Chapter 48

249 7 2
                                    

Chapter 48 || Kiss Him

Cyrish's POV

Ngayong gabi na ang company dinner nila Felix. Hindi ko alam kung bakit sa unang pagkakataon ay hindi ako confident sa sarili ko. Ginawa ko na naman ang lahat para magmukhang disente. I even wore a long gown that is out of my taste. Kulay light pink ito at off shoulder. Nakakamanang. So like my other cousins. Hinayaan kong nakataas ang buhok ko habang may ilang hibla na nakabagsak.

I am not sure right now if I really look okay kaya naman hindi ako makangiti nang pagbuksan ko na ng pinto si Felix. Hindi ko alam if dapat ko bang tingnan ng negatibo ito pero...

Isang hindi ko kilalang lalaki ang nasa harap ko ngayon. "Ms. Cyrish? Pinasusundo ka ni Sir Felix," sabi pa nito. Sumunod na lang ako kaysa magdamdam pa. Akala ko kasi si Felix ang susundo sa akin gayong nagiging malapit na kami muli sa isa't isa. Pagkasakay ko sa likod ng sasakyan ay napatingin ako sa bintana. Kadidilim pa lang pero parang may kakaibang lungkot nang hatid ang dilim na 'to.

Akala ko naman kasi si Felix ang makakasama ko para kuhanan ng lakas ng loob pero hindi ko inasahang kahit siya ang nagimbita sa akin ay hindi niya ako susunduin.

Siguro ilang oras ang tagal nang byahe... o baka naman bumagal lang ang oras. Pero hindi ko namalayang nakahinto na pala ang sasakyan. Kung hindi pa nagsalita 'yung driver ay hindi ako bababa.

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto at naglakad papasok ng building nila Felix. Ito rin ang lugar kung saan ako pinagtabuyan ng mga magulang niya kaya may kirot akong naramdaman sa loob ko. Hindi ko inasahang tutungtong ulit ako rito... kahit wala ang mga magulang ni Felix ay nangliliit pa rin ako sa aking sarili.

Ikaw ba talaga ito Cyrish? You lost your confidence. It's not like you. What have you done to yourself?

Nakatingin ang mga ibang tao sa akin lalo na ang mga empleyado. I hate them for staring too much. I'm already losing so much of my confidence... Hindi nakakatulong ang mga tingin nila. Baka may iba nga sa kanilang humuhusga na sa akin eh. 

Tumingin ako sa paligid. Nagpalinga-linga rin ako. Hindi ko makita si Felix kaya naman nagtuloy-tuloy na ako papunta sa hall ng kumpanya nila kung nasaan ang party. Nakita ko rin naman na dito papunta ang mga taong nakaformal attire gaya ko.

Huminga pa ako nang mas malalim bago ako tumuloy sa loob. Doon ay mas maraming mata ang nakatingin sa akin. Sinuyod ng mga mata ko ang paligid pero hindi ko pa rin makita si Felix kaya naupo na lang ako sa isang bakanteng lamesa sa bandang gilid.

May nagabot sa akin ng wine na agad kong kinuha. Pagkainom ko ng kaunti ay kinalkal ko na lang ang phone ko upang hindi mainip at hindi mailang sa ibang tao.

I have updates about Mikka... she's doing great abroad and I am genuinely happy for her. Gusto ko pa rin na sana pagbalik niya ay maging ayos pa rin sila ni Kailer kaya lang hindi ko alam kung posible pa. Kahit ako ang maging tulay sa kanila ay payag ako para maayos ko lang kung ano ang nasira ko. Sana lang ay hindi pa talaga huli ang lahat.

I was about to check on my photos when a voice interrupted me. "Hindi ka na dapat nagpunta rito," boses ng matandang babae ang narinig ko. Tumayo ang buhok ko sa batok. Kilala ko na agad kung sino ito at nakaramdam ako ng labis na pagaalala. 

Pagangat ko ng ulo ay nakita kong Mommy ito ni Felix. Katabi niya ang isang magandang babae na palagay ko ay nakita ko na noon ngunit dahil sa mga kulorete sa mukha ay hindi ko pa makilala. Why is she so familiar?

"She's his fiance," nagulat ako sa sunod na sinabi ni Mrs. Sarmiento. "Kaya ang kapal din naman ng mukha mo na magpunta pa rito."

May kirot sa loob ko na hindi maalis-alis. Nanuyo rin ang aking lalamunan. Nasaan na ba si Felix at hinahayaan niyang gawin sa akin 'to ng nanay niya? In the first place ay siya naman ang nagimbita sa akin dito eh. Para akong naiwanan sa ring para mabugbog. 

Nagulat ako nang may dumaang waiter at natapunan ang damit ko ng red wine. Sh*t. Why?! Para akong basang sisiw ngayon...

"Guards!" tawag ni Mrs. Sarmiento sa kanyang mga tauhan and I had the urge to speak. Nanginginig ang kalamnan ko sa sobang inis at galit. 

Huminga ako ng malalim, "Alam ko po na hindi niyo ako gusto para kay Felix. Pero hindi pa rin sapat na dahilan iyon para ganito niyo ako tratuhin."

Pumikit ako ng mariin bago nagpatuloy. I can feel everyone staring dahil sa lakas ng boses ko. Nanginginig din ako sa mga oras na ito.

"I am in love with your son... and if you want me gone then talk to him about it. I've lost him before and I am not letting that happen again just because of the people around us," napasinghap ako dahil sa hindi ko na alam kung saang kamay ako hihingi ng tulong sa mga oras na ito.

Bago pa man ako paalisin ng kanilang mga tauhan ay ako na mismo ang tumalikod at naglakad palabas ng hall. Pinagdasal ko na wag akong matapilok because that's the last thing I want to happen tonight. Sana pala ay hindi na lang ako nagpunta. 

Nakasalubong ko sa harap ng building si Felix pero masyado akong nasaktan para harapin siya. Gusto kong huminga. Gusto kong lumayo!

"Cy-"

Nilagpasan ko siya at patakbong nagpunta sa kalsada para makahanap ng taxi. Gusto ko nang umuwi at magkulong sa bahay. Gusto ko nang makawala sa sumpa na 'to! Bakit ba kasi kailangan pang mangyari sa amin 'to? Bakit?!

Naramdaman ko ang paghawak sa braso ko ng kung sino. It's him I know. 

"What happened?" tanong nito at nang tingnan ko ay malalim na tingin ang pinukol niya sa akin. Pilit niyang binabasa ang aking isip pero wala akong paliwanag na kayang ibigay ngayon.

Agad na bumuhos ang luha ko. Pagod na pagod na kasi ako.... minsan na nga lang ako magmahal ng totoo ay ganito pa kasakit. Gusto ko na lang sumuko pero bakit parang mas mahirap iyon?

Kinulong niya ang mukha ko sa kanyang palad, "Tell  me what's wrong..." marahan niya itong sinabi habang pilit akong tinatahan. Pinapalis niya ang aking luha. 

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at hinarap siya. 

"Mahal kita!" sigaw ko. Sobrang lakas na parang sasabog ang puso ko ngayon. "Mahal kita Felix!" inulit ko pa para matauhan siya! 

Nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Namumugto na ito at para bang may nagbabadya ring luha. I know deep inside him, nanduon ang lalaking mahal ko. Nanduon siya na hindi nakalimot sa akin. Umigting ang kanyang panga. 

"Mahal kita at sobrang sakit dito!" tinuro ko ang dibdib ko. Hinampas ko ito ng ilang ulit as if I'm expecting it to forget as well pero pinigilan niya ako at niyakap nang mahigpit. 

"Stop Cyrish!" I can't stop! I can't stop loving him! I've waited for him!

Wala siyang sinabi sa akin pero mas humigpit lang ang yakap niya. I want to hear what he has in mind pero nanghina ako sa yakap niya. Ayoko nang kumalas pa rito. Ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko.  

"Hindi kita maalala Cyrish... pero ramdam ko rin dito," bumitiw siya at tiningnan ko. Gamit ang aking kamay ay itinapat niya iyon sa kanyang dibdib. Hindi ko alam kung sa kanya ba iyon o sa akin pero mabilis ang tibok nito. 

May mga sasakyang dumadaan, may mga humihinto pero nagpapatuloy din sa byahe. 

"Ramdam ko na mahal na mahal kita..." Nawala ang distansya namin, "Mahal na mahal kita at ayaw kong nakikita kang nasasaktan." Tumigil ako sa paghinga dahil sa narinig ko mula sa kanya. I was not expecting that at all. 

Pumikit ako nang dumampi ang lambot ng kanyang labi sa akin. Nagulat ako sa kanyang halilk. Para akong nalulunod sa bawat galaw nito. Mabagal ngunit naging mapusok din. Hinayaan ko siyang angkinin ang labi ko...

God knows how much I love him. Alam ko na hindi ako malinis na babae. I've done so many bad things but he changed me. I changed because I love him!

Naghiwalay lamang kami nang kinailangan na naming huminga. Dito ko nakita ang kanyang mga mata na puno ng luha. Dahan-dahan itong bumagsak sa gilid ng kanyang mga mata.

"Cyrish..." ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Nagtaka ako dahil nagiba ang kanyang reaksyon.

"I've missed you so much..." 

Bumalik na ba ang memorya niya? It was as if we finally broke the curse in our love story.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now