Chapter 6

672 21 1
                                    

Chapter 6 || Pwedeng Hawakan Sandali

Cyrish's POV

Nakaupo kaming magkakaibigan ngayon dito sa tabing dagat. Nakatingin lang ako sa agos habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang nangyari kanina...

Hinalikan niya ako.

Sa loob ng kweba.

Pumayag ako.

Hindi ako nanlaban.

Paano ang sumpa?

Bakit? Bakit mabilis ang tibok ng puso ko hanggang ngayon? Bakit ganito ang epekto ni Felix sa akin noon pa man? Pinapahupa ko lang 'to noon sa tuwing nagkakaganito ako pero ngayon parang aatakihin ata ako sa puso. Nababaliw na ba ako?

May nakita akong inumin sa harapan ko at inaabot iyon ni Kailer kaya kinuha ko. Ako rin kasi ang nagrequest ng maiinom sa kanya kaya naalala niya ang wallet niya na nalaglag pala sa loob ng kweba kaya binalikan niya.

"Salamat sa inumin." sabi ko at naisip ko naman ang sinabi ko sa kanya kanina. Gusto ko lang naman na linawin niya sa sarili niya kung ano ang nararamdaman niya. Kung gusto siya ni Mikka at ako naman ang gusto niya ay mabuti nang sa akin ito mapunta. Para sa akin ay hindi deserve ng pinsan ko na mapunta sa lalaking may ibang mahal noon pa man. Ayokong dumating ang panahon na magsisi siya dahil sa susunod ay magagawa pa rin naman nitong maghanap ng iba bukod sa kanya. Gusto ko lang naman na ang makatuluyan ng pinsan ko ay 'yung lalaking siya lang ang una at huli wala ng iba. Gusto ko mahal siya nung lalaki. Walang kahati.

Kung masasaktan man siya sa aming dalawa ni Kailer ay ginusto niya 'yon... kasi una pa lang alam naman niya na ako na ang habol ni Kailer. Wala akong tiwala sa lalaki. Wala kahit katiting.

Kahit sa sarili kong ama.

"Anong gusto niyong gawin ngayon?" tanong ni Felix na muntikan nang magpaubo sa akin habang umiinom ako. Nanginig agad ang sistema ko dahil lang sa boses niya.

"Wala bang bar dito?" tanong ko para iparamdam na okay lang ako kahit na hindi. Nanlalamig ang mga kamay ko. Damn! That was just a kiss! Marami na akong nahalikan at 'di hamak na may mas pogi at macho pa sa kanya so why am I like this now?!

Siguro nga marami na siyang nahalikan e. I admit that he's a good kisser! Babaero e kaya ano pa bang dapat kong asahan? Baka nga hindi na siya virgin e!

Napagusapan ng lahat na sa bar kami pupunta pero si Mikka ang KJ at ayaw sumama. Hinayaan na lang namin magpahinga dahil inaantok daw. Nagulat nga ako dahil hindi ko inisip na may bar sa resort nila Kailer. Anyway it's a good thing though para makapagunwind ako.

Nagsuot ako ng short shorts at black cropped tee na may nakasulat na 'Pwedeng Hawakan Sandali' na talagang sakto pa sa dibdib ko. I can't help but laugh sa nakasulat na 'yon kapag isinusuot ko. Nagsuot lang ako ng sandals para kumportable tapos hinayaan kong nakalugay ang hindi kahabang buhok ko. Hindi ito tuwid na tuwid dahil sa may pagkawavy pero hindi naman ako mukhang sinabunutan. Sa amin kasing magpipinsan, si Mikka ang may mahabang buhok at maikli naman ang kay Xandreen.

Speaking of my cute cousin, hindi kami ganun kalapit dahil mas close sila ni Mikka. But then I don't have hard feelings. Hindi man kami close ay okay naman kaming dalawa. Kaya nga lang ay mas malapit siya sa mga libro. That's for a fact. Halata naman sa makapal niyang salamin na hindi ko na malaman kung gaano kataas ang grado.

Gaya ng napagusapan ay sa lobby kami nagkita. Naabutan ko si Felix na nakaupo roon at nagiintay sa amin. Nang makita niya ako ay agad siyang tumingin sa akin mula ulo hanggang paa at napahinto sa may dibdib ko. Parang napaso ako sa pagtingin na ginagawa niya. Hindi ito ang unang beses na may gumawa nito pero bakit nung siya na parang matutunaw ako sa kinatatayuan ko. Nakakapaso ang titig niya.

Hindi siya matitigil sa pagtingin kung hindi dumating sina Kailer at Dianne. Nagtabi na kami ni Dianne at sila naman ni Kailer ang nagsama.

"Woah girl this is it!" sabi ni Dianne. Pagdating sa pagiging inosente, number one si Dianne. Kaya nga natatawa ako lagi kapag kausap ko siya. Bigla niyang dinutdot ang dibdib ko kaya nahampas ko ang kamay niya. "Aww! Sabi mo pwede kahit sandali!" humalakhak siya na parang baliw kaya natawa na rin talaga ako.

Tama nga si Kailer na may bar dito sa Eisen Beach Resort. Akala ko kasi nung una wala. Hindi man ito ganun kabongga tulad ng sa Maynila ay mapagtatyagaan na. Isa pa ay marami namang hot guys dito.

Sa dance floor agad ang punta ko pagkatapos uminom ng isang shot at nakisayaw na ako sa mga tao roon. May ilang babae na nakaswimsuit at may ilang balot na balot naman. Ako 'yung tipong in between. Nakakabingi ang tugtog at 'yung ilaw nagiiba-iba ang kulay kaya medyo nakakahilo. Pero kahit ganun ay enjoy pa rin naman. Grabe nga at Bang Bang pa ang tugtog! Yoooohoooo!

Habang nagsasayaw ako ay may humintong lalaki na mukhang pusit sa harapan ko. Awtomatikong napatingin sa dibdib ko. Kanina pa sila ni Felix ah. Ano bang mayroon sa dibdib ko?

Napaatras ako nang muntikan na akong hawakan nung lalaki sa dibdib. Doon ko napagtanto na may nakasulat nga pala sa suot ko! The guy chuckled. Halatang bangag na dahil sa nakainom yata ng marami. Mukha siyang tikbalang na pusit! Eww!

"Malinaw 'yung nakasulat ah. Sandali lang naman." sabi niya na halatang lasing na lasing na kaya kinilabutan lalo ako. Lalayo na sana ako nang higitin niya ako sa braso palapit sa kanya. Amoy na amoy ko ang mabaho niyang hininga! Nakakasuka!

"Stop touching me!" I never expected anyone to take my shirt seriously. It's just a shirt for hell's sake! Kahit na marami na akong napaglaruang lalaki ay kahit isang beses hindi ko hinayaan ang kahit na sinong lumagpas sa boundaries ng pagkababae ko! Hanggang halik lang! Holding hands and hugs! Period! "Do you want to die?" pagbabanta ko at matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya.

Nakakanginig ang pagpipilit ng lalaki sa harapan ko. Hindi ito ang unang beses na ganito ang pakiramdam ko... maraming beses nang may nagtangka sa akin pero may isang pangyayari na hindi ko talaga malilimutan buong buhay ko...

"Sungit mo miss-"

"Tol akin 'yang minamanyak mo e." Nagulat ako sa boses na 'yon na nanggaling sa likuran ko. Lalo na nang makaramdam ako ng braso na unti-unting pumulupot sa baywang ko. Fudge!

Mukhang natakot 'yung lalaki dahil bumitaw na sa pagkakahawak sa akin at umalis na lang ito ng tahimik kaya hindi na nagkaroon ng gulo. Kilala ko kung sino ang nasa likod ko dahil sa boses nito at amoy. Lagi itong amoy bagong paligo. Parang baby. Kaya nga noon ay lagi ko siyang natutuksong Mama's boy. Alagang-alaga kasi siya ng parents niya. Oo nga pala at sa probinsya kami noon nakatira pero lumipat sa Maynila nang magkolehiyo na kami.

Hihiwalay na sana ako kay Felix pero isinubsob niya ang mukha niya sa may leeg ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko lalo na nang dalawang braso na niya ang nasa bewang ko. Yakap-yakap niya ako ngayon nang mahigpit. "Ang sarap sabihing akin ka." hindi ko maatim ang lungkot sa boses niya pero mas nanaig ang pagiging demonya ko lalo na at naalala ko na naman ang nangyari noon.

Inilayo ko siya sa akin at agad akong naglakad palabas ng bar. Hindi ko siya nilingon. Nakita ko pa si Kailer kaya naman inaya ko na siyang bumalik nang hindi tinitingnan si Felix. Boys will always be boys kahit na anong mangyari. May habol lang sa 'yo kaya ka kailangan. Maybe I stepped on his pride years ago kaya naghahabol siya sa akin hanggang ngayon. Kung hindi iyon ang rason ay alam kong may rason. Imposibleng totoong may pagmamahal. Wala. Kung meron man ay lumilipas ito. Napapanis na parang pagkain at tinatapon din. Sa huli masasaktan lang ako. Mapaglalaruan. Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Kaya nga ako ang naglalaro imbes na sila. Sila ang pinaglalaruan ko.

The Girl He Almost Had (TG#2) COMPLETEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें