Chapter 65

240 7 0
                                    

Chapter 65 || Not Fated?

Felix' POV

Nang matupok ko na ang apoy na sumira sa relasyon namin ni Cyrish ay agad akong nagpunta kung nasaan siya. Wala akong segundong sinayang dahil alam ko sa sarili kong takot na takot akong mawala siya.

I took a risk by not following her immediately. Alam ko rin kasing kailangan niya ng oras kaya kahit gaano ko kagustong sundan siya agad ay hindi ko muna ginawa. I want to respect her decision to be alone.

Ngunit ngayong alam kong nakagawa na ako ng paraan para maiayos ang lahat, pupuntahan ko na siya.

Iniwan ko ang lahat para lang mapuntahan si Cyrish at sabihin ang magandang balita na naipakulong ko na si Sir George.

Hindi ko alam kung maniniwala pa siya sa akin pero handa akong maghintay hanggang sa tanggapin niya akong muli. Gagawin ko ang lahat hanggang maghilom ang kanyang sugat.

Pero sa ngayon ay gusto ko munang makasama siya. Gusto kong manatili sa kanyang tabi gaya noon. Alam kong hindi magiging madali but I want her to know that she's not alone in this fight.

It is indeed ironic for someone like Cyrish to remain so strong for years despite  her past. Siguro ay napagod na siyang magkuwaring ayos lang siya.

My private investigator told me that she's staying at Kailer's resort. Kaya naman dali-dali akong nagpunta rito.

Pakiramdam ko ang ilang oras na byahe ay katumbas ng ilang taon. Parang ang haba ng byahe ko at hindi na ako mapakali. Hindi na ako nagabala pang huminto para magpahinga o kumain dahil ayaw kong may masayang na oras. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom sa totoo lang. Gusto ko lang, makita na si Cyrish.

Nakaranas ako ng traffic nang makarating na sa tollgate dahil sa mga bus na paluwas ata ng Maynila. Halos mapamura ako dahil sa hindi na talaga ako makapagintay.

Nang makalagpas ako sa tollgate ay nagtuloy-tuloy na ang byahe ko. Halos paliparin ko ang sasakyan ko hanggang sa makarating na nga ako sa resort.

Patakbo akong nagpunta sa loob at nang makarating sa isang receptionist na abala sa ibang bagay ay nagpatulong na ako sa paghahanap.

Dito ko nalaman na nakapag-check out na pala si Cyrish a few hours ago.

Bumagsak ang balikat ko sa nalaman. Paanong hindi kami nagtagpo? Bakit nahuli pa rin ako kahit ginawa ko na ang lahat para mapuntahan siya? Tinawagan ko ang private investigator ko para ipahanap siyang muli. I got mad that he did not take the initiative to update me about her whereabouts.

Dito pumasok ang kung anu-anong tanong sa isip ko. Mali ba ang naging desisyon kong humanap muna ng hustisya bago siya puntahan at ngayon ay nawala na naman siya sa akin?

Sa pagbabakasakaling nandito pa siya sa resort ay naglibot-libot ako. Ramdam ang magkahalong pagod at gutom ay nagpatuloy lamang ako sa paghahanap sa kanya. Ni hindi ko matawagan ang phone niya.

Panay text at tawag din ang natanggap ko mula sa opisina. Pero wala akong sinagot na kahit na ano dahil sa abala ako ngayon. Mas mahalagang mahanap ko si Cyrish.

Inabot na ako ng takipsilim at huli kong napuntahan ang kweba - na palagay ko'y puno't dulo ng lahat ng nangyayari sa amin ngayon.

Tahimik dito at agos ng dagat lamang ang naririnig. Dito ako bumuntong hininga ng ilang beses. I finally let out all of my frustration.

Hindi ko alam kung bakit pinagsasama kami ni Cyrish ng tadhana pero lagi ring pinaghihiwalay. Talaga bang pinaglalaruan kami nito?

Inihilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha at dito na bumuhos ang luha ko. Si Cyrish ang unang babaeng iniyakan ko. At ngayong posibleng mawala na naman siya sa akin, hindi ko mapigilang lumuha.

Hinayaan kong humupa ang naguumapaw na lungkot sa loob ko bago pinasadahan ng tingin ang kweba at nagdesisyon nang umalis.

Papunta sa parking area ay madadaanan ko ang lobby ng resort. Patakbo akong sinalubong ng receptionist na nakausap ko kanina.

"Sir! May pinapaabot po pala si Ms. Villaroel sa 'yo," sabi nito sabay abot sa akin ng puting papel na nakatupi ng isa.

Kinuha ko iyon, nagpasalamat, at tyaka sumakay sa kotse ko.

Kabado man ay binuksan ko pa rin ang papel na inabot sa akin.

Felix, if you're reading this I guess you've finally found me.

What took you so long?

Sa tanong niya ay nahampas ko ang manibela sa inis sa sarili ko. Mali nga sigurong inuna ko si Sir George. Sinisi ko ang sarili ko ng ilang beses bago nagpatuloy sa binabasa.

Umalis akong muli pero this time, I'm not sure if we'll meet again. Dahil wala akong balak na magpakita sa'yo. Lalayo ako. Pupunta ako kung saan hindi mo ako mahahanap.

Hindi ko alam kung ikaw ang hindi ko mapatawad o ang sarili ko Felix.

I think I'd rather choose to remain the girl you almost had...

Hindi Cyrish.

I'm not letting you go.

Pinapangako kong ito na ang huling beses na mangyayari 'to sa atin. Saan ka man magpunta, hahanapin kita. I will use all that I can to bring you back to me Cyrish.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin