Chapter 26

408 8 2
                                    

Chapter 26 || Why We Broke Up

Cyrish's POV

"What do you mean?" 

Okay sige napakanta pa tuloy ako tss. 

Pero seryoso, anong ibig sabihin ni Felix? Anong alam niya?

"I know what you did on your birthday." Nang sabihin niya 'yon ay nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya. Tumalikod siya at naglakad palayo. Wala akong nasabi pabalik. Hindi ko man lang siya pinigilan o hinabol. 

Kung totoong alam naman pala niya ang plano ko, bakit siya nahulog sa bitag ko? Sinasabi lang kaya niya 'to dahil sa gusto niyang mapatawad ko siya? Gusto niyang maging kami ulit kaya pinapamukha niya sa akin ngayon na wala siyang kasalanan?

Hindi ko alam ugh. Basta pumasok na lang ulit ako sa loob ng bahay at naabutan ko ang mga magulang ko na nagiintay sa akin sa may sala. Hindi ko na lang sana sila papansinin at aakyat na pero narinig ko ang boses ni Mommy.

"Rish, can we talk?" Dahil sa balak ko na ngang magpatawad ay naramdaman ko ang paglambot ng puso ko sa boses ni Mommy. Naglakad ako papunta sa kanila at naupo. Hindi ko nagawang tumingin sa kanila. Sa ibang direksyon ko itinuon ang mga mata ko.

"We're so sorry for everything. For not giving you the attention that you need. For being so busy... For not being the best parents for you." sabi ni Daddy at gusto kong maiyak. Gustong-gusto kong umiyak at yakapin sila pareho pero pinigilan ko ang sarili ko. The Cyrish I know won't shed tears.

"Kalimutan niyo na po 'yon, sanay na ako." I think my voice seemed to be mad. "Basta po gawin niyo lang ang tingin niyong dapat niyong gawin. I'll be fine on my own."

"Rish, we'll try our best to-"

"You don't have to. Just be happy with your lives. I said I'll be fine on my own." sabi ko na medyo mas matigas at tumayo na. Forgiving people who've hurt you so much is so hard than what I've imagined. But then at least this is the start right?

Lumapit ako sa parents ko at inakap sila pareho. "I still have to find and forgive myself." sabi ko at dito na bumuhos ang luha ko. Because more than everything, I think finding myself is irreversible.

***

Pagkagising ko kinabukasan ay agad akong tumawag sa numero ni Mikka pero gaya ng inaasahan ay hindi na ito ma-contact. Wala na nga siguro siya talaga sa bansa. Nakakahiya naman na pumunta sa kanila dahil sa alam ko ang mga ginawa kong kasalanan. Gusto ko sanang humingi ng tawad pero mukhang iintayin ko pa na makabalik siya. I wonder kung sino ang kasama niya at kung ayos lang ba siya.

Bumangon na ako at agad na naligo. Kailangan ko munang ipahinga ang sarili ko kaya balak kong mamasyal mag-isa. Pagkatapos ng araw na 'to, sisimulan ko nang buuin ang bagong Cyrish Villaroel. If finding myself is impossible, I'll build a new one.

Nang matapos ako sa mga dapat kong gawin ay bumaba na ako. Nakasuot ako lang ako ng plain black v-neck shirt, jeans at white sneakers dahil ayokong maging kapansin-pansin.

Nakakita ako ng pagkain sa may dining area at nakakita rin ako ng papel. Binasa ko kung anong nakasulat doon at napangiti ako.

"Eat this Rish, stay healthy." 

Sulat iyon ng parents ko. Mabuti naman at hindi ko sila nakita ngayon. I'll just find it fake if ever they do that starting this day. Mas gusto ko syempre na maging kagaya pa rin sila noon but of course this time, I want to know that they do know I exist and that they think of me as their child.

Kahit na ganito kaliit na bagay ay sapat na para mapasaya ako.

Lumabas na ako ng bahay at bahagyang napaatras dahil sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya ng ganito kaaga sa harap ng bahay ko.

"Goodmorning Miss!" Pinagkrus ko ang braso ko at tiningnan ng masama si Felix.

"What are you doing here?" mataray na tanong ko.

"Kilala mo ako Miss? Ako nga pala si Felix James Sarmiento. Hindi ako rito nakatira, nadaan lang at napahinto sa ganda mo Miss. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Gusto kong matawa sa kabaliwan ni Felix pero hindi ko ginawa. Sinakyan ko na lang ang gusto niyang mangyari.

"Cyrish Villaroel. Sorry pero I don't talk to strangers." Inirapan ko siya at nilagpasan. Narinig ko ang parang musikang pagtawa niya sa likod ko. That sounds so masculine...

"Saan ka pupunta Cyrish? Pwede ba akong sumama?" Nakasunod na si Felix sa akin ngayon at nakalapit na kami sa kotse ko.

"Sure. 'Yun e kung kakayanin mo." sabi ko at agad na sumakay sa loob ng kotse ko. I hide my smirk.

***

"AHHHHHH!!! Cyrish sige na o, love naman kita-AHHH!!!" Tawa ako ng tawa dahil kay Felix. Haha sobra ang kapit niya  sa upuan ngayon dahil napakabilis ng pagmamaneho ko. Ipagdasal niya na magkaroon ng traffic dahil talagang ganito ako magmaneho. 'Yung tipong parang may karera.

"Kaya pa o suko ka na? I can stop and then go on your own. You really don't have to be here." sabi ko na kunwari seryoso pero deep inside hindi naman talaga. I find this situation ridiculous in a good way.

"KAYA PA!" masuka-sukang sagot niya. Muntikan na akong humalakhak.

Malapit na naman kami sa mall kaya hindi ko na binilisan ang takbo. Narinig ko ang mabilis na paghahabol niya ng kanyang hininga. Talaga palang nahirapan ang loko. I thought he was just joking.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko nang huminto na kami at bumaba ng kotse. Medyo gegewang-gewang kasi siyang maglakad. 'Yung parang mahipan lang ng hangin e tutumba na.

Umiling siya at nagpunas ng pawis sa noo gamit ang panyong hinugot niya mula sa kanyang bulsa. Hindi ko alam pero nagalala naman ako bigla sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at nabigla nang ilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko. "Kiss mo muna ako." sabi niya at ayun hinampas ko ng handbag ko kaya napaaray. Baliw na talaga siya tss. Ang kapal lang ah.

Naglakad ako ng mabilis papuntang elevator dahil nandito kami sa parking lot ngayon.

Talagang balak niyang sumama dahil sumunod pa siya sa akin hanggang sa loob ng mall. Huminto ako at hinarap siya.

"What are you planning to do Mr. Felix James Sarmiento? We just met today at ang feelingero mo na." I crossed my arms again and opened my eyes widely.

"Make you mine Ms. Cyrish Villaroel." At sa pagkindat niya, parang may kuryenteng biglang dumaloy sa loob ko. He's the only one who can make me feel this way... kaya hindi nakapagtatakang siya lang din ang taong kayang makasakit sa akin ng sobra.

"I doubt that can happen." I rolled my eyes.

"Why?" Kumunot ang noo niya.

"I can't be owned by anyone." I turned around. Mas mabuti na ang malinaw.

Naramdaman ko pagpatong ng kamay niya sa may balikat ko.

"Then own me."


The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon