Chapter 59

212 9 0
                                    

Chapter 59 || A Glimpse of the Past

Felix's POV

"Pero nagpunta po sa opisina niyo si Sir George..." agad kumunot ang noo ko sa narinig mula sa sekretaryang kaharap ko. Noong una ay hindi pa niya ako napansin dahil may kausap siya sa telepono. I had to wait for a few minutes before I was informed of the whereabouts of his boss.

"Ang sabi niya rito kami mag meeting," paglilinaw ko pa. Did I just waste my time going to his office? Napahawak ako sa aking sentido dahil sa labis na pagkadismaya.

"Tatawagan po muna namin siya. Maupo muna kayo sa loob," Natigilan ako at napaisip imbes na pumasok sa kwarto na tinuturo ng sekretarya niya. Pakiramdam ko'y nabastos ako sa nalaman.

Ngunit para bang may mali. Imposible naman na nagkamali si Sir George ng pagkakaalam na ngayon ang meeting namin sa kanyang opisina.  Malinaw ang usapan namin. Sinigurado ko pa na pareho kami ng pagkakaintindi.

At ngayon ay nasa opisina ko siya?

Posible kayang...

Hindi ko na inintay pa na magsalita ang sekretarya niya at tumakbo na ako papunta sa parking lot. May iba akong kutob kaya babalik na ako sa opisina ko.

The anxiety building up inside me feels like hell. Kung pwede lang magteleport ay kanina ko pa ginawa.

Sinubukan kong tawagan si Cyrish pero mukhang gaya rati ay wala na namang charge ang kanyang phone. Hindi talaga siya nakikinig sa akin.

Ilang minuto pa ang kinailangan kong intayin bago ako nakarating sa harap ng building namin. Hinayaan ko na lang ang sasakyan ko sa harapan at patakbong pumasok sa loob.

"Goodmorning po Sir-" Nilagpasan ko lamang ang empleyadong nagsalita dahil sa pagmamadali. Wala na akong panahon pang pumansinbng kahit na sino.

Nang makita ko na matagal pa bago huminto sa ground ang elevator ay nagpunta na ako sa hagdanan. Mas malalaking hakbang ang ginawa ko. Wala na akong pakielam kung ilang palapag pa ang opisina ko.

Being on the right floor suddenly gave me hope. Patakbo ko nang nilagpasan ang lobby at nagtagpo pa ang tingin namin ng gulat kong sekretarya.

"Sir-"

"I knew then that you would grow like this," nagpanting ang tainga ko dahil sa narinig ko mula sa loob ng aking opisina. Nakahawak na kasi ako sa handle ng pintuan nang matigilan dahil dito.

"Sinong nasa loob?" mariin kong tanong kasabay ng pagigting ng aking panga. I saw a man waiting at the lobby and I've seen him before with...

I am thinking of someone but I don't want my guess to be right.

Niluwagan ko ang necktie na suot ko. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at kinakapos pa rin ako ng hininga dahil sa pagtakbo.

"Si Sir George po dumating tapos si Ms. Cyrish-" Binuksan ko na ang pinto nang banggitin ng sekretarya ko ang huling pangalan. Mas kinabahan ako at para bang binuhusan ng yelo.

Saktong bumangga sa akin si Cyrish. Hindi ko man alam ang nangyari, the look on her face already says something. Namumutla siya at para bang tuliro. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Cyrish at Sir George. Anong nangyari?

"Cyrish?" pagtawag ko sa kanya para mas maparamdam na ayos lang ang lahat ngayong kasama na niya ako.

"Saan ka galing?" nagtatakang tanong niya. Malamang ay nagulat din siya sa itsura ko ngayon. Sobrang hapong-hapo pa rin kasi ako. Ngayon ko naramdaman ang pagod.

"Akala ko sa opisina ni Sir George kami maguusap ngayon kaya roon ako galing," Hindi ako makampante dahil sa mangiyak-ngiyak si Cyrish sa harapan ko.

Matalim kong tiningnan si Sir George, "Bakit hindi kayo nagpasabi na rito na tayo maguusap?" Ikinuyom ko ang aking palad.

He looked at me as if there's something amusing with what I just asked. Mas nakaramdam ako ng init sa loob ko.

"Hindi ba nasabi ng assistant ko na rito na tayo? Pagsasabihan ko muna siya na gawin ng maayos ang trabaho niya. Pasensya na Mr. Sarmiento," Halatang nadismaya rin siya sa pagdating ko kaya naman ngayon ay iniwan na lang niya kami ni Cyrish.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Cyrish pagkasarang-pagkasara ng pinto pero parang wala siya sa sarili. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang braso pero wala siyang reaksyon kaya inakap ko na siya. Wala naman sigurong ginawa si Sir George sa kanya 'di ba? Sana nga ay hindi ako nahuli at walang nangyaring masama sa kanya.

Natatakot ako ngayon.

Bumalik bigla sa isip ko ang sinabi ni Sydney at kung nagawa ito ni Sir George sa kanya, alam kong kaya niya rin itong gawin kay Cyrish kaya mas dapat ko itong protektahan. Ngayon pa lang na pakiramdam ko ay may ginawa siyang masama, gusto ko na siyang ipakulong.

"May nangyari ba sayo?" tanong naman ni Cyrish. I guess we really care about each other. Mas lumalim na ang relasyon namin kung ikukumpara sa dati.

Umiling lamang ako at pareho naming pinakalma ang isa't isa.

Pinalipas namin ni Cyrish ang maghapon nang magkasama. Imbes na manatili sa opisina ay nagdesisyon akong ilabas na lamang siya. Mas pinili niyang dalhin ko na lamang siya sa parke malapit sa bahay nila.

Noong una ay walang nagsasalita sa amin. Iniisip ko pa rin kasi ang sinabi ni Sir George dahil para bang matagal na silang magkakilala ni Cyrish.

Napatingin ako kay Cyrish na tahimik lang na nakahiga sa loob ng slide. Ano kaya ang iniisip niya ngayon?

"Hindi ka ba nagugutom?" tanong ko dahil lagpas na rin ang oras para magtanghalian.

Dito siya bumangon at nang magtagpo ang mga mata namin ay nakangiti na siyang muli. "Saan tayo kakain?" I know she's trying to cheer up pero hindi niya kayang itago sa akin ang tunay niyang nararamdaman.

Nagdesisyon kaming magpunta sa malapit na karinderya dahil ito ang gusto niyang kainan. Inaya ko siya sa mamahaling lugar pero na-miss daw niya ang lutong bahay dito. Kapag kasi wala ang mga magulang niya o katulong ay dito siya kumakain.

Bawat ulam ay inorder niya. Masaya naman akong makita siyang ganito kaysa malungkot.

Hinayaan kong kumain siya ng marami at nang makitang tumigil na siya at uminom na nang tubig ay doon ako bumwelo.

"Kailan kayo unang nagkakilala ni Sir George?" Namutla siya sa tanong ko. Agad kong pinagsisihan na nagtanong pa ako lalo na at uminom siyang muli ng tubig. Dapat ba ay hindi ko na 'to inungkat pa?

"Matagal na rin 'yon. 'Di ko na t-tanda eh," She stuttered and I guess that's not a good sign. "Halika na, kailangan ko pa lang umuwi ng maaga ngayon sabi nila mama," She lied. Wala naman akong nagawa kung hindi sundin na lamang ang gusto niya.

Hinatid ko si Cyrish sa kanilang bahay at wala nang inungkat pang iba.

"Magingat ka pauwi ah," sabi ni Cyrish ngunit bago niya isarado ang pinto ay hinigit ko siya palapit sa akin.

I kissed her as if it was our first. Nakapikit ang mga mata ko ngunit nang tingnan ko siya ay panay ang pag-agos ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.

I cupped her face with both hands and slowly caressed her cheeks. Pinunasan ko ang kanyang basang pisngi at dahan-dahan siyang hinalikan. Gusto kong maiparamdam kung gaano ko siya kamahal.

Kung hindi handa si Cyrish na sabihin sa akin ang koneksyon niya kay Sir George, hahanap ako ng ibang paraan para malaman. That's the only way I can be at peace - in that way... I can properly protect her.

Nakita kong pumasok si Cyrish sa loob ng kanilang bahay. Dumiretso naman ako sa aking sasakyan at agad na nagmaneho pabalik sa opisina.

I dialed a number in my phone.

"Hello?" bungad ko nang sumagot sa tawag ko ang kabilang linya. "I want you to investigate something for me. Let's meet," I ended the call. Mariin ang pagkakahawak ko sa manibela at mas binilisan ko ang pagmamaneho.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon