Chapter 35

318 8 0
                                    

Chapter 35 || Who are you?

Felix's POV

Halos dalawang taon na rin ako rito sa America at ngayon ang araw ng pag-uwi ko sa Pilipinas. Ang sabi sa akin ng mga magulang ko, I had a terrible accident in the Philippines at dito nila ako dinala para magpagaling. Ngayong ayos na talaga ako ay balak ko nang tumulong sa negosyo namin sa Pilipinas.

"I guess I really can't change your mind." sabi ni Sydney sa akin at agad ko siyang inakap. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Gaya ng tingin ko kay Mikka, Dianne at Kailer. 

"I'm sorry-"

"Sorry na naman." Inilayo niya ako sa kanya. 

She rolled her eyes. Halatang nasaktan ko na naman siya. "Palagi na lang 'yan ang naririnig ko mula sa 'yo. Sorry. Puro Sorry. Fine, thank you for these 2 years na nakasama kita. Babalik na ako sa buhay ko." She bitterly said.

For the past 2 years, wala siyang ginawa kung hindi ang mahalin ako pero hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman niya. I never experienced falling in love and it just feels like she can never be my greatest love. Siguro kailangan kong bumalik sa Pilipinas, baka roon ko mabuo talaga ang sarili ko. Pagkagising ko kasi sa opsital 2 years ago, parang may kulang sa pagkatao ko na hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon.

***

Pagkabalik ko sa Pilipinas, nakibalita agad ako tungkol sa mga kaibigan ko. I found out that Mikka is still in France while both Kailer and Dianne already own a modeling agency. Huling balita ko kay Mikka at Kailer, hindi sila maayos. Sayang naman kung hindi sila magkakatuluyan dahil mukha namang mahal na mahal nila ang isa't isa. I wonder why they broke apart.

Inayos ko muna ang lahat sa bahay at pagkatapos ay balak kong pumunta sa KDC Models kung saan ko makikita ang mga kaibigan ko.

"Are you sure you'll be fine on your own?" tanong sa akin ni Mama at sinabi ko namang oo. Matanda na ako at kaya ko na ang sarili ko. Wala na rin naman akong nararamdamang masakit sa akin and maybe I'm really fully healed.

Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan ko papunta sa KDC Models. Kaya naman sila kabado ay dahil noong sinubukan kong magmaneho sa Amerika noon ay hindi ko ito magawa-gawa. Parang kusang takot ang katawan ko paghawak pa lang sa manibela. Kaya nga nagkaroon ako ng series of therapy para maiayos ko ito at mukhang wala na naman akong problema ngayon. 

I guess wala pa ring pinagbago ang Pilipinas. Mas uminit nga lang. 

I parked my car and immediately went inside of my friends' building. Sinalubong ako ng mga babaeng modelo siguro rito at panay ang hinto nila para tingnan ako. Of course, I smiled back at them because it's not as if someone will get mad if I do so. Ito na rin siguro ang kainaman ng pagiging single. I don't remember myself having a girlfriend at all.

Sa lahat ng nakasalubong ko, may isang babae na tumigil sa harapan ko. Nakakunot ang kanyang noo... sa akin? Napatingin ako sa magkabilang tabi ko at likod pero wala namang ibang tao. Sino ba siya at bakit ganito siya kung makatingin sa akin? Inisip kong mabuti pero hindi ko naman siya matandaan.

Nilagpasan ko na lang siya at sinalubong ko si Dianne nang makita ko ito. "Long time no see! Aba aba may ganitong business na kayo ni Kailer ah." sabi ko at lumapit ito para yakapin ako. Natatawa ko siyang niyakap pabalik.

"Ang tagal mong nawala ah!" sabi ni Dianne. Oo. Ang tagal naman talaga ng dalawang taon.

"Ano pa lang kahulugan ng KDC?" naisip kong itanong habang naglalakad kami papunta sa receiving area. Naupo naman kami sa isang couch. 

"Ano pa! Syempre Kailer, Dianne at Cyrish!" masayang sagot niya at kumaway siya sa likod ko. Nilingon ko naman kung sino 'yung kinakawayan niya at iyon pala 'yung babaeng masama ang tingin sa akin kanina. Magkakilala pala sila? Siguro dito rin siya nagtatrabaho. Ganuon pa rin ang mukha niya, matalim ang tingin sa akin. Sayang at maganda pa naman sana siya kaya nga lang mukhang may sira sa pagiisip.

"Cyrish?" nagsalubong ang kilay ko. "Sino naman siya?" Mahalaga ba ang babaeng 'yon at isa pa siya sa pangalan ng kumpanya nila?

Nakita ko ang gulat na reaksyon ni Dianne sa tanong ko. "Acting like I'm a stranger?" tanong nung babaeng nakalapit na sa amin ngayon. Tumayo siya sa tabi ko.

"Siya si Cyrish!" tinuro ito ni Dianne. Tumango ako. Siya pala ang Cyrish na tinutukoy niya. 

"Bago niyong kaibigan?" tanong ko at nagulat ako nang hilahin ako nung Cyrish palabas ng building. Ang higpit ng hawak nito sa akin. Dinala niya ako sa may parking lot kung saan walang tao. Kumawala naman ako sa hawak niya dahil sino ba siya sa akala niya? 

Nang tingnan ko siyang muli, nakita kong naluluha na siya. Naguguluhan na talaga ako sa kinikilos ng babaeng 'to. Baliw ba siya?

"Felix! Bakit ngayon ka lang bumalik ha?! Akala ko... akala ko hindi na kita makikita." Inakap niya ako ng mahigpit at wala akong nagawa kung hindi manatiling nakatayo.

"Ms. Cyrish. I'm sorry pero ngayon lang tayo nagkita." pagtatapat ko at kinalas ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinawakan ko siya sa magkabilang braso pagkatapos nang magkaharap na kami. "Sino ka nga ba ulit? Kaibigan ka nila Dianne at Kailer?" Binitawan ko siya at tumayo ako ng maayos.

Naglahad ako ng kamay. "Kaibigan din nila ako, I'm Felix James Sarmiento." Nang hindi niya tanggapin ang alok kong pakikipagkamay ay inilagay ko na lang ito sa aking bulsa. "Nagkakilala na ba tayo dati?"

"Are you f*cking kidding me Felix?" Kumunot ang noo ko nang gumamit pa siya ng foul word. 

"Mukha ba akong nagbibiro?" seryosong tanong ko at nagulat ako nang sampalin niya ako. Sumusobra na ang isang 'to ah. 

She rolled her eyes and crossed her arms. "Hindi mo pa rin ako naaalala?"

"Wala akong oras para makipagbiruan." sabi ko at aalis na sana nang harangan niya ang dadaanan ko. 

"Ginawa ko ang lahat para lang makasama ka pero walang nangyari! Inantay kita! Inantay kita kahit wala na akong makitang pag-asa!"She cried."Ano bang nangyari sa 'yo ah? Nagka-Amnesia ka ganun?" 

"As far as I know, natatandaan ko ang pamilya at mga kaibigan ko. Natatandaan ko ang mga taong mahalaga sa buhay ko. So my answer to your question is no. Kung nakalimutan man kita, siguro hindi ka ganun kahalaga sa akin." Nawawalan na ako ng pasensya ngayon sa babaeng 'to.

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha niya at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot dahil dito kaya nagsalita akong muli. "Sino ka ba?"

"Cyrish Villaroel." pakilala niya sa kanyang sarili tyaka yumuko. Mas lumuha siya. "Sinumpa nga talaga tayo... sinumpa talaga tayo." She whispered. Nag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos.

Nakita kong hawak niya ang kwintas na suot niya at nagulat ako nang hilahin niya iyon at itapon sa sahig. 

"I think I am still the girl you almost had." Namumula na ang kanyang mukha at humihikbi na rin siya. Walang lakas niyang sinabi ito bago bagsak balikat na naglakad palayo sa akin.

Bakit pakiramdam ko dapat ko siyang habulin?

Sumakit ang ulo ko at napahawak ako rito. Sino ka ba Cyrish? Sino ka ba sa buhay ko at bakit may ganito akong nararamdaman ngayon? 

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEWhere stories live. Discover now