Chapter 1

2.5K 39 17
                                    

Chapter 1 || Apat Na Taong Nakalipas

Felix's POV

"Ayos na ba lahat ng gamit niyo?" tanong ko kay Mikka at Cyrish. Kay Cyrish ako napatitig dahil sa hindi ko talaga mapigilan. Ang ganda niya. Noon pa man ay gandang-ganda na talaga ako sa kanya.

Para siyang anghel na bumagsak galing sa langit dala ng maputi at makinis niyang balat. Hanggang leeg ko siya dahil hindi naman siya ganun kataas. Wavy ang buhok niya na hindi ganun kahaba gaya ng kay Mikka na hanggang baywang na. May pagkabrown din ito tapos 'yung mukha niya heart-shaped. Dahil sa hindi siya malaman masyado ay hindi halata ang cheekbones niya pero makikita ito kapag sobra ang tawa niya na malimit lang mangyari. 'Yung mga mata naman niya ay malalim 'kung tumingin at bilugan na bagay lang sa labi niyang natural yata na mamula-mula kasi kahit walang lipstick noon ay ganun na iyon. Matangos din ang kanyang ilong na para bang may lahi siyang espanyol.

Iniiwas ko na ang pagtitig ko sa kanya dahil baka may makahalata pa sa ginagawa ko.

Family van namin ang gamit namin papunta sa Resort nila Kailer, Eisen Beach Resort, kung saan namin balak magbakasyon ng isang linggo. Akala ko nga ay hindi kami makukumpleto dahil sa hindi pinayagan nung una si Cyrish pero mabuti at nagawa nila ni Mikka na makumbinsi ang parents niya. Magpinsan nga pala ang dalawa.

Naisip ko nga e... magpinsan sila pero hindi nila masyadong kilala ang isa't isa. Cyrish and her family are so secretive. Kung hindi dahil sa isang insidente ay hindi ko pa malalaman ang nakaraan na pilit nilang kinalilimutan...

Nandito ako at nakaupo na sa harap. May driver kaming kasama dahil gusto naming makapagrelax sa pagpunta sa resort. Mapapagod lang kasi kami kung isa pa sa amin ang magmamaneho dahil may kalayuan iyon.

"Sus, gusto ko dyan eh." narinig kong sabi ni Mikka. Hindi pa rin siya sumasakay at nakasibangot sa akin. Naging malapit kami nung college kasama na si Dianne at Kailer. Noon ay balak ko lang talagang makipaglapit kay Cyrish ngunit kalaunan ay si Mikka ang mas naging kalapit ko kaya naman natukso kami. Ginamit ko na lang ang pagkakataon na 'yon para sana pagselosin si Cyrish pero mukhang wala lang sa kanya.

Mikka isn't hard to fall in love with. Nasabi ko na rin sa sarili ko na what if siya na lang? But then no... I've fallen so hard for Cyrish that I can't even take giving my interest to other girls.

"Mas gusto kita." biro ko habang natatawa sa reaksyon niyang inis na inis. Nakita ko sa gilid ng mata ko na abala si Cyrish sa pakikipagusap kay Dianne. Tss. So heartless. Wala talaga siyang pake sa akin.

"Tigilan mo nga ako sa kalandian mo dude." Binatukan ako ni Mikka. Itinawa ko na lang ulit ang nararamdaman ko. Dude ang tawag niya sa akin. One of the boys siya. Masarap kasama pero alam ko naman kung sino talaga ang gusto niya. Kahit hindi niya sabihin ay halata ko. Siguro magaling lang akong umobserba. Patay na patay siya kay Kailer na may gusto naman kay Cyrish.

Naging close naman kami ni Kailer. Kailer is a really nice guy. Mukhang kabaliktaran ko pero sa totoo lang ay katulad din lang niya ako noon... something made me change into someone I'm not. Or rather I should say...

Someone changed me.

Naging maingay ako at maloko. Lahat ng maisip sinasabi.

My personality should not be hated though... this is my only way to protect myself from giving other people the satisfaction of seeing me get hurt. May mga tao lang talaga na palabiro pero sa totoo lang may dinadamdam na sila. Minsan kasi dinadaan na lang sa ngiti at tawa ng isang tao para maitago na nasasaktan siya.

"Tabi tayo rito?" panginis na tanong ko kay Mikka. "Kumandong ka na lang?" alok ko pa at kulang na lang makita ko ng literal ang pagusok ng ilong niya. It's funny to tease her kasi ang cute lang niya mainis. Kaya nga siguro siya madalas asarin ni Kailer dahil doon. Litaw na litaw ang kanyang cheekbones. Asset ata ito ng isang Villaroel.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now