Chapter 56

208 5 0
                                    

Chapter 56 || Sydney's Confession

Cyrish's POV

Felix wants me to be with him in his new project. But that also means I need to have more interaction with Sir George.

Kakayanin ko ba? Nagsisimula pa lang akong sanayin ang sarili ko sa presensya niya at ngayon pa lang, alam kong hindi na madali ang binabalak ko. Pero ang makasama siya sa isang proyekto? That's the worst nightmare!

But I can't decline the offer. Alam kong malaking bagay ito para kay Felix at ang makasama ako sa puntong 'to ng kanyang buhay ay alam kong mahalaga para sa kanya. How can I just refuse without even trying? Baka naman pag sinubukan ko ay makayanan ko...

But the mere thought of being in close distance with Sir George already makes me vomit.

"Please?" pagsusumamo niya.

"Okay..." I whispered. Kahit ako ay hindi makapaniwala sa sinabi ko. Akap-akap pa rin niya ako at namamangha pa rin ako na magkasama kaming muli ngayon. Ang tagal kong inilayo ang sarili ko kaya masaya akong nakaya ko nang harapin si Felix ngayon.

"Yes! Then start working tomorrow. Ayos lang ba?" I saw his excitement and slowly nodded in return.

Masaya akong makita siyang ganito. Kapag naiisip ko kasi kung ano ang itsura niya noong nakita niyang halos patayin ko ang sarili ko ay ako ang mas nalulungkot. The least thing I could do for him is to stay by his side.

Pagkatapos namin magkamustahan ay dinala niya ako sa paborito niyang restaurant para kumain ng hapunan. Dito ay mas humaba pa ang paguusap namin. Nakakataba ng puso ang ganitong estado ng aming relasyon. 'Yung para bang sa sobrang tibay ay wala nang maaaring makasira?

Pilit ko munang inalis ang kahit na anong bumabagabag sa isip ko para ma-enjoy ko ang sandaling 'to. Sana dito na lang kami. Sana tumigil na lang ang oras ngayon. Kasi masaya ako. Hindi ko ipagpapalit ang bawat segundo ko kasama si Felix sa kahit ano man.

I was about to consider this as a perfect night but when we arrived at his condo to have a cup of coffee, my hope got shattered into pieces.

Sydney?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. She's sitting on the floor, just outside the door of his unit. She looks so wasted while holding a bottle of wine. Tingin ko nga ay hindi niya napansin ang pagdating namin ni Felix.

Tanda ko pa noong makita kong magkayakap sila ni Felix sa ospital. Ngayon naman ay nandito siya sa condo ng boyfriend ko? Ilang beses na ba siyang nakapunta rito?! Ang lakas ng loob niyang magpakita!

I clenched my jaw. Gusto ko siyang sugurin, sumbatan at saktan. Mainit talaga ang dugo ko sa kanya!

Ngunit bago pa ako sumabog sa galit ay nilapitan na ni Felix si Sydney. Sa harapan ko ay nakita kong inakap na naman ni Sydney si Felix! Gusto kong magmura kung hindi lang siya humagulgol. She's not even aware that I am here! Nandito ang girlfriend ng lalaking nilalandi niya!

"He did it again!" She cried on top of her lungs. Palagay ko'y lalabasin na kami ng ibang tenant ng condominium dahil sa pageeskandalo niya. Ano bang sinasabi niya ngayon?

"Tungkol ba saan 'to? Lasing ka.." seryosong sinabi ni Felix. Mukhang kagaya ko ay wala rin siyang alam sa sinasabi ni Sydney. She's crazy!

"Si Sir George..." Hindi niya maituloy ang kanyang sinasabi pero kinilabutan na agad ako. Mukhang may ideya na ako sa gusto niyang sabihin at wala akong lakas na marinig pa ito mula sa kanya.

Niyakap pa niya nang mas mahigpit si Felix at para bang takot na takot.

Gustuhin ko mang takasan ang kanyang nais sabihin kay Felix ay narinig ko ang lahat. "I got the investment for you without knowing that he wants something from me!" Naestatwa ako.

"Akala ko isang beses lang kaya hinayaan ko na sana para 'di na lumaki pero naulit pa rin nang naulit! Wala akong magawa dahil malaking investor namin siya! Ousting him means suicide to our company!" Nanginig ako sa kanyang sinabi. Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi ko na rin namalayan ang pagbuhos ng luha ko dahil sa pagbalik sa akin ng nakaraan.

Bago pa man ako makita ni Felix ay nagmadali na ako paalis. Hindi ako pwedeng makita ni Felix dahil tatanungin niya ako tungkol dito. Syempre at magtataka soya kung bakit sobra ang reaksyon ko sa sitwasyon ni Sydney gayong 'di ko naman ito kasundo. And then I have to lie which I really don't want to do. Pagdating sa bagay na 'to ay mahirap magsinungaling. Lalo na at sa itsura ko  pa lang ay masasalamin na ang katotohanan.

Nanatili ako sa convenience store malapit sa bahay namin. Kailangan ko munang kalmahin ang sarili at itigil ang pag-iyak ko. Oo at hindi ko namalayan ang pagbuhos ng luha ko.

Baka usisain na naman ako ng mga tao sa bahay at ayaw kong mangyari 'yon. Wala akong gustong kausapin ngayon. Kailangan ko lang ng katahimikan.

Inilabas ko ang phone ko at nakita na ilang tawag at text ang ginawa ni Felix. He's that desperate to talk to me. Oo nga naman at bigla na lang akong nawala...

I decided to text him that something urgent came up at home. Sinabi ko na kinailangan kong umuwi nang hindi nagpapaalam dahil dito. Hindi na ako tumawag pa dahil baka marinig lamang niya ang paghagulgol ko.

And then I became silent. All alone. Maybe this is what it feels like protecting someone you love. Dahil dati ay palagi akong nananakit ng ibang tao. Dati ay hindi ako naniniwala sa pag-ibig.

Ngayong ako na mismo ang nagmamahal, gusto kong gawin ang lahat para maprotektahan siya. I want to save him from ruining his dream - for his parents and their company. Gaya ng sinabi ni Sydney, wala siyang magawa dahil malaking investor nila si Sir George. Alam kong oras na malaman ni Felix ang nakaraan namin ni Sir George ay hindi siya magdadalawang isip na putulin ang ano mang koneksyon nila. Then that would mean they'll lose a big opportunity and I don't want that to happen just because of me.

Kailangan kong kalimutan ang lahat para sa lalaking mahal ko. Kahit mahirap ay handa akong gawin iyon. Kahit pa ibig sabihin ay kailangan kong makatrabaho ang lalaking dahilan ng pagiging wasak ng pagkatao ko.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now