Chapter 4 ✍️

12 9 0
                                    


Pagkatapos ng Biology class ko ay nagtungo ako sa aking locker at nagpalit ng PE uniform. Naramdaman kong may ibang tao rin dun maliban sa akin dahil may kumalampag siguro nagbubukas din  ng locker pero binalewala ko lang iyon at isinarado na ang locker ko. Nang matapos kong ilocked ang aking locker ay naglakad na ako sa hallway at tinignan ko kung sino iyong taong nagbukas ng locker.

Nanlaki iyong mga mata ko sa aking nakita shit of all places dito pa talaga? Ngayon palang ako nakakita ng ganito sa buong buhay ko kaya nagulat ako sa aking nasaksihan. There are two people making out dun sa gilid ng locker iyong parang sabik na sabik sila sa isa't-isa. Fuck what a sight, get a room please.

Nakita ako ng babae na nakatingin sa kanila kaya napatigil siya sa kanyang ginagawa at ang kasama niya.

"Mind your own business bitch." sabi nong babae at tinaasan pa ako ng kilay.

"Then don't do it here kung ayaw niyo ng audience." sabi ko dun sa babae.

"You!" turo niya sa akin.

"How dare you talking to me like that. I don't even know you!" galit na sigaw niya sa akin.

"Stop it Lacey." awat ng lalaking kasama niya na hindi ko pa nakikita ang mukha.

Nang humarap na ang lalaki ay medyo lumaki ang mga mata ko pero di ko pinahalata at agad din akong nakabawi sa pagkagulat dahil familiar sa akin ang lalaking ito very familiar...

"Sorry miss nadala lang." sabi ng lalaki.

"Why are you saying sorry to that bitch? she's not worth it!" inis na sigaw nong lacey.

"C-Collins?" tawag ko dun sa lalaki at nakatingin lang ako sa kanya kaya nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"I'm sorry miss, but my name is Callix and not Collins. I am his twin brother pero matagal na kaming di nagkasama. I think he's in Japan right now."

"Okay." yon nalang naisagot ko at umalis na sa harapan nila.

I thought si Collins na iyon sobrang magkamukha silang dalawa pati iyong pangangatawan and even the hair.
May kakambal siya? Bakit di ko alam iyon? hindi naman kasi palakwento iyong taong 'yon at may pagkamisteryoso din.


Tinuruan niya akong makipaglaban at humawak ng ibat-ibang armas kaya sobrang nagpapasalamat ako sa kanya. Sino ka ba talaga Collins bakit napakamisteryoso mo?

Naaalala ko pa noong una kaming nagkakilala nakita ko siyang duguan at may malaking hiwa sa braso at nanghihina na sya dahil sa mga dugong nawala sa katawan niya.


Di ako nagdalawang isip na tumulong sa kanya kaya inalalayan ko siya at dinala sa malapit na hospital. Nang dumating na kami sa hospital ay nawalan sya ng malay buti nalang may mga kasama na kaming tao na nag aassist ng mga pasyente ang bigat pa naman ng taong ito.

Hinintay kong magising sya para malaman ko kung okay na ba ang kalagayan niya. Ilang oras ay gumising  na sya at nagpasalamat sa akin. Nang nakalabas na siya ng Hospital ay tinanong ko siya kung anong nangyari kung bakit may malaki siyang hiwa sa braso niya. Ang sabi niya lang ay napatrouble siya kaya iyon nangyari sa kanya kaya naniwala nalang din ako sa kanya.

At dahil tinulungan ko sya ay tinanong niya ako kung ano iyong gusto kong kapalit kaya ang sabi ko ay gusto ko matutong lumaban. Alam ko naman na hindi niya ako matutulungan pero sinabi ko pa rin iyon dahil 'yon ang gusto ko. Akala ko tatawanan niya lang ako pero di ko akalain na pumayag siya at ayon nga tinuruan na niya ako kapag may free time ako.


Nasa High School pa ako noon at nagbebenta ng kung ano ano para mabuhay at para may baon sa eskwela. Kung titingnan mo si Collins ay may itsura ito, malakas ang dating at magaling pumorma. Halata din na rich kid ang isang iyon dahil nakita ko siya nagmamaneho ng magarang sasakyan.

The Girl Who Loves The RainWhere stories live. Discover now