlfriend ang kaibigan ko. I can't blame him naman kung nakuha ni Emery ang atensyon niya because she's really different.

Napagdesisyonan ko ng lumabas ng kwarto at pumunta sa baba para makapagkape. Nang makababa ay pumunta ako sa kitchen at nakita ko si Anne na nagkakape doon. Iyong kusina kasi namin ay may lamesa din at upuan pero hindi kasing laki ng dining table namin. Minsan dito kami nagkakape, kumakain at umuupo kapag nagluluto si mommy para makita namin ang ginagawa niya.

Pero minsan lang din nangyayari yun  dahil sobrang busy nila ni Dad sa work nila. Nakita ko si Manang Cora na abala sa pagluluto ng breakfast namin. She's one of the best cook na nakilala ko. Shes like a chef sa mga five star hotels at matagal na siyang naninilbihan sa amin. Sa pagkakaalam ko ay matandang dalaga si manang at nag iisa lang itong anak.

Mom loved her so much and treated her like a second mother. Mabait din naman kasi si Manang Cora pero hindi ito masyadong nagsasalita. Palagi namin siyang pinapasabay sa amin kumain lalo na kapag nandyan sila Mom pero ayaw niya talaga. Mukhang nahihiya pa rin siya sa amin at mas okay daw sa kanya na sumabay sa mga kapwa niya kasambahay.

"Where's mom and dad?" agad kong tanong kay Anne.

"Mom's in the garden watering her plants. Dad's in their room facing his laptop and he's working as always." sabi ni Anne na parang natatawa pa. Dad is really workaholic pero nagbunga naman ang pagsisipag niya dahil isa siya sa mga successful Businessman within the country.

With the help of her queen ofcourse. Mom is very supportive at siya ang parang nagmomotivate kay Dad kapag may mga times na kakaharapin na problema ang company. Which is hindi maiiwasan at nakakayanan nila iyon because they got each other's back. They love each other and I really wish for myself to have a good and satisfying marriage life someday just like my parents.

"Are they awake?" biglang tanong ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya.
"I mean Collins, Jared and Emery. Mom told me to let them spend the night here."

"Really? What about Zilkin and Gunther?" tanong sa akin ni Anne.

"They went home pagkatapos ng inuman. Maaga pa daw kasi ang class nila today. Knockout ka na kasi kagabi." natatawang sagot ko sa kanya at napangiti naman ito.

" Ang saya kasi kagabi." nakangiting sabi nito. "Baka tulog pa sila kuya ang dami din kasi nainom ni Emery kagabi haha."

"Yeah, I really had fun last night." sabi ko nalang sa kanya.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now