Chapter 21

408 11 0
                                    

Chapter 21 || Get Her Back

Sa lahat ng mambaba ng nobelang ito, patawad sa hindi pagpapatuloy nito kaagad. Sana maintindihan niyo na sa labas ng wattpad ay may buhay din akong dapat asikasuhin kagaya niyo :'). Pero huwag po kayong mabahala sapagkat itutuloy ko ang mga istorya na ginagawa ko lalo na ito pero pagpasensyahan niyo na talaga kung may katagalan :') Muli, nagpapasalamat ako sa pangunawa niyo.

Felix's POV

"What? Sino siya?"

Naabutan kong nakahawak si Kailer sa braso ni Cyrish. Nanduon din si Renzel. Natagalan ako ng dating dahil sa nakasalubong ko ang parents ni Mikka. Nalaman ko mula sa kanila ang tungkol kay Mikka at Kailer.

May nangyari pala sa dalawa at magkakaanak na rin sila. Nalaman ko na pinlano pala talaga ni Mikka na paghiwalayin si Kailer at Cyrish dahil sa alam nito na playgirl ang kanyang pinsan at ayaw niyang masaktan si Kailer na mahal na mahal niya. May alam si Tita at Tito dahil open sa kanila si Mikka.

Nagulat ako sa bilis ng pangyayari pero mukhang kahit na ganun na ang sitwasyon ng dalawa ay nagagawa pa rin ni Kailer na maniwala sa kasinungalingang ginawa niya mismo. He's not really in love with Cyrish. Mas napatunayan ko 'yan nang iwanan niya si Cyrish para habulin si Mikka kagabi. I saw how desperate he looked when he saw how hurt Mikka was.

Now Mikka is in the hospital next to this coffee shop kaya pala nandito rin si Kailer. She almost had an accident but then thanks to someone, that didn't happen. Gusto kong magpasalamat sa kung sino man ang nagligtas sa kaibigan ko. Ngayon ay dadalawin pa lang nila ito. Hindi ko rin naman magawang dumalaaw dahil sa alam kong hindi nito magugustuhang makita ako.

"Is it true that you're cheating?" Gusto kong matawa sa tanong ni Kailer kay Cyrish. Alam kong nasabi na ito ni Mikka sa kanya pero hindi niya pinaniwalaan. Wala siyang alam. Parang ako noon. Pero ang pinagkaiba namin, I didn't look at Cyrish with resentment. Mas minahal ko siya dahil sa alam ko ang totoong pinanggagalingan ng galit niya sa mga lalaki kaya niya ginagawa iyon. Nakatitig lang ako kay Cyrish nang mapatingin siya sa akin.

"Boyfriend ko." Nung una nabigla ako pero nakita ko sa mga mata ni Cyrish na wala itong katotohanan. She really can't lie at ngayon ko 'yon mas napapatunayan. Renzel is obviously not her boyfriend. She doesn't do that thing.

"Pero Cyrish ako ang-"

"You love me right? Then just accept the fact that it's not only you who can love me!" Sa pagputol niya kay Kailer ay napatingin na ang mga ibang customer sa kanilang dalawa. Mukhang nililinaw na niya kay Kailer kung sino siya. Na hindi siya pwedeng maangkin ng kahit na sino.

Kung noon ay ganito na lang ang ginawa niya, mas naging okay kaya kami? Bakit kasi kinailangan pa niyang planuhin na makagawa ako ng pagkakamli para lang maghiwalay kami? Dapat naging tapat na lang siya...

Nasasaktan si Cyrish sa higpit ng hawak ni Kailer sa braso niya pero wala akong ginawa dahil sa pagiling ni Cyrish sa akin. Tsk. Wag siyang magkakamaling saktan si Cyrish dahil hindi ko 'yon mapapalampas.

"Why do you have to do this to me?"

"Iwanan mo na rin ako! I don't need you! I don't need anyone! Stop loving me!"

Bakit kailangan niyang magpanggap na malakas? Bakit ba hindi niya kayang magpakatotoo sa nararamdaman niya? Bakit hindi niya kayang pagkatiwalaan ako?

Well if she's saying the truth, I'll tell her I am the one who needs her and I am the one who's madly in love with her.

Walang makakapagpabago ng nararamdaman ko para sa kanya. Nang gumaling ang mga sugat na binigay niya sa akin noon, naging peklat iyon. Peklat na hindi na maaalis sa balat ko. Parang siya. Sa pagdating niya sa buhay ko, hindi siya pwedeng umalis na lang na parang walang nangyari. Hindi na kaya ng sistema ko na wala siya.

Hinabol ko si Cyrish nang tumakbo siya palabas ng coffee shop. Hindi ako napansin ni Kailer dahil sa naguumapaw na emosyon niya. Akala ko nga mahahabol ko si Cyrish e pero mabilis siyang nakasakay ng taxi. Umandar na ito bago ko pa mapigilan. Dammit! Nagmadali ako sa pagsakay sa kotse ko para masundan siya kung saan man niya balak magpunta.

Mabuti nga at alam ko kung saan nakatira si Renzel e. Pinaimbistigahan ko kasi siya matapos naming magkitang muli bago ako umalis papuntang Amerika. Kaya nang makita kong sumama si Cyrish sa kanya ay agad akong nagpunta sa bahay nito. Kaso umalis din sila at napadpad nga sa coffee shop.

Itong si Kailer naman ay nagtungo sa ibang direksyon at hindi na sinundan pa si Cyrish.

One thing I realized in this long chase to get Cyrish back is that she's so afraid. She's afraid to take risks, trust, fall in love and get hurt.

Her past built that fear.

Huminto ang taxi na sinasakyan niya sa harap ng isang bar. Mabilis na bumaba si Cyrish at dahil medyo nagulat pa ako ay nahuli ako sa pagbaba. Natagalan din kasi ako sa pagpa-park kaya halos hindi na ako makahinga sa kaba sa maaari niyang gawin.

Nang makapasok ako sa loob ay nakita ko si Cyrish na nagsasayaw na. Ang aga-aga pero mukhang mga lasing na ang mga tao rito. Nagngingitngit na naman ako sa galit lalo na nang may mga lalaking humahawak na sa kanya. She's drunk already? Hindi na kasi siya makatayo ng diretso.Tss. Mas naging vulnerable siya sa mga mata ng mga maladyablong nagsasayaw malapit sa kanya.

Mabilis akong naglakad palapit kay Cyrish at hinila ko na siya paalis doon kahit na pilit niya akong pinapabitaw. Hindi ko na balak hayaan pa siya sa mga kalokohan niya.

Whatever her reason is, if what she's doing ruins herself, I will not allow that. It breaks my heart to see her in pain. Always in pain.

Nabitawan ko siya sa pagkagat niya sa kamay ko. "Ah!" I shouted. Masakit siyang mangagat! Pakiramdam ko bumaon talaga ang mga ngipin niya!

Nasa loob pa rin kami ng bar pero nawala sa paningin ng maraming tao. Medyo mahina rin sa kinatatayuan namin ang tugtog kaya rinig ko siya.

"Ano ba?!" sigaw niya pero inakap ko na siya agad ng mahigpit. Tinulak niya ako ng tinulak. Hinampas din ng hinampas. Namanhid na ata ako dahil sa wala akong maramdaman kahit na anong gawin niya. Ayoko lang na nakikita siyang ganito... Nahihirapan at sobrang nasasaktan. "Just go! Leave me! I don't need you! F*ck off!" She screamed on top of her lungs. Hinaplos ko ang buhok niya para kumalma siya at bumulong.

"But I need you... I love you."

"Dammit!" Isang malakas na pagtulak ang pinakawalan niya pero imbes na lumayo ay hinawakan ko ulit siya at maingat na hinila palabas ng bar.


The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now